chapter - 5

42 16 15
                                    


Jacob's PoV.

Tinanaw nilang malaking utang na loob ang ginawa kong pagligtas sa kanila noong mga nakaraang araw mula sa grupo na aming nakaaway. Diko parin makalimutan ang tanong na tumatak sa aking isipan. Bakit gustong kunin nila si Ria? Anong meron sa kanila ni jake at ni Ria? Hanggang ngayon ay wala paring nakakasagot. I'll find out the answers on my own, I'll investigate it soon.

Nakalipas narin ang maraming araw at naging bestfriends kaming anim. Kami na palagi ang magkasama sa school, magkasabay mag lunch, at nagtutulungan sa mga assignments ang projects.

Naisipan nila na bumuo ng squad. Squad na kong sino ang kalaban ng isang meyembro ay kalaban ng lahat. Pumili sila ng magiging leader at ako ang napili nilang king, si Ria ang queen at ang dalawang lalake at babae naman ay mga princes and princesses.

Kailangan nila ng King na maaasahan, nererespeto, sinusunod ng kanyang mga kawal. Sa palagay ko kaya nila ako ginawang King dahil don sa nagawa ko nong isang araw. Pero wala lang sakin yun. Hindi naman sa pagmamayabang pero hinihintay ko panga kung kailan kami babalikan ng mga mukong na'yon.

Pinangalanan nila ang squad namin na Lee. Nagmula sa pangalan ng king and queen. Lee Squad. Ang squad namin ang pinili ng mga teachers sa school upang panatilihin ang pagiging peaceful ng school namin. Nabalitaan daw kasi nila na natalo namin ang mga grupong nakalaban namin. Palagi nalang daw kasing nanggugulo ang mga yun sa school at sila william at james lang ang may lakas ng loob na kumalaban sa kanila pero natatalo lang sila sa huli at marami pang mga sugat ang natatamo. Hindi rin daw nakakapalag ang mga guards dahil may dalang mga baril ang grupo na yon at ayaw nilang may masaktan pang iba sa mga estudyante. Nagawa naman namin ang aming misyon dahil hindi na bumalik sa school ang grupo ng mga mukong nayon. Sila lang naman ang nakikita kung nanggugulo sa school.

Habang tumatagal ay mas lalo kong nakilala si Ria. Hinahatid sundo ko siya sa bahay nila. Palagi kaming nagchachat. Kung hindi sa group chat, nag paprivate message ako sa kanya. Nangangamusta sa kanya. Hanggang don lang naman talaga ako eh. Naging close kaming dalawa pero wala parin akong lakas ng loob na umamin sa kanya. Crush ko na siya mula pa noong una ko siyang nakita. Torpe ka Jacob torpe. Nilalait na mismo ako ng isip ko dahil sa katorpehan ko. Hayss.

__

Lunes na bukas. Dating gawi na naman. Tulog ng maaga, gumising ng maaga, maagang maligo, kumain at pagkatapos ay sa school ang punta. Diko alam kung bakit ang sipag kong mag aral ngayon. Dahil ba nandyan si Ria? Siya ba ang aking inspiration? Hindi naman ako ganito dati eh. Puro computer games lang ako noon. Nagcucutting classes para lang maglaro ng computer games. In the last graduation wala nga akong nakuhang award. Isang medalya lang ang nakuha ko. Nanalo kasi ako noon sa mix martial arts. Kaya meron akong nakuha na gintong medalya. Pero naging good boy ako ngayon. Ngayon na nakakasama ko si Ria at ang mga bestfriends ko. Handa akong protektahan ang aking minamahal. Kahit paman ito ay aking ikamatay, diko hahayaan na sila ay masaktan. Ganyan ko sila kamahal. At alam ko na yun rin ang nararamdaman nila. Sila yung tipo ng kaibigan na dadamayan ka sa lahat ng problema. Magcocomfort sayo tuwing nalulungkot ka. Magjojoke sayo at patatawanin ka. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad nila. Walang iwanan. Kahit anomang mangyare.

Matapos akong maghaponan ay agad akong pumunta sa kwarto. Umupo ako sa kama. Pagkatapos kong maset ang alarm clock sa 4 a.m ay humiga ako sa kama. Bago paman ako matulog ay kinuha ko muna ang phone sa mesa na katabi lang sa kama. Enopen ko ang messenger at agad kong nakita ang pangalan ni Ria at online siya ngayon.

Me: Hi Ria, kamusta?
sent

seen.

typing....

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon