Jacob's POV.
Tahimik lang kaming nagbabyahe. Sinulyapan ko ang seseryoso ng kanilang mga mukha. Parang ang lalim ng iniisip. Maging ako man ay ang lalim rin ng iniisip. Hanggang ngayon iniisip ko parin kung saan kami pupunta. Kung ano ang panlaban namin sa mga zombies. Kung may magliligtas paba sa amin. Kung mapipigilan paba ang mga zombies na kumalat sa buong mundo. Baka wala na kaming mapuntahan at mapagtaguan kung tuluyan ng kumalat ang mga zombies sa buong mundo. Sa dinamidami ng mga tao, pag naging zombies labat ito, siguradong dina kami makakaligtas. Mas mabuti pang mamatay nalang.
Pero umaasa parin ako na may tutulong sa amin. Naghihintay lang sila ng tamang panahon. Kailangan lang naming tumagal, makasurvive.
Hanggang ngayon ay nagdududa parin ako sa pag-exist ng mga zombies. Ang daming mga katanongan at mga teorya na lumalabas sa aking isipan pero hindi ko masabi sa kanila.
Aksidente lang ba yung bigla-biglang pag exist ng zombie? Talaga bang nature made yung paglindol? Hindi kaya manmade lang ang mga yun dahil nageexperemento sila? Pero sino, sino ang demonyo ang gagawa nito?Naputol ang katahimikan nang nagsalita si william."Hindi kaya may nag-iisang tao ang puno't dulo ng mga pangyayari ngayon at pinapanood ang kanyang tagumpay?" Ayun, parehas rin pala kami ng iniisip. Actually, science freak yan si William. Hindi siya nag-eexperiment physically but mentally. At ngayon, I think he found out kung paano nag-exist ang zombie. He's no detective kaya we need to find out kung sino ang may gawa nito and we need to find the cure.
"Yan rin ang iniisip ko will." Napatingin silang lahat sa akin nong sinabi ko yun na para bang nahimasmasan na sa mga nangyayari.
"Pero sino naman ang demonyong gagawa nun?" Tanong ni Sophia, sa tingin ko na gets na nila kung ano ang gusto naming ipahiwatig.
"That's for us to find out." Wika ni James na naka smirk. Woah mukhang excited na ang mokong oh.
"I already have a primary suspect who can only do that shit." Mahinahong sabi ni Ria at nababakas sa kanyang mga mata ang galit na iniinda.
"Who?" Isabella asked.
"It's Jake Santos." She said and clenched her fist. Malaki talaga ang galit niya sa Jake na yun. Same as with me, hindi ko alam ang buong pangyayari sa past nila but all I want to do is to kill that Jake.
"We need to know more about Jake's background." James stated.
"I think Ria can help us." Wika ko at kinindatan si Ria. Owss at napangiti ko siya.
"Ehem, ehem. So what's the plan king? Sophia asked referring me the king at nakangiti ng nakakaloko. Napahinga nalang ako ng malalim, sa totoo lang hindi korin alam but we need to plan it carefully.
" We need to plan it carefully. Sa ngayun kilangan muna natin ng matutuluyan." Wika ko at nagpatuloy sa pagmamaneho.
"Saan na tayo pupunta ngayon?" Tanong ni William. Iling lang ang nasagot ng iba sa kanya.
"Sa bahay. Kakailanganin natin ng kahit anong magagamit at mga gamot para magamot na natin ang sugat ni william. Kaya pupunta tayo sa bahay baka may makuha tayo doon." Sabi ko sa kanila at mabilis naman silang tumango upang sumang ayon sa akin. Sinulyapan ko naman ang sugat ni william na nabalot na ng tela ngayon, at least nakatulong sa pagharang ng dugo ang telang yun. I think, makakaabot pa kami.
BINABASA MO ANG
THE SURVIVORS (The Lee Squad) [Soon To Be Published]
ActionStory Genre: Action: Science Fiction Fighting all the zombies in order to survive. ©2018 darkk_aceeGG