chapter - 18

25 5 0
                                    


Jacob's PoV

Papunta na kami ngayon sa napag-usapang tagpuan, sa parking area. I'm with Ria and we're running carefully towards our destination. I looked at her. She looks like nervous pero hindi lang niya pinapahalata. Inabot ko ang kamay niya at hinawakan. Nararamdaman ko na nanlalamig ito. Dahil narin siguro sa lamig ng gabi. Walang hangin pero sa tuwing tumatakbo kami ay parang sinasalubong kami ng napakalamig na hangin.

Huminto kami at nagtago sa likoran ng mga sasakyan. Hinubad ko ang suot suot kong suit at isinuot ito sa kanya. Saglit siyang nagulat sa ginawa ko at tiningnan niya ako ng diretso bago magsalita. Hindi ko man makita ang mga magaganda niyang mga mata ngunit sigurado naman akong nakatingin ito ng diretso sa aking mga mata.

"T-thanks... Jacob." Pagpapasalamat niya. Ngumiti ako at sinasabi ko sa aking isipan na magiging okay rin ang lahat. But I doubt it. Magiging okay ngaba ang lahat? Ngayon na nalaman na namin ang cure, magbabalik naba ang lahat sa dati?
Sana nga... Sana nga magbalik na sa dati ang lahat.. Sana wala ng buhay ang masayang. Sana tuluyan ng mawala ang virus. Sana hindi na ito kumalat pa. Kay raming mga 'sana' sa buhay. At kailangan talaga nating kumilos upang matupad ang 'sana' na 'yun.

May dala-dala kaming mga handguns with silencer just for in case na magkaproblema. May dagger rin akong tinatago.

Hindi nagtagal ay nakita kona ring parating sina James at Sophia sa gawi namin. Medyo hindi na kami makikita dahil gabi na at iilang rooms lang doon ang may mga ilaw at papatay sindi pa ang mga 'yun. Wala ring ilaw dito sa covered parking area.

James is holding a M16 rifle with silencer and Sophia is with her double handguns. Agad naman kaming umayos nang nakarating na sila.

"Nasaan na sina William?" Tanong ko sa kanila. Napailing naman ang huli.

"Aba'y ewan ko." Ani Sophia.

Tumingin kami sa paligid para hanapin kung nasaan na sina William at Isabella ngunit isang anino lang ang napansin ko na naglalakad papunta sa'min. Ngayon kolang napagtanto na si Isabella pala iyun. Nasaan na si William?

"Nasaan na si William?" Halos magkasabay naming tanong nang makarating si Isabella. Dumiretso lang siya sa likod at sumandal sa likoran ng sasakyan. Hindi siya nagsalita at mukhang badtrip yata. Ilang araw kona rin siyang napapansing ganito. Yung wala lagi sa mood at super silence lang niya. Well, she's really a silence type of girl. Hindi niya ugali ang madaldal at hindi siya nagsasalita kapag puro nonsense lang rin ang pag-uusapan.

"Tara na. Susunod nalang raw siya sa'tin." Malamig na wika niya. Kumunot yung nuo ko sa sinabi niya. Bakit? Ano pa bang gagawin niya? Hindi ba dapat naming mailigtas ang mga kababaehan sa mas madaling panahon? Bakit ngayon wala siya?

"Saan naman siya nagpunta?" Tanong ni James habang pasulyap sulyap na tumingin sa paligid.

"Oo nga naman Sab, saan na naman nagpunta ang lalakeng yun?!" Medyo napalakas ni Sophia ang boses niya. Agad naman siyang sinaway ni James.

"Hoy, wag ka ngang maingay, mapapahamak kami nito ng dahil sayo e." Saway nito kay Sophia.

Nanatiling tahimik lang si Isabella na wala yatang balak sumagot. Siguro hindi sinabi ni William kung saan siya pupunta. Gago rin talaga 'yung lalakeng yun eh. I think alam kona kung ba't badtrip tong si Isabella.

Waka kaming magagawa dito kung patuloy lang kaming maghihintay. Kailangan na naming kumilos kahit wala pa si William.

Tiningnan ko muna siya ng ilang sigundo bago kumilos. Inilabas ko agad ang handgun ko at nauna ng tumakbo ng patagotago sa mga poste ng parking lot. Naramdaman ko naman silang maingat na sumonod sa akin. Hindi ko alam kung saan kami magsisimula pero isa lang ang layunin namin dito, ang mailigtas ang mga babae. Huminto ako sa panghuling poste at hinintay sila.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon