chapter - 6

27 16 16
                                    

Jacob's POV

Bumaba kaming dalawa sa hagdan. Inalalayan ko si Ria sa pababa dahil halata parin na nanginginig ang kanyang mga tuhod. Halata rin na takot na takot siya. Siguradong maraming mga katanongan ang bumabagabag sa kanyang isipan lalong lalo na kapag nakikita niya ang mga zombies. Hindi niya talaga napigilan at tinanong niya ako.

"Jacob. Ano ba ang nangyayari sa mga tao? Bakit sila nagkakaganyan?"

Hinarap ko siya at tiningnan sa mga mata.

"Hindi korin alam Ria. Ang siguradong alam ko lang ay hindi na sila mga tao. Nangangagat sila at once na makagat ka nila, mahahawa ka at magiging kagaya ka rin nila. Zombies." Paliwanag ko sa kanya.

"Ang buong akala ko ay sa movie lang nag eexist ang mga zombie. Hindi ko talaga inakala na magkakatotoo ito." Wika niya at napaiyak na naman.

"Yan rin ang akala ko Ria. Pero wala na tayong magagawa. Ang mga zombie na napapanood natin sa mga movies, ngayon ay nagkakatotoo na. Kailangan nating mag ingat." Wika ko sa kanya.

Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang lungkot at takot. Siguro nalulungkot siya dahil hindi pa namin nakikita ang barkada. Nag aalala siya.

"Kailangan nating puntahan sina James. Sigurado akong nandon sila sa school." Sabi ko sa kanya. Lumingon lang siya sa akin at tinignan ang seryoso kong mukha.

Binuksan ko ang passenger seat ng sasakyan at pumasok naman si Ria. Umikot ako at pumunta sa driver seat.

Pinaandar ko ang sasakyan at napansin ko ang fuel nito na halos maubos na. Shit naman oh. Malayolayo pa sa school namin ang gas station. At sigurado akong marami ring mga zombies doon. Sana nagdala ng sasakyan si james. At sana hindi ito nasira kasi sigurado akong full tank yun. Araw araw kayang full tank yun. Hindi narin ako nagtataka dahil sa subrang yaman nito.

Habang nagmamaneho ako, hindi ko talaga maiwasan na macurious. Saan kaya nanggaling ang mga zombies? Wala naman sigurong kinalaman ang malakas na lindol nayon sa kanila. Sino ba ang gumawa ng virus? Pano sila mapipigilan? Sigurado akong may nag experemento nito. At kami ang nabiktima. Shit. Sana may lunas.

Sa lahat ng tanong nayon ako lang ang makakahanap ng sagot. Hahanapin ko ang sinong demonyong nagturok ng virus sa isang tao para maging zombie.

Liningon ko si Ria. Nakatulog na siya. Sa subrang takot siguro. Nababakas ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Nakasandal ang kanyang ulo sa bintana ng kotse. Wagkang mag alala Ria, hindi kita pababayaan. Mahinang bulong ko at binalik naman ang atensyon sa pagmamaneho.

Tanaw kona ang halos wasak na wasak na gusali ng paaralan. Hindi ko na pinaabot sa gate ang sasakyan at hininto kona ito malayo sa gate dahil sigurado akong maraming mga zombies doon. Nagising si Ria sa paghinto ng sasakyan. Binuksan ko ang pinto ng sasakyan at bumaba. Ganon din ang ginawa ni Ria.

THE SURVIVORS  (The Lee Squad) [Soon To Be Published]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon