Umaga pa lang,nakikipag-ngitian na si Jimin sa kanyang laptop,kasalukuyan kasi niyang sinusulat ang dedication page ng una niyang nobela. Excited na excited siya kase,ito lang naman ang una niyang project as a legit writer! As in author ng sarili niyang kwento.Nung highschool kasi siya,sa notebook lang siya nagsusulat at ang nag-iisang matiyagang nagbabasa ng mga kwentong gawa niya,ay ang best friend niyang si Jungkook. Pero ngayon, sa isang publishing company na siya magsusulat at madami na ang makakabasa ng mga gawa niya.
He smilingly smiled,and type on his keyboard..
To Kim Taehyung---with love. You're my devotion, my addiction..
Okay sana eh,magandang pakinggan.. Kaya lang naisip niya,parang may pagka- psychotic ang dating.. Baka imbes na matuwa,ipa-blotter pa siya ni Taehyung. Naiiling na pinindot niya ang backspace,and typed again.
To Kim Taehyung---I fell in love with novels,just like how I fell in love with you.
Napapangiwing binura niya ulit ang mga yun. Parang nai-imagine na niyang humahalakhak si Taehyung sa ka-corny-han ng dedication letter na yun.
To Kim Taehyung-- always remember, you light up my world..
"Ughhh! Shet ang luma!"
Naiinis na pinatay niya ang laptop niya,thinking na saka na muna siguro niya iisipin at gagawin ang dedication page niya kapag buo na ang story niya. Kundi lang kumalam ang sikmura niya, hindi niya maaalalang hindi pa pala siya nag-be-breakfast.
He stood up and went to his kitchen to prepare something to eat. Yes,he live alone. Sandamakmak na pakiusap muna ang hiningi niya sa overprotective niyang Papa para lang payagan siyang maging independent. Siyempre, with the help of his Mama,ayun finally pinayagan na siyang mamuhay ng mag-isa medyo may kalayuan mula sa kanila. Sa Busan kasi ang hometown nila,pero pinili niyang manirahan sa Seoul.
Dalawa silang magkapatid,siya ang bunso kaya talagang baby siya ng pamilya nila kahit 22 years old na siya. Kaya every weekend, dinadalaw siya ng parents niya,minsan ang Kuya niyang si Jihyun.
At ang lalong dahilan kung bakit pumayag ang pamilya niya na magsolo siya sa buhay,yun ay dahil kay Jungkook. Ang best friend niyang kadikit na ng bituka niya. Jungkook is 23,one year ang tanda nito sa kanya. (A/n: shet,I'm just stating the fact na parang si Jungkook talaga ang matanda sa kanilang dalawa ni Chimchim ehe..tototohanin ko na dito 😂)
Sobrang close nito sa pamilya niya,at kung titingnan mo sa ibang anggulo,si Jungkook ang tumatayong guardian niya. Hindi nga sila magkasama sa iisang bahay,magkaharap lang ang tinitirhan nila. Hindi naman sa ayaw niya yun,in fact mas panatag siya kasi alam niyang isang tawag lang niya,darating ito agad.
And speaking of Jungkook,baka hindi din pa ito kumakain ng breakfast or malamang tulog pa ito dahil lagi itong puyat sa trabaho nito as an actor slash kpop boyband. Hindi naman sa nagmamayabang siya,pero ang banda lang naman nito ang pinakasikat ngayon sa buong Korea. Na ang tinitilian,hinahangaan at pinapantasya ng buong mundo,ay kaibigan lang naman niya. Hindi na niya kailangan pa ng VIP tickets para lang ma-meet and greet si Jungkook. Sino bang mag-aakalang ang isang sikat na Jeon Jungkook,kinukurot lang niya?
He gigglingly opened his apartment door,and went to Jungkook's. Hindi na siya nag-abala pang kumatok dahil alam naman niya ang passcode nito--ang combinations ng mga birthdays nila. Minsan nga,pag tinatanong niya kung bakit ang mga birthday nila ang ginamit nitong passcode,pinagsusungitan siya nito kaya di na siya nag-aabalang magtanong pa dahil susungitan lang siya malamang neto.
"Jungkookie!"
Energetic niyang tawag sa pangalan nito,but he got no response kaya pagkasara ng pinto, dumiretso na siya sa bedroom nito.
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: This one is For You
FanfictionHighschool pa lang, malaki na ang paghanga ni Jimin kay Taehyung---ang infamous varsity player of the campus. He's aspiring author,and sa sobrang pagka-crush niya kay Taehyung,ginawan niya ito ng story directly dedicated to him.. But unfortunately...