6~ We don't talk anymore

352 14 0
                                        


Muli, nagising na naman si Jimin na wala si Jungkook sa bahay na tinitirhan nila. Masyadong malaki ang bahay na nabili nito para sa kanilang dalawa. Eksaktong limang araw na since nakalipat sila dito sa isang private condo apartment, para makaiwas sa mga press at fans nito.

And it's exactly five days straight na hindi sila nagkakausap ng matino,o ni ang magkaroon ng oras para sa isa't-isa. Buti pa naman noon kahit pareho silang busy, hindi nila mapapalampas ang maghapon ng hindi sila nagkakasama..subalit ngayon ay tila ba nagkaroon ng malaking pader na nakaharang sa pagitan nilang dalawa.

At yun ang hindi niya maintindihan,dahil tila iniiwasan siya ni Jungkook. Hindi niya alam kung bakit o anong naging dahilan para lumayo ito sa kanya. Nahihirapan na siyang intindihin kung anong nangyayari sa kanila,na pati trabaho niya nadadamay na.

Hindi na siya masaya sa pagsusulat ng mga stories niya. Siguro dahil walang feelings...o siguro kung anong emotions niya,yun din ang nararamdaman ng mga characters niya. Kung tutuusin,dapat nakalahati na niya ang buong story,but he doesn't know what's gotten into him kase he deleted everything about the story. Na yung bida na supposedly silang dalawa ni Taehyung na iniba lang niya ang mga pangalan as the characters,binura niya lahat.

So kailangan niyang mag-start ulit ng panibagong story plot,and genres. So from love story,naging random na--well,just like how he feels. Sobrang random ng mga nararamdaman niya,na hindi na niya mapangalanan kung anong klase ng pakiramdam yun.

Tinawagan na nga siya ng boss niya para magreport siya kung bakit na-delay ang story niya. And speaking,walang sigla na bumangon na siya sa kama niya at naligo saka nagbihis na. Hindi na din siya nag-abala pang kumain ng almusal,naghanda na siyang makaalis.

Hindi na niya sinusuot ang favorite Jacket ni Jungkook. And sa ngayon,hindi na din siya nagsusuot ng face mask at shades. Normal lang,just like how he wants to live.

Feeling safe,lumabas na siya ng bahay and starts to just walk. Dahil morning naman,naisipan niyang maglakad-lakad muna para i-enjoy ang preskong hangin at may katatamtamang sikat ng araw. Perfect weather para makapag-senti.

"Where do you think you're going?"

Napaangat siya ng tingin sa nagsalita, si Jungkook pala na kakababa lang sa kotse nito. He scoffs, and rolled his eyes dahil after five days,narinig niya ulit boses nito at kinakausap siya.

"Natanggal na ba yung invisible tape na nandiyan sa bibig mo dahil kinakausap mo na ulit ako?"
Paasik niyang tanong dito,at tangka ng lalagpasan but Jungkook held him on his wrist to stop him.

"I asked you first,where are you going? Ni hindi ka nakasuot ng mask--

"Why do you care? Di ko ba pwedeng gawin ang gusto ko? Ano ba kita? Kaibigan lang kita"

Sapilitan niyang tinanggal ang kamay nito sa kanya at nagsimula ng maglakad palayo dito. But he once again,Jungkook stopped him from leaving as his best friend hugged him from the back.

"I-I'm sorry Jimin"

"Why? Naninibago na'ko sayo. Bakit mo'ko iniiwasan? We don't talk anymore like we used to. What did I do? Napikon ka na ba talaga saken?"

"Sorry"

Hindi niya maintindihan kung bakit napakatipid ng mga sagot nito, kung bakit hindi malinaw sa kanya kung anong ibig sabihin ng mga sorry nito.

Tinanggal niya ang mga kamay nito na nakayakap sa kanya at lumayo na dito. Nagbilang siya hanggang tatlo,if pipigilan siya nito ulit,patatawarin na niya ito pero sa dismaya niya,hindi na ito ulit pang humabol sa kanya kaya mabibigat ang mga paang binilisan na niya ang paglakad palayo dito.

Kookmin's presents: This one is For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon