"Taehyung, feeling mo ba nagseselos talaga si Kookie kanina?"
Pangungulit niya kay Taehyung,hindi pa kasi siya kumbinsido sa nakita niyang reaksyon kanina ni Jungkook."Oo,kitang-kita ko yun kanina. Gulat na gulat na siya eh. Uy thank you nga pala Jimin at pumayag ka na sa gusto ko. Okay nga naman na magpanggap tayong nagliligawan kesa sa boyfriends agad"
"Mm..teka,kailan naman natin pagseselosin ang ex mo? Di naman tayong pwedeng lumabas in public"
"Ako na ang bahala dun"
Napatango na lamang siya at muling itinuon ang pansin sa palabas sa tv na pinapanood nila. Dahil hindi nga sila pwedeng makitang magkasamang lumabas,dinala na lang siya nito sa bahay nito at kasalukuyan nga silang nakaupo sa long sofa nito,at nag-uusap lang sa mga plano nila.
~Hello everyone, welcome to our show and today,live po nating makakasama ang nag-iisang si Miss Jasmine Byun!~
Nilingon niya ang katabi niyang si Taehyung,na halos hindi na kumukurap habang nakatingin sa screen ng tv kung saan pinapakita ang pag-entrance ng ex nito.
"Uy okay lang ba Taehyung?"
"Y-yeah.. Panoorin lang muna natin ang interview sa kanya. One month ko na din siyang hindi nakikita... Langya,namimiss ko na siya"
Bahagya niya itong tinapik-tapik sa likuran para i-comfort ito at muli na lamang niyang itinuon ang pansin sa palabas.
~Hi miss Jas..Bumati ka muna sa mga fans and viewers na nanonood saten ngayon ng live na siguradong na-miss ka~
~Hello po sa inyong lahat..Na-miss ko din po kayo~
~ahaha,ang cute.. So miss Jas,how are you? And how's your vacation?'
~mabuting-mabuti po at masaya na I got to spend time with my family back home~
~So madami ang na-intriga sa breakup niyo ni Taehyung. May mga balita ding nabuntis ka daw..totoo ba?"
"Naintriga din po ako,charot ahaha..Hindi po ako buntis at nabuntis. Malabo pa yung mangyari lalo ngayon single ako~
Naaaliw siya sa pagiging palabiro ng actress pati si Taehyung na seryosong-seryoso na nanonood,bahagya ding napapangiti.
~Miss Jas,ano naman ang masasabi mo sa mga viral photos ng ex mo na may kasama ng iba?~
~Wala dedma ahaha de joke lang po. Ano ba dapat? Wala na'kong dapat sabihin pa kase buhay na niya yun and if happy siya,good for him~
Napatingin na naman siya sa katabi niyang si Taehyung na lumungkot ang mukha na nakaharap lang sa tv.
~So let's talk about your personal life.. Bukod sa pagiging singer/actress,ano pang pinagkakaabalahan mo?~
~Isa po akong culinary graduate,so sa likod ng camera isa po akong chef. Nagluluto ako at nagbe-bake~
~wow that's nice. Balita ko,ipagluluto mo kami ngayon~
~pftt,ngayon na po ba?~
~hahaha,no mamaya pa pala miss Jas. May mga questions pa kami sayo..So,sa Bighit Entertainment ka na pala nagtatrabaho ngayon. How's your first interaction to all their staffs and artists,especially with BTS?~
Napaayos sila ng upo ni Taehyung sa tanong na yun ng MC. Ibig sabihin kasi makakatrabaho ni Jungkook ang babae.
"Alam mo bang lilipat na siya ng management, Taehyung?"

BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: This one is For You
FanfictionHighschool pa lang, malaki na ang paghanga ni Jimin kay Taehyung---ang infamous varsity player of the campus. He's aspiring author,and sa sobrang pagka-crush niya kay Taehyung,ginawan niya ito ng story directly dedicated to him.. But unfortunately...