"Uy isama mo naman ako,Kookie. Gusto kong makilala ang mga ka-bandmates mo"
Pangungulit pa sa kanya ni Jimin. Balak pa naman sana niyang ilaan ang buong araw niya with Jimin pero tinawagan siya ng management niya at may biglaan silang appearance sa muzic bank today."Akala ko ba may work ka pa?"
"E tinawagan mo naman na ang boss ko eh,saka sabi mo wag kong pilitin magsulat kasi masasaktan ang sugat ko. Sige na,isama mo na'ko please. Promise,behave ako dun"
"Sinabi mo yan ha?"
Jimin cutely nods kaya naman napangiti na din siya at hindi naman din niya ito matitiis lalo pag nagpa-cute na ito sa kanya.
"Alright. A promise is a promise Jimin. Kapag sinabi kong dun ka lang sa isang sulok,dun ka lang maliwanag? And one more thing, keep a distance away from me but not too far from my sight. Clear?"
"Yes"
"Good.. Now wear this jacket,and don't forget to wear your face mask and shades. Wag mong tatanggalin kahit anong mangyari"
"Ayay captain!"
Natatawang nakurot niya ito sa pisngi,before he helped Jimin to wear his favorite jacket na gustong-gusto niyang nakikitang suot nito. Lalo kasi itong lumiliit sa laki at haba ng jacket.
"Let's go?"
"Yes!"
He offered his hand for Jimin to take,hindi naman siya nito pinahiya at agad tinanggap ang kamay niya. Hindi naman halata na excited itong makapanood ng live performances ng iba't-ibang artists plus finally maipapakilala na niya ito personally sa mga ka-members niya.
Hinila pa siya nito pasakay sa kotse niya,kaya di na talaga mawala ang ngiti niya. Ngayon lang niya na-enjoy ang roadtrip niya papunta kung saan man ang trabaho niya dahil sa daldal at aliw na aliw siya sa mga kwento nito.
Nang makarating sa destination nila,parang gusto niyang magdalawang isip kung isasama niya si Jimin sa loob dahil ngayon palang tila inaabangan na ang pagdating ng mga artists,ng mga press at hinaluan pa ng mga fans.
"Jungkookie what's wrong?"
"Maiwan ka muna dito,ipapasundo kita sa mga staff namin. Ayokong makita ka nila"
"Hm? Ayokong maiwan dito. Wala na ba tayong ibang way?"
"Sige,sandali. I'll call Namjoon to get us here"
Tinawagan nga niya ang kaibigan niyang si Namjoon na agad namang nagsabi na gagawa ng paraan para ilibang ang mga press at fans. Pinabuksan na din ng manager nila ang isa pang gate para makapasok sila sa loob ng walang nakakapansin sa kanila.
Mabilis niyang iniliko ang sasakyan at pumasok sila sa shortcut na sinabi ng manager nila.
"Halika na Chim,basta don't remove those mask alright?"
"I got it Kookie"
"Good,now let's go"
Nauna na siyang bumaba sa kotse niya para pagbuksan naman niya ito ng pintuan ng sasakyan saka magkahawak-kamay na patakbo silang dumiretso sa loob ng building at diretso na sa dressing room nila.
"Napagod ka ba sa pagtakbo?"
Natatawang humihingal niyang tanong dito nang makapasok sila sa loob.Humihingal na tumango ito bilang sagot saka tinanggal ang shades nito at bahagyang ibinaba ang facemask nito para makasagap ng hangin.
"But it was fun. Grabe naman pala ang trabaho mo"
"Pftt..Sorry kaya ayokong malaman nila ang tungkol sayo dahil guguluhin ka lang nila"
![](https://img.wattpad.com/cover/149445442-288-k161354.jpg)
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: This one is For You
FanfictionHighschool pa lang, malaki na ang paghanga ni Jimin kay Taehyung---ang infamous varsity player of the campus. He's aspiring author,and sa sobrang pagka-crush niya kay Taehyung,ginawan niya ito ng story directly dedicated to him.. But unfortunately...