20~ Public Demands

285 12 0
                                    


"Hon,alis na'ko. Uuwi ako agad"
Paalam ni Jungkook kay Jimin na nasa kusina na kumuha lang ng maiinom. Mabuti na lamang ay nakakatayo at nakakalakad na ito kahit paika-ika lang. Ayaw sana niyang umalis pero hindi kasi niya mapapalampas ang kapabayaang nangyari kagabi sa concert nila mismo.

"Okay. Ingat ka,at umuwi agad. I love you Kookie"

"Opo.. I love you too baby. See you later"

Hinatid pa siya nito hanggang sa may pinto,pero di na niya ito pinalabas pa. Hinalikan muna niya ito at pinapasok sa loob,at pina-lock ang pinto bago siya umalis na pasakay sa kotse niya.

He drove his way to his management building--which is the Bighit entertainment. Kagabi pa yung inis at galit niya kaya naman pagbaba palang niya sa kotse niya, padabog na pumasok na siya sa loob ng building.. not greeting everyone even their security guards.

Dirediretsong pumasok lang siya loob papunta sa office ng Boss nila. Hindi na din siya nag-abala pang kumatok,pumasok na siya agad at nadatnan pa niya itong nakaupo kausap si Manager Shin na tila ba hinihintay talaga ang pagdating niya.

"Oh Hi Jungkook. Have a seat--

"No need. Lahat po ba ng mga staffs,crews cameramen and even janitors are on the practice room?"

"Y-yes.. Ahm Jungkook makinig ka muna samen ni Manager Shin"

Naiinis man,naupo naman siya paharap sa dalawang nakatatanda at matamang tumingin lang sa mga ito,waiting lang sa iba pang sasabihin ng mga ito.

"Hindi na namin itatanong sayo kung ano ang relationship niyo ni Jimin. Napakagandang bata,ayaw ba niyang mag-artista kagaya mo? Does he dance? Sing? or act? Kase he's an amazing author. So i bet--

"Gusto niyo ba siyang pagkakitaan? Is that so?"

"Jungkook naman,hindi ganun. Kase sayang naman yung bata,sisikat siya. Actually andami na ngang gustong mas makilala siya,makita siya ng madalas sa tv.. Gusto siy--

"No! Gusto niyo lang siya dahil sa mga personal niyong interests. Tama ako diba? Kayo,dahil alam niyong sisikat siya,siyempre kikita kayo ng madaming pera. Yung mga gusto siyang makita sa tv,dahil sa personal din nilang dahilan. Maybe sexually or something more filthy, right? Tangina,hindi ako papayag sa ganun"

Sabay pang napabuntong-hininga ang dalawa,saka iiling-iling na tumingin sa kanya.

"Jungkook,hindi naman kami ganun. Oo negosyante akong tao,pero hindi ako ganyan mag-isip. Baka lang naman kasi gusto lang subukan ng boyfriend mo. Isa pa,baka mas mag-bloom pa ang career mo kapag nagkatrabaho kayo ni Jimin"

Medyo napaisip siya sa sinabing yun ni Bang Sihyuk--ang boss nila.

"Oo nga naman Jungkook. Mas tatangkilikin kayo ng publiko. Maganda siguro kung magiging open ang relationship niyo sa lahat"

He glared at Manager Shin. At umayos ng upo,legs crossed and both arms in his chest.

"Sige,let me ask my baby first. Pero pag tumanggi siya,wag niyo ng pilitin. Pero pag pumayag siya,hindi ko siya sa inyo ipagkakatiwala so ibig sabihin wala din kayong mapapala'

"Jeon Jungk--

"Wag na wag kayong kokontra saken. Ako ang nagpapakain,at nagpapasweldo sa inyo. Itong Bighit entertainment na'to, akin yan. Alam niyong pareho na nilagay ko lang kayo sa mga posisyon niyo ngayon ay dahil malapit kayong kaibigan ng parents ko. At alam niyo din na parang mga tatay na din ang turing ko sa inyo. Nirerespeto ko kayo gaya ng pagrespeto ko sa Daddy ko kaya lahat ng gusto at pinapagawa niyo saken bilang artists,ginagawa ko. Pero when it's about my Jimin, pasensyahan tayo hindi niyo 'ko madidiktahan kung ano ang gusto ko at hindi sa kanya. He's mine. Did I made myself clear,gentlemen?"

Kookmin's presents: This one is For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon