Dahil sa successful na pag-launch sa bagong album ng grupo ni Jungkook,naging mas busy ito kaya konti na lang matatapos na din ni Jimin ang first story niya dahil hindi na siya gaanong inaabala ng boyfriend niya.Kapag kasi nasa bahay ito,hindi niya magawang makapagsulat dahil sa lagi siya nitong ginugulo---nandiyan yung aarte itong may sakit, maglalambing sa kanya. Kaya naman kahit gabi na lang sila nagkakaroon ng oras sa isa't-isa, pabor yun sa kanya dahil natatapos niya ang trabaho niya ng walang umaabala sa kanya.
"Aish,yang laptop na yan na naman ang ka-date mo nakakainis na yan"
Napalingon siya sa pintuan at takang tumingin sa kasintahang dapat ay nasa trabaho.
"O bakit bumalik ka? Dapat nasa work ka na diba?"
"Wow at ngayon ayaw mong maistorbo kayo ng laptop na yan? Grabe,nagseselos na talaga ako"
Natawa na siya sa mga sinabi nito,at sinalubong na ito ng yakap at kiss na malugod naman nitong tinugon.
"Loko ka talaga. So bakit ka nga bumalik? May nakalimutan ka ba?"
Usisa niya dito habang hinihila niya ito paupo sa kinauupuan niya kaninang sofa. Humirit pa muna ito ng isa pang kiss bago sumagot.
"Oo,ikaw. Lika,may pupuntahan tayo"
"Pftt,banat mo ang luma na. Sa'n mo naman ako dadalhin?"
"Basta sumama ka na lang. Nagpaalam naman ako sa management ko. Come on baby ko"
Hinila na siya nito patayo saka akma na silang lalabas but he refused. Takang tumingin ito sa kanya.
"Ayaw mo?"
"Wait lang kase,dadalhin ko'tong laptop k--
"Kaya nga kita kikidnapin dahil ayokong dala mo yang bagay na yan. Iwan mo na yan"
"So kinikidnap mo pala ako neto? Di ako sasama sayo"
Biro niya dito,but the thoughts of that para siyang na-excite bigla.
"Aish,whether you like it or not sasama ka saken. Kidnap nga diba?"
"Oh--ahaha.. Seryoso ka talaga nuh?"
Jungkook playfully just laughed,while carried him on his shoulder. Well hindi na siya magtataka kung walang ka-effort-effort na nakaya siya nitong buhatin. Dahil sa mga muscles nito,well-build body.
Natatawang hinayaan na lamang niya itong buhatin siya,saka isinakay pa sa kotse.
"Wait lang Kookie,aren't we going to wear our masks?"
"No need to. Walang sino man ang makekealam sa'ting dalawa"
"Pftt,okay sabi mo eh"
Ngingitingiti na nagmaneho na ito,with their hands entwined. In-on pa nito ang radio that made their ride silent but fun.. Medyo romantic din dahil sa mga banat at pick up lines ni Jungkook.
"Aynako, tama na nga ang banat..sakit na kaya ng tiyan ko sa kakatawa. Teka, sa'n ba kasi talaga tayo pupunta?"
"Di ko din alam baby ko eh. Talagang kidnap 'to. Gusto mo ba sa beach? Kahit saan mo gusto, basta kasama kita"
Tumatawang nahampas niya ito sa braso.
"Puro ka talaga banat,pftt. O sige sa beach na lang tayo. Ang problema nga lang wala tayong mga damit na dala. Pambihira,magbabakasyon pala tayo ni hindi ka man lang nagplano"
BINABASA MO ANG
Kookmin's presents: This one is For You
FanfictionHighschool pa lang, malaki na ang paghanga ni Jimin kay Taehyung---ang infamous varsity player of the campus. He's aspiring author,and sa sobrang pagka-crush niya kay Taehyung,ginawan niya ito ng story directly dedicated to him.. But unfortunately...