16~ Successful

332 11 0
                                    


After their one week vacation in Busan, balik seoul na silang dalawa ni Jungkook, at balik trabaho na din sila. Kahit busy si Jungkook sa mga fan signing events nito,kabi-kabilang commercial shoots, live performances, at kasalukuyang naghahanda na for their group's concerts, hindi pa din ito nawawalan ng oras sa kanya. Walang hating gabi na,nagde-date pa din sila sa labas. Perfect time kasi yun dahil wala na o bibihira na lang ang mga taong gising pa kaya sa tuwing gabi lang sila nagiging malaya as a couple.

Siya naman, habang nasa trabaho si Jungkook sa umaga,tinatapos niya ang story niya. Ilang araw na din niya yung natapos kaya ngayong araw ang mismong date of release ng first novel niya in the national market..yup,national agad dahil pagkalabas palang sa official website ng publishing company ang tungkol nga sa summary ng story niya,madami na agad ang nagpa-reserve at umo-order ng copies ng libro niya. Kaya sobra siyang happy na yung pinaghirapan niya,hindi nasayang.

His phone beeped,notified him na may nag-update sa mga social media accounts niya.

@jas_b_urself I highly recommend this amazing book that contain such a heart warming story about love! It's out on our market and bookstores nationwide,and go get your copy and believe in what love can do! Sa author ng book na'to, you're amazing as well! I'm such a fan ehehe,and I really want to mention you pero may magagalit saken--ang dyowa mo,kaya yung gift ko iaabot ko na lang sayo. Congrats for the successful release of your book! Aabangan ko pa yung iba mo pang story..Love you bebe 😘

Kinikilig na nag-private message siya ng pasasalamat sa actress na isa na niya ngayong matalik na kaibigan. Kahit ano pang issues na kinahaharap nito,lagi pa din itong positibo kaya lalo niya itong hinangaan.

Muling nag-notif ang phone niya and read what's Taehyung had posted.

@VmineAgain yessss!! I got a copy just now and damn! Dedication page pa lang,nakaka-touch na! Hey,pretty author..congrats,gusto din kitang i-mention but your boyfriend might be mad at me again ehe but anyways,we're so proud of you!

Nagpasalamat din siya kay Taehyung na naging kaibigan na din niya though hindi sila nagkikita,nagkakamustahan lang sila through private message sa social media dahil madalas kasing magselos si Jungkook dito.

Pati ang lahat ng members ng BTS,kino-congratulate din siya,at nagpaabot ng suporta sa libro niya. Hindi siyempre pahuhuli si Jungkook sa mga nagpapaabot ng support sa libro niya.

@kookie's_mochi13 such an inspiring story about love. The title itself 'The Moon embracing the Sun' gives me different kind of emotions..specially LOVE. Oh how I love (you)r story...was it all about me and you? Just kidding ehe.. Anyways,kung proud sila sayo... Pa'no pa kaya ako? Congratulations my mochi.. 143 😜😻

Napapangiting ipapa-private message din sana niya ito but nagring bigla ang phone niya--si Jungkook pala ang tumatawag. Agad niya itong sinagot.

"Yes Kookie?"

"I love you..and I'm so proud of you! Nasaan ka? Pupuntahan kita"

"Umm,nasa labas ako para mag-grocery"

Dahilan niya but the real reason kung bakit siya nasa labas,ay dahil gusto lang niya makita ang book niya sa store.

"Sa'n exact location mo baby ko? I'm on my way,pupuntahan kita"

"Ha? Seryoso ka talaga? Pftt, baka may makakilala sayo"

"Okay lang,basta gusto kita makita"

Natatawang napapailing siya,hindi pabor na puntahan siya nito. Kahit gusto niya din itong makita,hindi naman niya gugustuhing mapasubo na naman sila,pag dinumog na naman ito ng mga fans nito.

Kookmin's presents: This one is For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon