Chapter 1 : Vladiimeer's University

574 16 1
                                    

•Astrid's Pov•

Kinabukasan...

Naligo ako at nagbihis.Masyadong tahimik at madilim dito sa bahay ng Mama.Kahit isang yapak lang ng paa ay dinig na dinig na sa buong bahay.Medyo nakakatakot din dito.Alam niyo kagabi,habang tulog ako,ang lakas ng simoy ng hangin eh nakasara naman ang bintana at pinto.Wala ding electric fan o aircon dito.Tapos parang may nakamanman pa sakin.Buti nalang at dorm yung papasukan ko...

Bumaba na ako at kumain ng agahan.Binigyan ako ni Mama ng limang libong baon ko for two months.Biglang nag-ring ang phone ni Mama kaya tumayo siya at sinagot ang tawag...Sinundan ko siya dahil sa kyuryosidad...

"Ano na naman ba Peter ?"

Si Papa yung kausap niya.Medyo nabibingi din si Mama kaya naka-loudspeaker ang phone niya...

(Clarissa,sigurado ka ba talaga sa gagawin mo ? Ipapasok mo siya sa paaralang yon ?)
"Oo para matutunan din niya kung paano mamuhay kasama ng mga kauri niya at hindi yung lagi lang siyang nakikipaghalubilo sa mga tao"
(Oh sige,balitaan mo nalang ako)
"Oh sige"

Inilayo na ni Mama ang phone niya sa tenga niya kaya agad akong tumakbo papunta sa mesa at umupo na parang walang nangyari...

"Sino po yun ?"-ako
"Yung tatay mo,kinakamusta ka lang"-Mama

Tapatango-tango nalang ako.Habang nginunguya ko ang kinakain ko ay napaisip ako...

'Oo,para matutunan din niya kung paano mabuhay kasama ng mga kauri niya at hindi yung lagi lang siyang nakikipaghalubilo sa mga tao'

Anong ibig sabihin ni Mama ? Kauri ? Tao din naman ako ha...Oh baka alien ako ??? Tapos kukunin ako ng mga scientist para pag-eksparimentuhan ako.Tapos nalaman nila na UFO ako kaya papaliparin nila ako papuntang Jupiter,tapos makakakilala ako ng mga mga kapwa ko alien...Aysus,Astrid naman,ang layo-layo ng napapadpad ng isip mo !!! Kumain ka na nga lang...Baka kaba lang yan !!!

Pagkatapos...

Hinatid na ako ni Mama sa gate ng school.Ang laki ng school pero ang mga buildings ay kulay black at gray.Nagmukha tuloy sementeryo.Pumasok na ako.Habang naglalakad ako ay ang lakas parin ng hangin.May bagyo ba ngayon ??? Pagkapasok ko sa admin's office ay tumambad saakin ang isang babaeng mukhang nag-me-menopause na at ang kapal pa ng make-up.Mukha tuloy clown haha...

"Ugm.Hello po"-ako
"Ikaw ba si Astrid Griffin ?"-babae

Griffin ? Panong naging Griffin ang apilyedo ko ?? Pero maaring pinalitan ni Mama at Papa ang apilyedo ko para protektahan ako pero saan ?

"Ahhhh...O-opo"-ako
"Oh,I'm Annie,the admin's secretary"-Annie

Umupo na ako sa isa sa mga upuan na malapit sa admin's desk.

May dumating na isang matandang babae sa pintuan.Siya na ata ang admin dahil sa suot niyang pulang blazer at pulang skirt.Mukhang yayamanin eh.Tumayo ako.Nakipag-kamay ako sa kanya.Kahit na admin siya ay matigas parin ang palad niya...Pero natural lang naman yun kasi matanda na rin naman siya eh.

"Hello po"-ako
"Hello din iha,please take a sit"-admin
Umupo ako.Inayos niya ang upo niya at may nilabas na isang black folder.Pati ba naman folder...BLACK ! At nagbigay din ng susi na may nakalagay na number 896...

"This will be your schedule ang the rules.Basahin mo muna ito bago ka pumasok sa University"-Admin
"So ngayon na ???"-ako

Tumango siya.Binuklat ko ang folder at hinanap ang rules.At nahanap ko na nga ito...

1.I-respeto ang bawat isa.
2.Bawal ang maingay.
3.Pwedeng makipag-laban sa kabilang kuponan.
4.Libre ang lahat ng mga pagkain sa cafeteria.
5.Bawal lumabas sa gate maliban nalang sa Linggo.
6.Dapat lahat ng mga estudyante ay nasa dorm na nila sa pagsapit ng 6 pm.
7.Bawal pumunta sa King's House.
8.Makakaalis lamang kayo dito pagsapit ng iyong ika-20 kaarawan.
9.Wala nang pananagutan ang paaralan kung may nangyari sayong masama....
10.Igalang,Irespeto,at pagling kuran ang mga Vampire Kings.

Vampire Kings ?? Ang OA naman ng mga toh.Ginagawa nilang bampira ang mga sarili nila.Tssss...

"Ma'am...Sino po ba ang mga Vampire Kings ?"-ako
"Iha,sila ang mga monitor students dito sa paaralang ito.Lalo na si King Desmond,ang nagmamayari ng paaralang ito."-Admin
"Ahhhhh..."-ako

Dumating yung si Annie na may dalang tela...Uniform ko ata.Binigay niya ito sakin.

"Tandaan mo iha,wag na wag kang gagawa ng bagay na ikakagalit ng mga Vampire Kings.Dahil talagang diretso ka na sa hukay"-Admin

Tumango ako...

Pagkapasok ko sa quadrangle,napatingala ako...Ang tataas ng mga buildings dito.Napanganga ako.Pumasok ako sa lady's room.Ang dumi dito.At ba't ang sangsang ng amoy ? Pumasok ako sa cubicle at nangbihis.Pagkalabas ko ay sinundan ko ang masangsang na amoy na yun.Nasa kabila lang pala.Alam kong napkin toh,ang sangsang kasi ehhh...Pagkabukas ko sa pinto ay nanlaki ang mga mata ko.Nasa ibabaw ng bowl ang isang ulo ng babaeng duguan ang mukha.Agad kong sinara ang pinto at tumakbo papalabas.Hingal na hingal parin ako.Ano ba tong pinasok ko ? Ano ba tong pinasok sakin ni Mama at Papa ??? Tama nga si Harry,mamamatay ako dito ??? Pano na toh ???

Habang naglalakad ako na nanlalambot ang mga tuhod dahil sa sobrang takot.Napaisip ako.Marami pa akong makikitang mas brutal pa kesa sa nakita ako.Aalis na ako dito sa sunday.Pero monday palang ngayon...May 6 pang araw.Hawak-hawak ko ang strap ng bag ko...Saan naman ako pupunta ??? Habang naglalakad ako at nag-iisip ay napansin kong may nakatingin sakin.Lumingon ako pero nawala naman yun.Nakakatakot na talaga toh ha...Gusto ko nang umuwi sa bahay.

Ahhhh,oo nga pala,yung dorm.Tumingin ako sa dorm for girls.Tumakbo na ako papasok doon.Wala akong makitang tao.Siguro kasi nasa klase nila.Pumunta ako sa elevator.Pinindot ko ang button na 800-900.Ito ata ang rooms.

Habang nasa loob ako ng elevator ay may naapakan ako mula sa likod.Napatingin ako dito...I-isa itong p-putol na kamay.Lumayo ako doon at pumunta sa isang sulok ng elevator.

*Ting*

Pabukas ang elevator pero di ko na toh hinintay at binuksan na agad na ito.Tumakbo ako hanggang sa napagod ako.Ang bigat pa naman ng mga maleta ko...tumingin ako sa pintuang nasa harap ko...

896

Tamang-tama...Napangiti ako at hahawakan na sana ang door knob ng pintuan nang bumukas ito.Napatingin ako sa taong bumukas nito.Naka-tingin din siya saakin.Yung mga mata niya,brown pero merong mga bahaging medyo pula...Pero bagay sa kanya ha,naka-contact lens toh...

"Ugh,Hi"-ako
"Who are you ?"-babae

Binitawan ko ang handle ng maleta ako at iniabot ang kamay ko sa kanya...

"I'm Astrid Quartz...Este Griffin"-ako
"Ugh,I'm Nicole Martin"-Nicole
"Bago nga pala ako...Dito daw ang magiging room ko"-ako
"Tell me...Are you a Vampire ? Kasi kung oo , may makakasama na akong apihin yung asong dormate ko"-Nicole
"Huh ???"-ako
"Tell me,are you a Vampire ??? Or a werewolf ???"Nicole

_________________________________

Ano kayang isasagot ni Astrid ? Vampire or a Werewolf ???

Comment down below...

Follow.Vote.Comment.And Share...

Vladiimeer's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon