•Desmond's Pov•
Argh ! Kanina pa sumasakit ang ulo ko sa mga nangyayari.Umalis na si Astrid tapos kanina pa ako kinukulit ni Dorothy.Actually,nasanay na ako sa company ni Astrid na laging maingay at laging may bangayan.
"Desmond,is there anything bothering you ?" tanong sakin ni Dorothy.
Umiling ako kaya bumalik ang kanyang paningin sa canvas na pinagpipintahan niya.Pinipinta niya ako na tulala daw sa hangin at ipapa-frame daw namin at isasabit dito sa office.Nakakangawit lang kasi halos kalahating oras na akong nakatanga dito.
•Astrid's Pov•
***Flashback***
Nagising si Chelsea at Nicole dahil sa pagbukas ng pinto.Agad na namang tumulo ang luha ko at lumapit sa kanya.Niyakap ko silang dalawa at ramdam ko ang pag-aalala sa kanila.
"Hala,Astrid,ba't ka andito ? Ba't ka umiiyak ?" tanong sakin ni Nicole.Umiling ako habang nasa bisig nilang dalawa...
***End Of The Flashback***
"H-Hindi na ako mahal n-ni D-Desmond.M-Meron na s-si D-Dorothy" nauutal na paliwanag ko sa kanila habang hinihimas ni Chelsea ang likod ko.
"DOROTHY ?! PANO ?!" sigaw ni Nicole.
"Binuhay nila si Dorothy.Nag-sisisi na nga a-ako na s-sumama sa ritwal n-nila" sagot ko at sininghot ang sipon ko.
"Sabi ko na nga ba ! Matagal ko nang kutob na bubuhayin ni Desmond si Dorothy gamit ang Ritual of Eternal life.Tanging ang mga bampirang maharlika lang ang makakagawa nun" sabi ni Nicole.
"Ritual of Eternal Life ?" sabay na tanong namin ni Chelsea.
"Oo,ang ritwal na yon ay naglalaman ng mga phrases na tanging ang mga maharlikang bampira lang ang nakakaalam kung anong ibig sabihin nun.Lahat sila ay may dahilan kung bakit nila ginawa yung ritwal na yon,at paulit-ulit nila yung bibigkasin yon ng isang daang beses sa isang buwan.At kapag tinanggap na ito ng pinaka-matandang bampira ay bibigyan niya ito ng pagkakataon na isagawa ang ritwal ng minsanan.Pagkatapos nun ay hindi na niya maaaring gawin muli ang ritwal para buhayin pa ang ibang nilalang na gusto niyang buhayin.Iisa lang dapat ang buhayin ng isang maharlikang bampira.Ang ritwal na yon ay nagbibigay ng walang katapusang buhay ngunit maaari din yong magtapos kung may labagin man siyang batas ng mga bampira" paliwanag ni Nicole.Napatango-tango nalang kami ni Chelsea.
Masakit parin para sakin.Binasted na nga ako ni Harry,tapos ngayon,ipagpapalit naman ako ni Desmond.Saan na ba ngayon ang hustisya ?!
***Pagkatapos***
Kinakabahan ako ngayong makita ang pagmumukha ni Dorothy at Desmond.Pupunta na kami sa classroom namin nang biglang may marinig kami mula sa speaker...
"All students proceed to the quadrangle.King Desmond has an urgent announcement."
Napatingin sakin ni Chelsea at Nicole.Napangiti nalang ako at tumango.Maiiwan ako dito.Sila nalang,maririnig ko din naman dito yung announcement dahil sa mic eh...
***Pagkatapos***
"I'm searching for Astrid Griffin !" sabi ni Desmond mula sa mic.
Tsk.Hahanapin niya ako eh anjan na si Dorothy.Di pa kasi makuntento sa isa eh...
"Sige,kung walang makakahanap sa kanya within 25 minutes,I'll kill all of you" banta niya sa mga estupidyante.
Ngayon naririnig ko na ang yabag ng mga estudyante.Alam kong mahahanap nila ako kaya dinukdok ko nalang yung ulo ko sa desk ko at hinayaan na ang sarili kong hilain ng kung sino jan...