•Astrid's Pov•
4 taon na rin ang nakalipas...Maganda naman ang buhay ko dito sa London...Pagkatapos kong gruma-duate ay nag-migrate agad kami ni Papa dito sa London para din daw sa safety namin...Kung tinatanong niyo kung nasan na si Mama,wala na.Patay na siya...Namatay daw siya dahil sa sakit...Masakit mang gawin pero iniwan parin namin siya sa Pilipinas at hindi pa binibisita ng halos 3 taon na...
Ngayon ay nag-da-drive ako papuntang work...Oo nga pala,ang trabaho ko ay isang accountant sa isang sikat na bangko...
Pag-park ko sa parking lot ay pumasok na agad ako sa bangko.Pagkapasok ko sa office ko ay bumungad sakin ang pinakamamahal kong supervisor na si Ma'am Jess...
Agad din akong nagtaka...Ba't siya andito ? Diba dapat ay andon siya ngayon sa office niya ? Agad tuloy akong kinabahan...
"Goodmorning Ma'am" buong galak kong bati sa kanya kahit na kinakabahan ako...
"Goodmorning Astrid...You probably heard the news..." sabi niya na ipinagtaka ko...
"News ?" tanong ko sa kanya...Bumuntong hininga siya at nagpilit ng ngiti...
"We have a new boss here in our bank and our boss wanted you to be his secretary..." paliwanag niya...Secretary ? At kelan pa naging secretary ang isang accountant ?
"For what reason ma'am ?" naguguluhang tanong ko sa kanya...
"I don't know...Maybe you can ask him next week when he'll arrive from Philippines" sabi niya...
"He's a Filipino ?" tanong ko sa kanya...
"Nope,but his guardians raised him there" sabi niya tsaka umalis...
Bumuntong hininga nalang ako...So pwede kaming mag-usap ng tagalog ? Hayyyy...buti naman dahil nakakasawa na ding mag-english,si papa lang ang nakakausap ko ng tagalog...
Umupo nalang ako sa table ko at sinimulan na ang aking trabaho...
***Pagkatapos***
Nag-da-drive ako ngayon pauwi...Nag-OT ako ngayon para naman malubos ko ang pagiging accountant ko kahit ngayong week lang...Kaya heto ako ngayon,halos maghahating-gabi nang umuwi...Ba't ba kasi sa lahat pa ng mga tao,ako pa ang napiling maging secretary ng boss na yan ? Pero di na rin ako pumalag kasi doble pa yung sweldo ko pag naging secretary ako...
Habang nag-da-drive ay may malamig na hangin na humawi saakin...Feeling ko,hindi yun hangin kasi super lamig nung hangin...Tapos may nararamdaman pa akong parang taong nakaupo sa back seat kahit wala naman akong kasama...I glanced at my rearview mirror pero wala naman talagang tao doon...
Bumuntong hininga ako dahil sa sobrang takot...
"M-ma...Kung ik-ikaw m-man ya-yan...P-please w-wag ka nam-namang magpa-r-ramdam sa g-gani-t-tong p-paraan...Nakakatak-kot eh..."sabi ko na parang tanagang kausap ang hangin...
Pero kahit nung naka-park ako sa bahay ay ramdam ko parin na may sumusunod sakin...Bumaba agad ako ng kotse ko at agad na tumakbo papuntang bahay at agad na isinara ang pinto...Baka hindi na siya nakapasok kasi agad kong sinara ang pinto...Pagkalingon ko...
" WhaaaaAaaaAaaa !"sigaw ko...
"Hoy Astrid ! Gabi na,baka magising yung mga kapitbahay natin !" bungad sakin ni Papa...Akala ko kung sino...
"Pa naman kasi eh...Ginulat mo ako !" sabi ko...
"Oh siya...Magbihis ka na at kakain na tayo..." sabi niya...Tumango ako at umakyat na nga ng kwarto...
***2 days later***
Pagapasok ko sa bangkong pinagtatrabahuan ko ay biglang bumungad sakin ang daang-daang balloons na hindi ko alam kung saan nanggaling...May pagkain din na corner at mag pa-confetti pa silang nalalaman...
Ano bang okasyon ? May nag-b-birthday ba ?
Kinalabit ko ang best friend ko na si Thea...Tulad ko,Filipino din siya...
"Pst,Thea...Anong okasyon ?" tanong ko sa kanya...
"Hindi ka pa ba updated ? Ngayon daw ang first day ng bago nating boss kaya yun...Nagpa-party sila..." sabi niya...
"Eh akala ko ba next week pa daw siya darating ?" naguguluhang tanong ko...
"Ewan...Basta ang mahalaga,may pagkain" sabi niya...
"Hayyy naku,kahit kelan,matakaw talaga tong si Thea" sabi ko habang umi-iling pa...
"That's LAYYYYFFFF" sabi niya...
***Pagkatapos***
Kalahating oras din ang hinintay namin bago dumating ang boss namin...
Pagpasok niya sa pintuan ay sinalubong siya ng mga kasama namin ng confetti...Nahiya din naman ako kay boss ahh...Kala mo artista.Naka-shades at naka-mask pa...
"WELCOME TO THE BANK,BOSS !" bati ng mga ka-trabaho ko...Habang kami dito ni Thea ay hinihintay lang ang pagkain...
Tumingin ako sa cellphone ko noong nag-vibrate ito...Napangiti ako noong nakita kong nagtext sakin si Jandel,ang 5-month-boyfriend ko...
From : Jandel ko
Have you eaten your breakfast ?
To : Jandel ko
Yes po ://>
From : Jandel ko
Good,I just want to remind you that we'll be having our date at my condo.Stay safe and don't skip a meal.I love you Astrid ko
To : Jandel ko
NOTED.I love you too Jandel ko
By the way,si Jandel pala ay half-British,half-Filipino...Alam niyang mag-tagalog pero konti lang...
Nag-i-ilusyon ako nang biglang nabingi ako sa lakas ng tili ni Thea...Sasabog na ata eardrums ko neto eh...
"T*ngina naman Thea ! Anjan ba si Lee Min Ho para tumili ka ng ganyan kalakas ?!" pagsita ko kay Thea...
"HINDI PERO MAY NAKITA AKONG MAS GWAPO PA KAY LEE MIN HO !" sabi niya tsaka may tinuro...Tinignan ko naman kung sino yon...Malay mo nain-love ma sa security guard namin...
WTF !!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
S-si DESMOND ba yon ?! Napanganga ako at kinusot ang mga mata ko....SIYA NGA ! Hindi toh pwede ! Hindi pwedeng siya yung bagong boss namin...
Biglang may nag-snap sa harapan ko...Si Thea pala...
"Ano ? Ngayon naniniwala ka na ?" sabi niya na parang nangangantsaw...
"H-Hindi noh,akala ko artista...Eh halata namang kuko lang yan ni Lee Min Ho eh" sabi ko...
I took a glance on him when he looked at me too...Umiwas ako ng tingin pero halatang nakangiti siya ngayon ng nakakaloko...
"KYAAAHHHH ! BES,NGUMITI SIYA !!!" tili ni Thea habang inaalog ako...
Buset na Thea'ng toh,ano namang nakakakilig jan ?!
Kung pwede lang sanang mag-resign ako pero mahirap maghanap ng trabaho dito sa London eh,at isa pa...doble ang sweldo ko pag naging secretary niya ako kaya kahit labag sa kalooban ko ay kailangan kong gawin ito...
__________________________________
Comeback ?
Abangan...
Follow.Vote.Comment.And Share