•Astrid's Pov•
Kakabalik lang namin ng bangko galing jan sa Restaurant na yan...
Magmula nung uminom ako ng dugo,pakiramdam ko,nabuhayan ulit ang pagka-bampira ko.Yung mata ko nga,medyo namumula na kasi nabuhayan ulit yung pagiging bampira ko...
"Bes...Anong nangyari sayo ?" tanong sakin ni Thea...
"Huh ? May mali ba sa itsura ko ?" tanong ko na medjo naguguluhan...
"Yung mata mo kasi...Medjo mapula..." sabi niya habang tinuturo ang mga mata ko...
Sabi ko na nga ba at mahahalata tong mga mata ko...Hayop yang Desmond na yan,humanda talaga yan sakin...
"Ahahaha...Eto ? Wala lang,gusto ko lang maiba...Contact lense lang toh" rason ko at tumawa...
Gumana ka naman please...
"Hayyy naku Astrid,ano ba ang tinira mo at nagpaka-jejemon ka ? " natatawang tanong ni Thea.Hinampas ko naman siya sa braso at nakitawa sa kanya...
***Pagkatapos***
4 pm kaming pinauwi lahat ni Desmond kasi sa bangko daw gaganapin ang meeting niya kasama ang mga investors niya...
Napag-pasyahan naman namin nila Jandel at Thea na mag-lakwatsa sa Tower Bridge...
Meron kami ngayon sa kotse ko at nag-da-drive na ngayon si Jandel papuntang Tower Bridge...
Maingay ang buong byahe hanggang sa nakarating kami sa Bridge.Di na rin ako nakapunta dito ng halos isang taon dahil sa sobrang busy ko sa trabaho ko...
Pagkababang-pagkababa namin sa kotse ay naghihiyawan na kami ni Thea sa sobrang excitement...Natawa nalang si Jandel sa kat*rantaduhan naming mag-best friend...Eh kasi naman eh...
Nang mapagod kami ni Thea...
"Let's take a picture" sabi ni Jandel habang inaayos ang kanyang DSLR...
Nang maayos niya ito ay sinet niya ang timer ng kanyang Camera at agad na tumakbi sa direksyon namin tsaka nag-piece sign...Nag-pose din kami ni Thea...
Tapos kumuha pa kami ng almost 12 shots...Ipapa-develop daw yun ni Jandel at bibigyan kami ng tig-iisa naming kopya...
Nang naitago niya ang kanyang DSLR sa kanyang sling bag ay inakbayan niya ako at tsaka naglakad sa bridge,si Thea naman ay kasunod namin....
Pinaglalaruan ng kanyang nakaakbay na kamay ang aking buhok,kanina pa niya ito pinupuri kaya napaisip ako...Isa rin ba sa mga sideline niya ang pagiging hair stylist ? Haha,de...joke lang...
Nagtatawanan kaming tatlo nang biglang tumigil ang mundo ko dahil sa may nakita kaming mga taong nagpapa-picture sa may dulo ng bridge...at sigurado akong mula dito ay nakikilala ko na sila isa-isa...
Napahinto ako sa paglalakad na ikinataka ni Jandel at ni Thea...
"Ba't ka tumigil Astrid ? May problema ba ?" tanong sakin ni Thea...
"I thought we are going to the Pizza Parlor near the bridge ?" sunod naman na tanong ni Jandel...
"I-I f-forgot s-something" sabi ko at halos nanginginig na din ang labi ko sa pagsagot...
"Yung totoo ? Bitbit ko nga diba yung bag mo ? At ako pa talaga pinahawak mo neto ahh" reklamo ni Thea habang pinapakita sakin ang shoulder bag ko...