•Astrid's Pov•
Nauna nang umalis si Chelsea at Nicole kasi ihahanda pa daw nila ang report nila.Magka-classmate palakaming tatlo.Kaya buti nalang at nagkaroon ako ng mga kaibigan na mabait,maingay,makulit,at masayang kasama...
Inayos ko na ang mga gamit ko.Ini-spray ko ang pabango na pinahiram sakin ni Nicole , Kinabit ko ang mga pangil na binigay niya din sakin at nilagay na din ang contact lens ko.Di na ako naglagay ng pulbos kasi matagal na din namang pale ang skin ko eh.Ni-lock ko ang pinto at umalis na.Habang naglalakad ako sa quadrangle ay may napansin na naman akong nakatingin sakin.Isang nilalang na naka-itim.Parang yung kahapon.Itinuloy ko lang ang paglalakad na parang di siya nakita.Alam kong isa tong bampira kasi ang bilis niyang mawala.Mabilis din itong tumakbo.Napalunok ako ng laway nang parang may nararamdaman akong prisensiya ng isang nilalang mula sa likod ko.Eh wala namang tao dito noong naglalakad ako ha...
"HELLO !!!"
"WHAAAAA !!!"-akoTumalon ang puso ko sa gulat.Agad itong nag-appear sa harapan ko...
"Ahehe,sorry kung nagulat kita^^"-lalaking bampira
Hingal na hingal parin ako.Ang bilis ng tibok ng puso ko.Napahawak ako sa dibdib ko.Hanggang sa na-realize ko na di pala tumitibok ang puso ng bampira kaya inayos ko ang tayo ko at nag-pakapormal...
"Ok lang"-ako
"Cyron nga pala"-CyronIniabot niya ang kamay niya.Tumugon naman ako at nakipag-kamay sa kanya.Ang lamig ng kamay niya...
"Ngayon lang kita nakita.Bago ka lang ba dito ?"-Cyron
"Ahhh..o-oo"-akoHabang tumatango ako ay may sumigaw mula sa likod ko.Kaya tumalon ulit ang puso ko sa gulat...
"HOY !!! KAYONG DALAWA !!!"
"Eeeeek !!!"-ako
"Ano ba Axel !!! Ako lang toh ,ok ??!"-Cyron
"Sorry Bro !!!"-Axel ataMay lumapit na lalaki kay Cyron.Tulad ni Cyron,gwapo din siya....
"Hello"-Axel
"Ugh...Hi"-ako
"Ahhh...Oo nga pala miss,ano palang pangalan mo ???"-Cyron
"Astrid.Astrid Griffin"-ako
"Astrid ? Cool"-Cyron
"Ano ba yan bro,nambababae ka sa oras ng duty mo ??? Ahhh.Ehem,by the way,I'm Axel Alyssum"-AxelInilahad niya ang palad niya.Nakipagkamay ulit ako...
"Hello"-ako
"Astrid,alam mo bang minamanmanan ka nitong si Cyron kahapon ?"-Axel
"Ikaw pala"-akoNgumiti siya pero nawala din ito nang nanlaki ang mga mata niya at tumingin sa leeg ko.Lagot,wala akong vampire bite...Patay...
"Cy-Cyron...Y-yung balat"-Axel
Tinuro niya yung leeg ko.Anong balat ? Yun bang birthmark kong mukhang mapa ng Britanya ??? Oo,may balat ako ng parang mapa ng buong kapuluan ng Great Britain.Weird noh ???
"Fuck.Kailangan natin tong ipakita kay Desmond !!!"-Cyron
Desmond ? As in yung King Desmond na sinasabi sakin ng admin kahapon ? Patay,baka alam nilang tao ako kaya ipapakatay nila ako sa hari nila...Binuhat ako ni Cyron.Yung kargang pangkasal.At tumakbo silang dalawa.Ang bilis.Di ko makita ang direksyong tinatakbo nila dahil sa sobrang bilis.Hinahangin ang buhok ko....
Huminto sila sa harapan ng isang malaking mansion na kulay itim.May fountain,at sementado ang buong sahig.Pero nanlaki ang mga mata ko sa mga estatwang mukhang demonyo.Katakot....
"Bakit niyo ako dinala dito ???"-ako
"Kailangan itong malaman ni King"-AxelHinawakan nilang dalawa ang pulsuan ako.Kahit na nagpupumiglas ako ay di ko parin kaya dahil ang lakas nilang dalawa.
Napapikit nalang ako ng aking mga mata.Umaasa na hindi ako katayin ng King Desmond na yan...Narinig ko ang pag-bukas ng pinto...
"Desmond"-Axel
Iminulat ko ang aking mga mata.May isang malaking upuan na umikot.Napanganga ako nung nakita ko ang mukha ng King Desmond na toh...WAFUUUU !!! At ang hot niya sa suot niyang suit.
"And who's that mortal ?"-King Desmond
"She's Astrid Griffin"-Cyron
"Pwedeng bitawan niyo muna ako ? Masakit na eh"-akoBintawan nila ako at inunat ko ang braso ko.Ang sakit....Tumayo si King Desmond at naglakad papalapit sakin.Hinawakan niya ang baba ko at tinignan ako sa mga mata...Ang tangkad niya...At mas gwapo pa ang view niya...
"Meron siyang balat"-Axel
Biglang sumeryoso ang tingin sakin ni King Desmond.Naku,mukhang kakatayin na talaga ko...Hinawakan niya ang ulo ko at hinawi ang buhok ko na tumatabing sa aking leeg.Nanlaki ang mga mata niyo...
"Kelan mo pa nakuha toh ?"-King Desmond
"B-Birthmark ko y-yan"-ako
"Dorothy ???"-King Desmond
"H-huh ? I'm Astrid...At kelan pa naging Dorothy ang Astri---"-akoDi ko natuloy ang sinasabi ko nang bigla niya akong niyakap.Ang bango.At sino ba yang Dorothy na yan ??? Na-cu-curious tuloy ako...Nang inilayo na niya ang katawan niya saakin ay hinwakan niya ang mukha ko....Kakaiba yung tingin niya sakin...
"Dorothy,you came back !!!"-King Desmond
"Huh ?"-ako
"This is me.Desmond Hendrix of London.The man you met at the Exhibit at the year 1864"-King Desmond1864 ??! What the heck !!! ang tagal na non ha !!! Pano pa siya nabuhay ??? Ahhh,oo nga pala,bampira pala siya...Pero seryoso,pano naman ako pinagkamalang si Dorothy.Iniisip niya ba na reincarnation ako ???
"Wait,I don't know you at hindi rin ako si Dorothy.So if you let me...Pupunta na ako sa classroom kasi may klase pa ako"-ako
Aalis na sana ako nang hinawakan niya ako sa pulsuan.Napatingin ako sa kanya...May Spark !!!!
"Bro,di mo naman kailangang ipaalala sa kanya kung di niya naman talaga alam yung pinapaalala mo.Baka coincident lang yang balat niya"-Cyron
Yumuko si King Desmond at binitawan ang pulsuan ko....
"Siguro nga.Sorry..."-King Desmond
Hari siya pero nag-so-sorry siya.Humble siya.Pero di naman talaga yan hari eh...Hari lang ng universityng ito...
Pagkatapos...
Lunch break na namin kaya naka-upo kami ngayon sa isang table sa cafeteria.Nakahawak ako ngayon ng isang glass ng dugo ng tao.Si Nicole,yun parin,marami nang nainom na dugo ng kalabaw pero di parin nabubusog.At si Chelsea,kumakain naman ng karne ng baka na di pa luto.Ewwww...
"Ano ??! Niyakap ka ni King ?! Whahahaha,nananaginip ka ata !!!"-Nicole
"Oo nga"-Chelsea
"Di nga guys,totoo !!! Tinawag pa nga niya akong Dorothy eh"-akoDinura ni Nicole ang iniinom niya...
"What ??!"-Nicole
"Oo nga,niyakap niya ako at tinawag na Dorothy !! Sino ba yun ???"-akoInilapit ni Nicole ang ulo niya sa ulo ko at bumulong...
"Si Dorothy ang una at kahuli-huling babaeng minahal ni King Desmond.Pero namatay siya dahil hinipnotyze siya ni Victoria na baliw na baliw kay King Desmond."-Nicole
"Paano niya hinipnotyze si Dorothy ?"-ako
"Sinabi ni Victoria na saksakin ni Dorothy ang sarili niyang puso sa harap ni King Desmond"-Nicole
"Tsk.Tsk.Tsk...Napaka-komplikado naman ng love story nila.Kaya nga hanggang crush lang ako eh"-ako
"Oo nga,sana ako nalang ang nakilala ni King Desmond"-ako
"Huh ??? Eh noong 1864 pa naman sila nagkita nung si Dorothy eh"-ako
"Pwede naman kasi ipinanganak ako noong taong 1670"-Nicole
"What ??! 1670...Ilang taon ka na ba ???"-ako
"348 na..."-Nicole
"Oo,gurang na yang si Nicole"-ChelseaTumawa kaming dalawa habang naka-pout parin si Nicole...Ang cute niya talaga hehe...
________________________________
Bakit pinagkamalang si Dorothy si Astrid ? Dahil lang ba yung sa balat ???
Folow.Vote.Comment.And Share.