Chapter 20 ; Princess Clarrissa

206 9 0
                                    

•Astrid's Pov•

Ininom ko yung isang glass ng dugo nang biglang nabilaukan ako...Paglingon nung Janitress,napansin kong kamukha siya ni Mama...

"Anong nangyari ?!" nagpapanic na tanong sakin ni Desmond habang inaabutan ako ng table napkin...

"Parang kamukha niya s-si Mama" sabi ko habang tinuturo yung Janitress.

Napatayo ako at dahan dahang lumapit sa Janitress.Tinapik ko siya sa balikat...Lumingon siya.S-si Mama nga...

"Mama" sabi ko at niyakap siya...

Namiss ko siya,sobra...

"Astrid ? Diba friday ngayon ? Pano ka nakalabas ?" tanong ni mama pero umiling ako at naluha na habang niyayakap siya...

Kumalas nalang kami sa pagyakap namin sa isa't isa nang may lalaking nagsalita...

"Astrid,you know her ?" sabi ni Desmond.Tumango ako...

Tinignan siya ni Mama at nanlaki ang mga mata niya...

"King Desmond ?" tanong ni Mama.Wait,kilala siya ni Mama...

Tinignan naman siya ni Desmond mula ulo hanggang paa pero nanlaki ang mga mata niya nang tinanggal ni Mama ang cap niya...

"Princess Clarrissa ?!" gulat na tanong ni Desmond ? Anong princess ?

"Teka,anong Princess ?!" tanong ko kay Desmond at Mama.Pabalik-balik ang tingin ko sa kanila...

"I thought you're dead.Akala ko pinatay ka na ni Dad dahil sa pagtataksil mo sa angkan natin" sabi ni Desmond...Anong patay ?!

"Hayop kayo,tantanan niyo na kami ! Hayaan niyo na kaming mabuhay" sabi ni Mama.Naguguluhan na talaga ako dito...

"Astrid,wag mong sabihing nanay mo tong taksil na toh" sabi ni Desmond.Napakunot ang noo ko ..

"Hoy ! Wag mo ngang tawagin si Mama ng ganyan ! Di mo siya kilala !" sabi ko...Napakunot ang noo niyo...

"At wag niyong sabihing siya ang bunga ng pagtataksil niyong dalawa" sabi ni Desmond habang tinuturo ako ng kanyang hintuturo.Tinabig ko ito...

"Desmond ! Di ko alam ang sinasabi mo ! Anong pagtataksil ?!" tanong ko kay Desmond...

"Yang nanay mo lang naman ang Prinsesa ng mga bampira sa Kabilang distrikto pero iniwan niya ang kanyang mga sinasakupan para sa l*tseng prinsipe ng nga lobo" sabi ni Desmond...

Aalis na sana siya nang lumingon siya saaming mag-ina...

"Wag ka na ulit magpapakita sakin,kundi baka ano pa ang magawa ko sayo" sabi niya gamit ang cold niyang boses...Aaminin ko,kinilabutan ako...

***

Umuwi kami ni Mama dito sa bahay na tinutuluyan niya.

"'Nak,bakit ka nga pala andun sa restaurant kanina ?" tanong ni Mama habang sinusuklay ang mahaba kong buhok...

"Mama,kasama ko si Desmond.Ang totoo po niyan ay boyfriend ko po siya" sabi ko

"BOYFRIEND ?!" sigaw ni Mama...

Tumango-tango ako...

"Ma,ano po ba talaga ang nangyari ?" tanong ko kay Mama.Napasinghal siya...

"Ako dati ang namumuno sa mga bampira sa pangalawang distrikto.Bale nahati ang mga bampira sa dalawang distrikto dahil sa sobrang dami nila noon.Kasama ko ang tatay ko sa pamumuno.Nang biglang umatake sa pangalawang distrikto ang hukbo ng tatay mo.Imbes na mag-away kami ay nagka-ibigan kami...Pero sabi ng tatay ko,ang dapat daw na asawahin ko ay si Vladiimeer Hendrix,ang tatay ni Desmond.Pero dahil sa pagmamahalan namin ng tatay mo ay ipinaglaban namin ang isa't isa.Hinamon ng tatay mo si Vladiimeer sa isang duelo.Natalo si Vladiimeer at nagtamo ng maraming sugat at kalmot sa katawan,dun na ako itinakas ng tatay mo sa kaharian namin at nanirahan sa lugar kung saan walang makakahanap samin...Pagkalipas ng ilang daang taon ay nabuntis ako at ikaw yun.Nagtago kami dito sa Pilipinas pero natunton din kami ng mga bampira sa unang distrikto,sa ngayon,gumagawa kami ng paraan ng tatay mo kung paano sila kakausapin.Kaya sana anak,kung makikita mo ulit si Desmond ay layuan mo na siya habang may pagkakataon pa..." sabi ni Mama...Grabeh,parang yun yung pinakaunang digmaang naganap bago ang world war I.

•3rd Person's Pov•

Kanina pa umiinom si Desmond sa sarili niyang bahay...Galit na galit siya sa kanyang nalaman...Nang dumating si Dorothy...

"Desmond,I thought you were asleep" sabi ni Dorothy habang lumalapit kay Desmond...

"Dorothy,bakit ba ang dami nang taong manloloko ngayon ? Pati ang mahal ko,niloloko ako" tanong niya kay Dorothy habang inaalalayan siya ni Dorothy sa pagtayo...

"I don't know Desmond but I'm always here for you.At hinding-hindi kita lolokohin" sabi ni Dorothy na dala parin ang kanyang British accent...

"Thank you Dorothy" sabi ni Desmond at hinalikan si Dorothy sa labi...

Tumugon naman si Dorothy.

__________________________________

Walang tanong para sa Chapter na toh hehe...

Follow.Vote.Comment.And Share

Vladiimeer's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon