Chapter 23 ; The Truth

214 6 0
                                    

•3rd person's Pov•

Napa-atras ako sa sobrang gulat...Nakakakilabot siyang tignan...Isang itim at nakakatakot na Dragon...

Agad na inatake siya ni Desmond ng nag-aapoy na kamao...

Inagaw din nila ang antensyon ng buong University.Lahat sila ay nanonood.Nakikita ko rin si Chelsea,Nicole,Parker,at Harry...Kita ko ang takot sa mga mukha nila...

At ako naman,nakatanga at walang magawa sa nagpapatayang mag-ama...

Sumugod din si Trevour at Axel pero si Cyron ay nakatanga rin katulad ko.Ang lalim ng iniisip at halatang lutang siya...

Naagaw ang atensyon ko sa maliit at itim na bag na hawak niya...Gumagalaw ito ma parang may hayop sa loob...Pero hinayaan ko na ito at napaisip ulit ng paraan kung paano mapapatigil ang mag-ama...

Napasigaw si Vladiimeer dahil sa kinalmot siya ni Desmond sa mukha...Tapos nilalapa naman ni Axel ang tenga niya tapos si Trevour naman,kinalmot ang leeg niya...Naaawa ako kay Vladiimeer kahit alam kong mali...

Ewan ba...Kahit na nakikita kong marami nang mga estudyante jan ang nadadamay sa away nila...May ilang namatay,at yung iba naman ay nasugatan....

Naluluha na ako sa nakikita ko ngayon...Wala akong magawa sa nangyayaring away...May ibang mga nakaitim na lalaking lumalapit at nakikipag-away...

Nagulat ako nang may lumipad na ulo papalapit sakin...Nanlaki ang mga mata ako at napatili...

Tumakbo ako sa malayo...

Sa sobrang layo ng tinakbo ko ay di ko na namalayang naligaw ako...Sa tingin ko,nasa kagubatan ako...

Napatingin ako sa buong paligid...Pinunasan ko ang mga luha ko at napaupo sa lupa...Rinig ko mula dito ang sigaw ni Vladiimeer...Napaluha ulit ako at napahiga sa lupa.Ipinikit ko ang aking mga mata...

...

"There,there,my little princess,stop crying na"

Binuhat ng lalaking mahaba ang buhok ang sanggol na babae na hindi tumitigil sa pag-iyak...

"Ba't ba kasi hindi mo nalang ibalik yang batang yan sa pinanggalingan niya ?!"nagagalit na wika ng isang matandang babae mula sa may pintuan...

" Mama,wala akong balak na ibalik siya sa mga magulang niya.Hayaan mong magmukha silang tanga sa paghahanap sa kanya..."sabi ng lalaki habang pinapatahan ang sanggol...

"Bahala ka jan.Alam mo namang makapangyarihan ang mga magulang ng batang yan---" hindi natuloy ng matandang babae ang dapat niyang sabihin nang biglang may batang lalaking dumating at kinukusot ang mata...

"Lola,I'm hungry" sabi ng bata habang hinihila ang laylayan ng damit ng matanda....

"We'll eat later...Desmond,just wait for yaya to cook our dinner okay ?" sabi ng matanda at pinat ang ulo ng bata...

"Daddy,why do you have a doll ? And why is it moving ?" tanong ng inosenteng bata sa kanyang ama...

"Desmond,this is not a doll,and it is moving beacause this is a real baby...Starting this day,she'll be your younger sister" malambing na paliwanag ng kanyang ama sa bata...

"But I don't want to have a sister" pagrereklamo ng bata...

"Why ? She'll play with you if she'll grow bigger just like you " sabi naman ng kanyang ama...

"Really ? I'm so excited to see her grow bigger" sabi ng bata na mukhang nasasabik sa narinig...

Natawa ang kanyang ama at napatingin ulit sa sanggol na nakatulog na ulit.Umalis na ang bata at napatingin ulit sa kanya ang matanda...

"Ano Vladiimeer ? Itatago mo na ba talaga siya ?" tanong ng matanda na ikina-guilty ng ama...

"Opo ma,ituturing ko pong tunay na anak si Astrid"

...

Nagising ako mula sa nakita ko...Nakakakita ako ng vission...

"Opo ma,ituturing ko pong tunay na anak si Astrid"

Napatingin ako sa langit...Anong ibig sabihin niya ? Ako yung sanggol na karga niya ?

Hindi ko maintindihan !!!

Pinikit ko ulit ang aking mga mata at pinilit na makakita ulit ng vission pero walang nagpakita...

Umiyak tuloy ako...Gusto kong malaman kung paano nangyari yon...Kaya pala ang lambot ng puso ko pagdating kay Vladiimeer...Anong nangyari kay Mama at Papa ?

Naalarma nalang ako nung narinig kong sumigaw si Vladiimeer.Kailangan ko siyang puntahan...Kailangan ko ng kasagutan sa mga tanong ko...

Kahit imposible ay tumakbo ako sa kung saan para mahanap ang daan palabas...

Ilang minuto na rin ang nakalipas at nagtagumpay nga ako...Nahanap ko ang daan papuntang school.Habang papalapit ako ay palakas nang palakas ang sigaw na naririnig ko...May tumutulo na palang luha sa mga mata ko...Sininghot ko ang sipon ko...

At nadatngan ko nga si Vladiimeer na duguan at wala nang kalaban laban habang sina Desmond naman ay patuloy parin sa pagpatay kay Vladiimeer....

Agad na sumakit ang ulo ko....

"TAAAAMMMMAAAA NAAAAA !!!" sigaw ko na nagpatigil sa kanilang lahat...Kahit ako ay nagulat,ba't ganito kalakas ang sigaw ko ?! As in,sa sobrang lakas ng sigaw ko ay para nang mababasag ang salamin sa bintana...

Pero isinantabi ko muna ito at lumapit sa Dragon...Paliit siya ng paliit hanggang sa bumalik siya sa dati niyang anyo...

Nilapitan ko siya...Duguan ang buong katawan niya...Nakikita ko pa ang kalmot na binigay sa kanya ni Desmond sa pisnge niya...

"Vladiimeer..." hindi ko natuloy ang sasabihin ko nang hinawakan niya ang pisnge ko...

"Sorry kung nadamay ka pa sa paghihiganti ko...Princess" sabi niya...Napahagulgol ako dahil matagal na rin mula nung tinawag niya akong ganun...

"Bakit ? Bakit ko ako nilayo sa mga magulang ko ?" tanong ko...Napabuntong hininga siya at tumingin sakin...

"Sabi ko nga ba't makikita mo rin ang totoong nangyari noon...Gusto kong maghinganti sa kanila,lalo na kay Peter...Kaya tinakas kita at dinala sa malayo.2 taon din kitang inalagaan.Pero may isang katulong na nagtakas sayo at binigay saiyong mga magulang...Masakit mang sabihin pero minahal kita...Minahal ka namin ni Desmond at masakit para saamin na mawala ka...Mula noon ay biglang nagrebelde si Desmond at iniwan kami sa sarili naaming kaharian,sa sobrang galit ko naman ay pati na rin ang aking asawa at ina ay pinatay ko...Nang malaman niya ito ay mas lalo pa siyang nagrebelde...Yung mga pinaparatang niya sakin ay kasinungalingan lamang...Kaya gumawa ako ng kwento na paniniwalaan niya.Ayokong malaman niya na pinatay ko sila dahil lang sa kahibangan ko...Pasensiya na Princess,wala talaga sa plano kong idamay ka pero wala akong nagawa dahil namiss kita at gusto kong sabihin ang totoo sayo...Wala talaga akong balak makipag-digma kay Desmond----*ubo**ubo*" naputol ang pagpapaliwanag niya dahil sa may lumabas na itim na dugo sa kanyang bibig...

Ngumiti siya at tumingin sakin na humahagulgol...

"Goodbye...Princess"

__________________________________

Kung wala siyang balak na makidigma...BAKIT niya ito ginawa ?

Follow.Vote.Comment.And Share

Vladiimeer's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon