Chapter 3 ; Drinking Blood

436 13 2
                                    

•Astrid's Pov•

Inayos ko na ang sarili ko at binitbit na ang bag ko.Papasok na ako para sa afternoon class ko.Magkapareho kami ni Nicole ng schedule kaya masaya ako.

"Masaya din ako hehe.Punta muna tayo sa cafeteria ?"-Nicole
"Sige"-ako

Lumabas kami.Marami akong nakita na mga bampira at taong-lobo.Yung mga bampira,ang puputla ng mga balat nila at ang iitim ng mga eye bags nila.Ang mga taong-lobo naman,mukha silang normal na tao pero ang mga mata nila ay bahagyang kulay hazlenut.Hinawakan ni Nicole ang kamay ko at pumasok sa cafeteria.Napansin ko na ang mga taong-lobo ay ang iingay at ang gugulo at kumakain pa sila ng raw meat.As in yung duguan.Tapos yung mga bampira naman,napaka-pormal at elegante.Naka-upo lang sila at tahimik na umiinom ng isang glass na dugo.Nahati ang buong cafeteria dahil sa magkaibang group.Ang mga taong-lobo ay naka-upo sa kanang bahagi ng silid at ang mga bampira naman ay nakaupo sa kaliwang bahagi.

"Tara,bili muna tayo ng makakain ?"-Nicole

Tumango ako at hinila sa may counter...

"Dalawa pong glass ng dugo ng kalabaw "-Nicole

Kinalabit ko siya...

"Uyyyy,di ako umiinom niyan"-Bulong ko
"Try mo lang...Masasarapan ka rin"-Nicole
"O-okay"-ako

Umupo na kami sa isang vacant table.Binigay niya sakin yung isang glass ng dugo.Ngumiti siya at ininom ito.Inamoy ko muna yung sakin bago uminom ng konti.Ang pangit ng lasa.Kaya inilayo ko muna ito sa bibig ko...

"Mapait ba ?"-Nicole

Ang pangit ng lasa pero parang pakiramdam ko ay matagal na itong hinahanap ng sistema ko.Parang uminom ako noon at na-miss ito ng dila ko.Yung feeling na ayaw mo nang uminom pero yun parin ang gusto ng katawan mo....

"Talaga ba ? Sandali lang at kukuha pa ako.Baka ayaw mo lang ng dugo ng kalabaw..."-Nicole

Baliw na ba tong babaeng toh.Kukuha pa siya ng ibang flavor ng dugo para sakin ? Haishhh...

Habang mag-isa ako at blangko ang isip ay may tumabi saking isang lalaki...

"Hi miss,bago ka lang ba dito ???"-Lalaki

Napatingin ako sa mga mata niya.Isa siyang taong-lobo...

"By the way,I'm Parker.Parker Alastair"-Parker

Inabot niya ang kamay niya.Tumugon ako at nakipag-kamay sa kanya...

"I'm Astrid Griffin"-ako
"I see.Bampira ka pala."-Parker

Tumango ako....

"Taga saan ka nga pala ?"-Parker

Magsasalita na sana ako nang dumating si Nicole at nilapag ang isang tray ng mga glass ng dugo...

"Its none of your business Parker.Bumalik ka na dun sa grupo niyo.Di ka namin kailangan dito"-Nicole
"Nicole..."-ako
"Call me"-Bulong sakin ni Parker

Umalis na siya at bumalik sa grupo niya.Ang gwapo pa naman ni Parker.Pero mas gwapo parin si Harry noh....

"Oo,gwapo siya pero alam mo bang napaka-playboy yan ? Biruin mo,pinagsabay niya ang 6 na babae sa isang linggo.Haish...Hayaan mo na yun...."-Nicole
"Ang dami naman niyan...Ilang uri ba ng dugo ang meron kayo ?"-ako
"13 lang"-Nicole
"Eh ba't parang 50 lahat ng yan ??"-ako
"Eto naman,25 lang lahat ng toh noh.Yung 10,puro dugo ng kalabaw.Siyempre saakin yun"-Nicole
"Takaw mo"-ako
"Noon pa"-Nicole
"Oh sige,ito ay dugo ng aso,ito naman ay dugo ng pusa,ito...Dugo ng manok,dugo ng ibon,kalapati ata,Dugo ng oso,dugo ng usa,dugo ng buwaya,dugo ng ahas,dugo ng guinea pig,dugo ng baboy,dugo ng kalabaw,dugo ng pating,at dugo ng tao..."-Nicole habang tinuturo ang bawat glass ng dugo...
"Pili ka"-Nicole
"Yung dugo nalang ng tao.Mas okay na toh"-ako

Binigay niya sakin ang dugo ng tao.Inamoy ko muna ito...Ba't parang ang bango ??? At para ring nangangati ang mga ngipin ko....Ininom ko ito...Dinilaan ko ang upper lips ko.Naku,ba't parang nakukulangan ako...

"Kumusta ?"-Nicole

Magsasalita na sana ako nang nag-ring ang school bell.Hinawakan ni Nicole ang kamay ko at pumasok sa class namin.Ang pinaka-favorite ko,math.Tumabi ako kay Nicole.Pumasok na ang prof namin.Mukhang bampira.

"Ok class,we have a new student...Please come here in front and introduce yourself"-Prof

Tumayo ako at pumunta sa harap...

"Ugmm,Hello,I'm Astrid Griffin.I'm 15.Nice to meet you all"-ako

Umupo na ako.Ngumiti sakin si Nicole.

"Today,were having a surprise quiz..."-Prof
"WHAAAAAA..."-Classmates

Pati na rin si Nicole.Parang nagluluksa...Masaya kaya ang surprise quiz...Nilabas ko ang papel ko...

"Uyyy,pahinge"-Nicole

Binigyan ko siya ng isang piraso...Sinulat na ni Prof ang sasagutin namin sa board.Hehe,ang dadali naman ng mga toh,kabisado ko na yung pattern neto eh.Habang sinusulat ko ang sagot sa papel ay naririnig kong humahagilgik si Nicole sa tabi ko.Nanigas ako nang maalala ko na nababasa pala ni Nicole ang iniisip ko.Tae...

"Hoy,wag kang mangopya"ako
"Bakit ? Nangogopya ba ako ?"-Nicole
"Haish,ngayon lang haaa"-ako
"Hehe.Thank you"-Nicole

Tumingin ulit ako sa papel ko at itinuloy ang pagsagot...

Pagkatapos...

Naglalakad na kami ngayon sa looby ng dorm.Nagtatawanan kami.Pero tumigil yon noong nakita namin si Chelsea sa harap namin.Tumigil na kami paglalakad...

"Chelsea,kamusta na,ok ka na ba ?"-ako
"Di pa hanggang hindi ko pa nabibigay kay Nicole ang leksyon niya..."-Chelsea

Lumapit si Nicole kay Chelsea at niyakap ito na parang lasing.Pagewang-gewang din kasi ang paglalakad ni Nicole ahh...

"Sorry na dormate.Winelcome ko lang naman si Astrid eh...Di na mauulit.I wuv you..."-Nicole
"Haish,lagi ka namang ganyan Nicole ehhhh..."-Chelsea
"Last na toh...Praaaamiis"-Nicole

Tumalikod si Chelsea at pumasok na sa room namin...

"May period ba yon ?"-Nicole
"WALA !!"-Chelsea

Ang talas ng pandinig ni Chelsea...Pero lobo naman siya eh so talagang isa na yan sa katangian nila...

Pagkatapos...

"Jan ka ba natutulog Nicole ???"-tanong ko kay Nicole na nakahiga sa kabaong niya...
"Oo,ang sarap kayang matulog dito,maluwag pa naman.Gusto mong makitulog ?"-Nicole
"No thanks"-ako
"Ok,goodnight !!!"-Nicole
"Goodnight"-ako

Humiga ako at tumingin kay Chelsea.

"Goodnight Chelsea"-ako

Pero tinalikuran niya ako.Bitter ba talaga yan ???

"Oo,sobra"-Nicole na nasa loob na ng kabaong...
"Nicole,wag kang maingay"-ako
"OK"-Nicole

Kinabukasan...

_________________________________

Bakit nag-iba ang panlasa ni Astrid noong uminom siya ng dugo ng tao ? Posible bang noon pa talaga ito hinahanap ng katawan niya ?

Abangan...

Follow.Vote.Comment.And Share

Vladiimeer's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon