•Astrid's Pov•
Kalalabas ko lang ng University galing sa burial ni Vladiimeer...Isang linggo na din ang nakalipas...Pero parang kahapon lang nangyari ang lahat...Sumakay ako ng taxi papuntang airport...Tuloy parin ang plano kong umalis at bumalik ng Manila.Iiwan ko na lahat ng mga alaalang nabuo ko dito...
Naisipan kong matulog sa taxi...Habang natutulog ako ay napansin kong walang lumalabas na panaginip o kaya vision...Madilim...Madilim ang buong paligid pero alam kong nananaginip na ako...
"Astrid,Princess"
Nagulat ako nang may narinig akong boses mula sa dilim...Nananaginip na ata ako....
"Huh ? Vladiimeer ? Ikaw ba yan ?"
"Princess,naalala mo pa pala ako"
Nagtataka lang talaga ako kasi ang dilim parin ng paligid...
"Asan ka ? Ba't hindi kita makita ?"
"Alam mo ba yung salitang patay na ? Kaya malamang multo na ako...Gusto lang kitang makausap"
Parang nakita ko na naman yung Vladiimeer na dumakip sakin at yung binabara at pinipilosopo ako...
"Buset ka hahaha..."
"That's my girl"
Sabi niya na medyo tunog proud at humahagikgik din...Sa totoo lang,kahit na hindi ko na siya maalala noon at sa panandaliang panahong pinagsamahan namin,namiss ko siya...
"Goodbye my princess...I gotta go,take care always,and don't forget that I'm always beside you"
Kahit nalilito at medyo naguguluhan...Hinanap ko parin siya pero kahit boses niya ay hindi ko na marinig...
**********
"Ma'am....Ma'am---"
Nagising ako dahil sa isang hindi pamilyar na boses ng isang lalaki...Naalimpungatan din ako sa sinag ng araw...
"Errmmm..." Iminulat ko ang aking mga mata at nakita si Kuyang Taxi Driver na nakatingin sakin...
"Ma'am...Okay lang po ba kayo ?" tanong sakin ni Kuyang Driver...
"O-Opo,sorry po kung naabala ko po kayo" Pagpapaumanhin ko sa kanya...
"Okay lang po" sabi niya tsaka tumingin ulit sa daan...Mukhang nasa gitna palang kami ng byahe...At mukhang mag-ga-gabi na rin...
Habang nakatunganga sa bintana...
"Ma'am,matanong ko lang po...Sino po si Vladiimeer ?" tanong saking ni Kuyang Driver...
"Huh ? Panung---" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang agad siyang nagsalita...
"Habang po kasi nananaginip ka...Binibigkas mo po yung pangalang Vladiimeer...Boyfriend niyo po siya ?" naguguluhang tanong niya...Napangiwi ako...Grabe naman si Kuya...
"Ahhh...Kakilala ko lang po siya..." sabi ko nalang tsaka tumingin ulit sa bintana...
Ngayon ko lang napansing gwapo si Kuyang Taxi Driver...Mukhang anak mayaman...Ang putla ng kanyang balat tsaka kulay brown yung mata...Mukha ring hindi siya ganun katanda,mukha siyang nasa mid-20s...
***Pagkatapos***
Binayaran ko na si Kuyang Taxi Driver pagkarating namin sa Airport...Nakapag-reserve na ako ng ticket ko...