•Astrid's Pov•
Simula noong nangyari yung mala-pelikulang pagpatay ni Desmond kay Victoria ay hindi na siya naging cold saakin at mas naging sweet sakin.Kaya nga medjo na din nagiging close kami sa isa't isa.
Lumabas ako mula sa kwarto ko para kumain ng hapunan sa kusina nang may humila sakin mula sa lobby.Tinakpan niya ang bibig ko na dahilan ng pagka-nerbyos ko.
Tinanggal niya ang pagkakatakip niya sa bibig ko tsaka ko siya nakita ng husto.Si Axel pala.Phew,nawala nerbyos ko.Napatingin ako sa likod niya,yun yung room na ayaw ipakita sakin ni Desmond.Ang sabi sakin ni Trevour,library daw yan at ayaw ipabukas ni Desmond kasi marami daw nakatagong sikreto doon.
"A-anong ginagawa mo ? At ano yang suot mo ? Mukha kang si kamatayan" naguguluhang tanong ko kasi kung titignan mo naman,mukha siyang naka-suot ng itim na toga at sinuot pa ang hood nito na parang si Kamatayan.Kulang nalang eh yung malaking sandatang yun na hinahawakan ni Kamatayan(Di ko alam tawag dun hehe).
"Mahabang istorya,sa ngayon,isuot mo muna toh" sabi niya tsaka nagbigay sakin ng isang tela.
Tinignan ko ito,mukhang isa din itong toga na katulad nung suot nila...
"Para saan naman toh ?" tanong ko
"Para sa ritual" sagot niya.
Di na rin ako nag-alinlangang suotin ito.Nasobrahan pa nga sa tela eh.Masyado itong malaki pero ok na din.Binigyan ako ni Axel ng senyales na sumunod sa kanya.Pumunta kami sa library na yon at may hinilang isang candle holder.Nabigla nalang ako nang may bumukas na isang lagusan sa may isang book shelf.Parang sa mga movies lang...Pumasok kaming dalawa doon.Siguro mga 6 minutes na paglalakad ang ginawa namin hanggang sa nakarating kami sa isang
madilim na lugar na tanging ang tatlong tao lang sa may bilog ang naiilawan.Magkakapareho kami ng suot sa iba pero iba yung kasuotan ng isa.Leather ang kanyang kapa at ang dilim ng kanyang mukha.Nang tumingin sila samin,mas lalong nabigla sila samin.Ang dalawang taong kapareho ng kasuotan namin ay si Trevour at Cyron.At yung nakakapa naman ng leather ay si Desmond."Astrid ?!" tanong nilang tatlo sakin.Tumango nalang ako.
Nabigla yung dalawa at mukhang nagagalit naman si Desmond.
"Axel naman ! Ba't sa lahat pa ng nakita mo ? Siya pa ?! Nahihibang ka na ba ?!"naiinis na tanong ni Desmond kay Axel.
" Pero Desmond,malapit nang matapos ang full moon ! Magaaksaya pa tayo ng oras kung pupunta ako sa isa sa mga buildings at yayaya ng isa sa mga bampira ! Full blood naman si Astrid eh !"paliwanag ni Axel tsaka lumapit sa kanila.Sumunod din ako at umupo sa isa sa mga silya sa loob ng bilog.
Full blood nga ba ako ?
Kaya tumango nalang si Desmond.Actually,wala akong alam sa mga nangyayari.Anong full moon pinagsasabi nila ? Tumango sila isa-isa tsaka umupo sa kani-kanilang upuan.Ngayon ko nalang napansin na may isang gallon na mas mataas pa sa taong nasa center ng bilog.Amoy dugo ng tao.At may mga patungan dito,isa isa kami,bawat isang upuan meron.Tumayo si Trevour at naglibot at parang may ginawa sa kanang kamay nila Cyron at Axel.At mukhang ako na ang susunod.Tinignan niya muna ako bago ngumiti.
"Iabot mo sakin ang iyong kanang kamay"sabi niya at inilahad ang kanyang kamay.
" Ano bang gagawin niyo ?"tanong ko
"Kukunan lang kita ng isang patak ng dugo tsaka ihulog sa gallon na yun"sagot niya sabay turo sa malaking gallon.
" Pano kung ayoko ? Masakit kaya yan !"sabi ko habang tinuturo yung patalim na hawak niya.Umiling siya...