Chapter 12 ; 'Vladiimeer'

357 12 0
                                    

3rd Person's Pov•

Kakauwi lang ngayon ng tatay ni Astrid o di kaya'y tawagin nalang nating Sir Peter galing sa supermarket nang biglang may kumalampag na kung ano sa bubong kaya di nalang niya ito pinansin ito at pinagpatuloy ang pagbabasa sa binabasa niyang libro.Pero sa pangalawag pagkakataon ulit mga kaibigan,(Di,echos)...ay kumalampag ulit ang bubong kaya napilitan na siyang tignan ito.Tinalon niya lang ang bubong para tignan ang nangyayari sa taas,di naman siguro yon mahirap para sa isang prisipe ng mga lobo diba ?...Oops,mukhang naka-reveal na naman ako ng sikreto ⊙﹏⊙...

•Author's Pov•

Haish,tong si third person hindi makapagkakatiwalan.Ako na nga lang ang magnanarrate ! Binuking kasi ako sa sikretong ibubunyag ko sana eh...

*ehem*

Ok,so si Sir Peter ay Prinsipe ng mga Werewolves at si Ma'am Clarissa naman ay anak ng Duke ng mga bampira pero dahil sa nilabag nila ang pangalawang pinakamahigpit na batas ng mga bampira at lobo ay pinalayas sila sa sari-sarili nilang kaharian at namuhay kasama ang mga tao.Ang pangalawang pinakamahigpit na batas ay....

“ Bawal magmahal ng hindi mo kauri

So ganun na nga,tinalon ni Sir Peter ang bubong at nakita niya ang pinakamortal niyang kaaway na dati niyang matalik na kaibigan pero sa isang pagkakamali at pagmahal niya sa minamahal nitong kaibigan niya ay nagkaaway na sila,at umabot pa sa puntong nagpatayan sila dahil lang sa pagmamahal ni Sir Peter dito sa babaeng toh.At ang babaeng yun ay ang asawa niya at ina ni Astrid na si Ma'am Clarissa...

"Long Time No See...Peter" saad ni Vladiimeer
"Anong ginagawa mo dito ?" Kunot noong tanong ni Sir Peter...
"Simple lang,para patayin ka" sabi naman ni Vladiimeer habang ngumiti pero pinanliitan nito ng mata ni Peter...
"Hmp.Sa tingin mo kaya mo yun ???" Nakangising taong ni Sir Peter na dahilan para mairita tong si Vladiimeer.Tama.totoo nga,nairita si Vladiimeer kaya agad niya itong inatake pero napigilan naman ito ni Sir Peter...
"Not too close,Vlad.Baka magsisi ka" banta sa kanya ni Sir Peter pero di ito pinansin ni Vladiimeer at itinuloy ang pag-atake kay Sir Peter.Ang bilis ng laban na parang ipu-ipong dumaan hanggang sa napa-higa si Vladiimeer.Pumaibabaw si Sir Peter kay Vladiimeer at kwinelyohan ito at iniangat ang kanyang kamay na matatalim pa ang mga kuko na akmang kukunin ang puso nito pero biglang nag-flashback lahat ng mga magagandang ala-ala nila ni Vladiimeer mula pa nung pareho silang binata at matalik na magkaibigan.Kaya napasinghal siya at bumalik ang mga dilaw niyang mata sa kulay brown at tumayo.Bumalik na din sa dati ang mga mahahaba niyang kuko at pinukpukan ang alikabok sa pantalon at T-shirt niya....
"Hayyy,kawawang Peter,di kayang saktan ang kanyang...BEST.FRIEND." Pang-aasar sa kanya ni Vladiimeer.At mukha namang na-guilty talaga si Sir Peter at napayuko...
"Di nga kita kayang saktan pero wala akong sinabing hindi kita kayang patayin,tandaan mo Vladiimeer,wala akong di kayang patayin pag nagalit na talaga ako" pagpapa-alala ni Sir Peter kay Vladiimeer pero nung lumingon na ito,sa isang iglap ay nawala na itong parang isang bula...

(A/n : Hehe,sorry kung ganito na ang style kong mag-narrate ng story...para kasing mas maganda kung ganito eh)

•Astrid's Pov•

Andito ako ngayon sa office ni Desmond at sinusundan ng tingin yung wall clock na antique,yung mahaba at yung may nag-swi-swing na kung ano sa loob...Basta ganun...

Tulala ako sa orasan nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun yung taong kinamumuhian ko...Sino pa nga ba ? Edi si Desmond...

"Ang aga mo yata" nagmamaangmaangan niyang tanong sakin...Tsk...
"Tsk.Edi ba nga ako yung pinaka-una mong dinismiss dahil may sasabihin ka daw sakin ?! Ano ba yon ?!" naiiritang tanong ko sa kanyan.Napakunot ang noo niya at napasinghal...
"Today,we'll be meeting someone" sabi sakin ni Desmond at dahilan ng lakas ng kabog ng dibdib ko...
"Sino ?" na-kyu-curious kong tanong...
"The owner of this university" sabi niya sakin at hinila ang pulsuan ko papalabas...Di na rin ako nagpumiglas at sumakay nalang sa kotse niya...

***

Ilang minuto na ang nakalipas pero di parin kami nakakapunta sa destinasyon namin...
"Malayo pa ba ???" nababagot kong tanong...
"Nope.Andun lang yung bahay niya ohhhh" sabi niya sabay turo niya sakin yung malaking lapida na parang kasintaas na ng Mt.Mayon sa sobrang taas...Kaya napalunok nalang ako ng laway at tuluyan nang tumahimik...

Ipinark na ni Desmond ang kotse niya at hinila ako papunta doon sa mataas na lapidang yun.Nalula nalang ako sa taas,parang 20 feet pataas yung taas niya,grabe !!!

RIP
Vladiimeer Hendrixx

Hendrixx ??? Ibig sabihin kamag-anak niya toh ???

"U-Ughmmm...Master Desmond ??" sabi ko sa kanya.Oo,master daw dapat ang itawag ko sa kanya since pinagsisilbihan ko siya...
"Ano yon...SLAVE ???" sabi niya naman gamit ang nang-aasar niyang boses.Medyo nairita ako pero isinantabi ko muna yon para matanong ko siya ng maayos...
"Kaano-ano mo siya ?" tanong ko sabay turo sa lapida....Bigla namang lumungkot ang mukha niya kaya napayuko ako at iniisip kung kasalanan ko ba pero nagulat ako nang nakita ko ang mukha niyang may dala nang malaki at malawak na ngiti...
"Si Vladiimeer Hendrixx,ang dating hari ng mga bampira at ang aking...TATAY...Bwahahhahahaha !" sabi niya habang tumatawa ng parang pang-kontrabidang tawa.Huh ?
"Anong nakakatawa ?" nagtataka kong tanong na dahilan kung bakit tumigil sa sa pagtawa at nag-poker face...Bipolar ba toh o may tama lang talaga ???
"Kung alam mo lang kung ano ang dahilan kung bakit ako tumatawa,siguro tumatawa ka din ngayon" sabi niya gamit ang kanyang cold na boses at  nauna nang naglakad papalayo kaya hinabol ko siya,ang malas ko talaga kasi ang haba ng mga binti niya kaya hindi ko siya mahabol !!!
"*Huff**Huff*...Eh bakit tayo pinapunta dito kung tatawanan mo lang pala yung tatay mo ?!" Nahihingal na tanong ko...Bigla naman siyang tumigil at tumingin sakin ng masama.Kaya napalunok nalang ako ng laway...
"Alam mo kung bakit ?" tanong niya sakin habang papalapit nang papalapit siya sakin...

Halos ilang sentimetro lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa.Feeling ko tuloy nanghihina tong mga binti ko...
Inilapit niya ang mga labi niya sa tenga ko...
"Because I'd like my queen to meet the father of her king...Understand ?" sabi niya habang gamit ang kanyang seducing na boses...Bigla nalang akong pinawisan at napalunok ng laway ulit...Ba't nagkakaganito siya sakin ??? Kung alipin at sunod-sunuran lang din niya ako ???

__________________________________

His Queen ?! Akala ko ako ang Queen niya ? (Chos...)

*Ehem*

Sino nga ba si Vladiimeer Hendrixx ???

Abangan...

Follow.Vote.Comment.And Share

Vladiimeer's UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon