Tristan's POV
11:00 am..
Naglalaro ako ng video games nang makita ko ang oras. Kung sa bagay maaga pa para dyan kaya tinuloy ko yung paglalaro nang maalala ko. Hindi pa pala kami namamalantsa at hindi pa nakaayos. Alam nyo ba kung bakit kami yung namamalantsa ayy este sya lang pala di ako marunong. Kasi masyado kaming maingat sa gamit namin at ayaw namin na pinapahawak ito sa mga maid namin at pati rin sa paglalaba kami rin ayy sya lang pala. Pero tumutulong naman ako ah. Konti lang huehehe syempre san ka makakakita ng gwapong naglalaba? Pero pagdating sa mga undies ko ako naglalaba. Baka kasi pag sya yung maglaba sermonan ako.
Hindi na ako magpapakilala kasi pinakakilala na ako ni author. Pero may idadagdag ako. Gwapo ako oo alam ko yun joke lang kahit totoo. Pero oo cold ako pero pagdating sa kambal at family ko iba ako. Basta yun at napakarami ko pang sasabihin eh nagmamadali na ako.
Kaya agad akong tumayo at pumunta sa kwarto ng aking napakagaling na kambal ba mahimbing parin na natutulog sa kwarto nya. Tahimik akong pumasok then i cleared my throat and lets get ready to RUMBLLEEEE..
"PAM PAM!! ANO? GIGISING KA BA O GIGISING? AYAN HANGGANG NGAYON TULOY TULOG KA PA. NAGPUYAT-PUYAT PA KASI ANG DAMING NALALAMAN. HINDI PA NGA TAYO NAKAKAPAG PLANTSA EH. Ay.. Ikaw lang pala. KAYA TUMAYO KA NA DYAN AT MAGPLANTSA KA NA!!"
"Sandali lang.. Five minutes"
"Walang five minutes five minutes. Tumayo ka na dyan at magplantsa"- sabi ko habang hinihila yung paa nya. At aba.. Kumapit pa sa arko ng higaan nya. Ayaw talaga nya bumangon ah. Binitawan ko yung paa at kikilitiin ko sya sa leeg. Hahawak palang ako sa leeg nya nang bigla syang bumangon at tumayo. At dire-diretsong pumunta sa cr. Suuss.. Yun lang naman pala eh. Ganyan lang naman pala panggising sa kanya sumigaw-sigaw pa ako
Bumaba ako at nakita ko nang nakahain na yung pagkain namin at umakyat ulit. Naligo ako at after a few minutes natapos na ako at nagbihis. Naka pang itaas na sando lang ako kasi hindi pa nya napaplantsa yung uniform. Pumunta muna ako sa kwarto ni Pam Pam. Check ko lang kung tapos na sya
"Pam"
Walang sumagot
"Pam Pam"
Wala paring sumagot. Ayy baka nagbibihis kaya hintayin ko muna. Ilang minuto pa ang nakalipas hindi parin sya lumalabas ng pinto kaya nagtaka na ako
"Pam"- tawag ko ulit sa kanya pero wala paring sumasagot at binuksan ko na yung pinto. At tama ako di pa sya nakakalabas ng cr kaya yung cr yung kinatok ko.
*tok tok tok*
"Pam. Tapos ka na?"
"Hhmmm"- sagot nya. Hanuyun?
"Sabihin mo pag tapos ka na ah?"
"Hhmm"- sagot nya. Nakakapagtaka naman. Oo ba yun o hindi? Kaya bumaba ako at umupo sa sofa. Saka na ako kakain kapag nakababa na sya. At makalipas nanaman ang ilang minuto wala pa sya kaya nagtaka na talaga ako. Umakyat ulit ako sa kwarto nya at nasa cr parin sya. Kumatok ako pero hindi sya sumasagot kaya kinuha ko na yung susi at binuksan. Syempre dahan-dahan lang baka kasi may makita akong hindi kanais-nais. At nang mabuksan ko na. Nakita ko syang nakaupo sa sahig at natutulog.. Ahh natutulog lang naman ehh kaya lalabas na ulit ako. Wait what? Natutulog? Kailan pa naging tulugan yung cr? Pagtingin ko sa orasan
12:05 na!! Hallaa pano na yan
"Hoyy Pam Pam!! Naghihintay ako sa baba tapos wala ka pa. Yun pala natutulog ka lang pala sa cr mo. Akala ko naman nakabihis ka na at naplantsa mo na yung damit ko ayy este natin."
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...