Tristan/Tem Tem's POV
Sunday..
Maaga akong nagising para samahan si Sanayrra. I must say that this is a great day*^▁^* Magkachat din kasi yung kambal ko pati si Sanayrra kagabi kaya pinatanong ko sa kambal ko kung anong oras sya aalis. Ayokong magtanong sa kanya kasi.... Nakakahiya hays.
"Good morning Tem. Bango ah?" Pam at inamoy yung damit ko
"Tsk, wag mo nang ubusin yung amoy" ako at inilayo yung ulo nya sa damit ko
"Waw... Pano pag si Sanayrra yung aamoy?"
"Ok lang" sagot ko at tumawa sya. "Pam" tawag ko sa kambal ko
"Hmm?" Sya habang umiinom ng milo
"Magkasama ba sa isang bahay sina Sanayrra at Syran?" Out of nowhere kong tanong. Napansin ko rin kasi na parang hindi komportable si Syran kasi katabi ko si Sanayrra. Baka kasi sila na -_- di lang nila pinapaalam
"Malamang kasi magkapatid sila--- ahhh!! Luh? H-hindi pala... Aaarrrrgghhhh!!!" Sya at sinabunutan ang sarili nya. Napangiti naman ako nang pagkalaki-laki
"T-talaga? Magkapatid sila?" Ako at saka lumapit kay Pam at hinawakan sya sa magkabilang balikat
"Hays.. Oo na oo na.. Wala na. Nasabi ko na. Nasira ko na yung promise" sya at medyo nawala yung ngiti ko
"Promise?" Tanong ko
"Oo.. Nag-promise ako sa kanya na wag na wag kong sasabihin sayo na magkapatid sila" sya
"Bakit daw?" Ako
"Wala lang.. Sa buong university kasi iilan lang ang nakakaalam na magkapatid sila. At halos lahat ng studyante ang alam couple sila. Ewan ko dun" explain nitong kambal ko
"Mag-iiba na yon *smirk* salamat sa info Pam iloveyou so so much. Alis na ko" ako at hinalikan si Pam sa noo bago umalis
"Take care.." Sya at narinig ko pang sumigaw sya. Hahahaha! Napapansin ko dumadaldal ang kambal ko habang tumatagal ah? Kakaiba talaga virus nitong si Sanayrra eh hahaha kidding. Paglabas ko ng gate, nakita ko naman si Sanayrra na kausap si Syran. Naghintay nalang ako dito sa tapat namin
"Wag na wag mong huhubarin ang jacket mo na yan mamaya ah?" Rinig kong sabi ni Syran
"Pano naman ako makakapag work out nang naka-jacket aber?" Sanayrra at nilakihan ng mata si Syran. Natawa naman ako
"Maraming lalaki dun. Mababastos ka sa suot mo" Syran. Lumapit na naman ako sa pwesto nila
"What's the problem?" Tanong ko
"Ikaw na nga magsabi dito kay Sanayrra na magpalit. Baka sumunod" Syran
"Hindi naman kasi nakakabastos yung suot ko eh. Jusko! Nakalabas lang konti yung tyan nakakabastos na?" Sanayrra at umirap
"Patingin nga" seryosong sabi ko at nakita ko ang pamumula ng tenga nya
"A-no ka! S-sinuswerte?" Sya at napabuntong hininga ako. Hinawakan ko na naman sya sa braso at hinila papalapit sakin
"We gotta go. Ako nang bahala sa kapatid mo Syran. Tsaka pina-reserve ko na, na sa aming dalawa lang yung slot so no worries" ako at ngumisi. Nakita ko namang nanlaki ang mata nilang dalawa
"P-panong--"
"Sshhh.." Pigil ko kay Sanayrra at nilagay ang hintuturo ko sa bandang labi nya. Hindi na rin naman sya nagsalita. "Wait here" utos ko sa kanya at buti naman sumunod sya. Nilabas ko lang yung kotse ko at saka ako lumabas para pagbuksan ng pinto si Sanayrra
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...