Syran's POV
Andito kami ngayon, finally, sa destinasyon namin. Buti nalang nagdala ako ng jacket kase medyo malamig. Pumunta na muna kami sa mga kwarto namin. Magkahiwalay naman yung mga babae sa lalaki kaya ok lang. 7 kami dito sa room, at dalawa lang ang kilala ko. Yung isa si Lyndon at yung isa naman... Hayyss.. Guess what? At hanggang dito ba naman sa retreat makakasama ko sya? Ano ba namang kamalasan toh? Yeah isa si Tristan sa mga kilala ko dito sa room.... Sabi nung guide namin kahit 1st day pa lang daw eh may activity agad kaya pinagpalit na kami ng damit kung san daw kami komportable kapag maglalaro.
*sa field*
~pprrrrrttt!!* (pito)
"Heireses!! Gather all here!" Sabi nung isa sa mga guide. Pinapunta kaming lahat sa feild. Tapos pinalapit na kami sa mga ka-buddy namin kasi for 3 days, sa lahat daw ng activity sila yung magiging ka-partner namin. At syempre nilapitan ko na si Alex. Remember her rule? Hahahaha!
"So listen, our first activity is...... HIKING!" Sabi nung guide at tuwang-tuwa ako kasi pangarap kong mag-hiking. Here. Napatingin naman ako kay Alex kasi akala ko excited din sya pero parang hindi maipinta yung mukha nya
"Uyy!" Panggugulat ko
"Ahh.. Ehh.. Bakit?" Taranta nyang sagot
"Ba't ganyan yung itsura mo?" Medyo natatawa kong tanong sa kanya
"Ahh wala.. Sa.. Sali ba tayo sa activity?" Tanong nya
"Oo naman. Saya kaya nun. Bakit? Ayaw mo ba?" Ako
"H-hindi ah.. Masaya nga yun eh" sya tapos tingin sa unahan na parang kinakabahan. Bakit parang may mali?
"Kailangan nyong makuha at maibalik dito ang red flag na nilagay namin dyan sa bundok na yan. You only have 5 hours, go back here in this field and don't try to find it anymore. Understood?" Yung guide
"Yes" sagot naming lahat
"The game begins as we shot this gun (fake) in 3...... 2...... 1!" Tapos pumutok na yung fake gun hudyat ng pagsisimula ng laro. Pa-alis na sana kami ni Alex ng biglang...
"Alex!" Tawag ni Tristan. Tsss... Epal.. "Are you really doing this?" Tanong nya kay Alex
"Bakit? Hindi mo ba sya papayagan, kasi ako yung kasama nya?" Malamig na sabi ko kay Tristan
"Im not talking to you" mas malamig pa nyang sagot. Aba! Anak naman ng yelo oh?! Bastos toh ah?!
"Oo. Ok lang. Tsaka mukhang nakaka-enjoy naman eh" Alex at nginitian si Tristan. Tss.. Edi sya na nginingitian..
"Sige. Pero tawagan mo ako kapag may nangyari sayo" pagpapaalala pa ni Tristan. Wala ba syang tiwala saken?!!
"Hmm" Alex at tumango
"Wag kang mag-alala, di ko sya pababayaan" ako
"Huwag mong sabihin. Gawin mo" Tristan at hinila si Ayrra papaalis
"Ayrra!" Tawag ko sa kambal ko at lumingon naman sya "Tawagan mo ako kapag may nangyari sayo ah?" Sabi ko at nginitian sya
"Don't worry. Kaya ko ang sarili ko" bored nyang sagot sabay talikod at naglakad na sila ni Tristan. Nawala naman yung ngiti ko.
"Pfftt.. Hahahaha" tawa ng katabi ko
"Tawa ka dyan?" Tanong ko sa kanya habang nakasimangot
"Pati ba naman pagtawa papansinin mo? Tara na nga" sya at naunang maglakad paalis
"Luh? Nagtatanong lang eh.. Hoy! Hintayin mo ko" ako at hinabol sya
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...