OA 5.

12 1 0
                                    

*kinabukasan*

Tem Tem/Tristan's POV

7:00 am.

Minulat ko ang mata ko at tiningnan ko ang orasan. Ang aga ko pala nagising. Ewan ko ba. Halos late na nga ako matulog kagabi tsk tsk. Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon aissh! Nakakaasar!

*Flashback*

Nasa NBS kami ni Pam Pam nang makakita ako ng prinsesa. Natigil ako sa paghahanap ng libro at natulala ako sa kanya. Tsss... Sino ba naman kasing hindi matutulala dahil sa eksenang ginawa nya

Nakahawak yung Syran ba yun? Sa balikat ni Sanayrra at inaalog sya. Natatawa ako sa mukha ni Sanayrra habang inaalog sya nung Syran

"Tumigil ka nga! Baka bumaliktad yung utak ko. Maging bobo ako tapos ikaw tumalino. Ang bobo mo pa naman para tumalino."- sabi ni Sanayrra. Sabay pigil dun sa Syran. Natawa ako sa sinabi nya. Ikaw ba naman makarinig ng ganun. Nakakahiya pa kapag ako yung nasa pwesto ni Syran ngayon. Pero.. Infairness napatawa nya ako dun. Nakita ko namang nainis yung Syran tapos may binulong sya. Hindi ko lang narinig

"Bakit ka bumubulo--- oyy!! Wag mo akong hilahin!!"- sabi nya. Hinila kasi ni Syran yung braso nya papasok sa loob. At parang bata namang nagwawala itong si Sanayrra. Napatawa na talaga ako habang naghahanap ng libro. Pumunta naman ako kung saan nakalagay yung mga encyclopedia. Ilang minuto pa ay may nakabangga sakin

"Ayy pasensya na po kuya."- sabi nung babae. Parang familiar yung boses nya pero di ko na sya pinansin. Masyado akong busy maghanap "Uhmmm.. T-Tristan?"- sabi pa nya kaya napaharap ako sa babae. Bakit kilala.. Nya ako?

Si Sanayrra pala. Nagulat ako pero di ko pinahalata. Napatingin ako sa suot nya. Wow ha? Daig nya pa yung porma ko ngayon. Hindi pala sya girly manamit. Hindi kasi halata dahil sa uniform namin. Above the knee kasi yung palda na navy blue yung kulay then long sleeves na dirty white yung pang taas. At may tatak ng school namin dun sa may bandang dibdib sa kanan. Tsk ayan tuloy naexplain ko pa.

"Ok lang"- sagot ko at pinagpatuloy ang paghahanap ng libro. Gusto ko syang kausapin kaso wag nalang. Baka masabi nya pa na wala akong kwentang kausap. Tss.

Binantayan ko si Pam Pam kasi parang tinititigan sya nung Syran. Baka pormahan nya pa. Mukha naman kasing playboy. Baka pag nilapitan nya pa yung kapatid ko papaasahin nya lang. Wow ha? Nilapitan lang papaasahin na. Hehe basta yun na yun. Napansin ko naman na parang masayang nag-uusap si Pam Pam at si Sanayrra kaya hinayaan ko nalang sila. Maya-maya pa ay nakita ko namang hinintay ni Sanayrra na matapos si Pam Pam maghanap ng libro. Tsk.. Nagpahintay pa itong kambal ko. Ang bagal kasi. At ilang saglit pa ay dumeretso sila ng counter. Napatingin ako sa Syran at sya rin pala nakatingin sakin. Parang may meaning yung tingin nya pero di ko maintindihan. Hindi ko ito pinansin at naghanap ulit ng libro. Napansin ko namang papalapit sakin yung Syran kaya tumigil ako sa paghahanap

"Tristan"- maangas nyang tawag sakin

"Syran"- maangas ko ring sabi. Tss. Akala ba nya sya lang ang maangas?

"Huh. Mukhang lumalagkit ang tingin mo kay Sanayrra ah?"- sabi nya habang nakapamulsa yung dalawang kamay nya sa pantalon nya

"Tsss.. Eh ikaw? Mukha rin namang lumalagkit ang tingin mo kay Alex?"- taas kilay na sabi ko

"Tss.. Binabantayan ko lang naman si Sanayrra sa mga taong kung makatingin parang nantutunaw"- sarkastikong sabi nya habang nakataas ang kilay

"Tsk.. Mahirap na pag seloso noh? Pasensya na. Pero binabantayan ko lang rin naman Alex sa mga taong katulad mo."- sarkastiko rin na sabi ko at nginisian ko sya

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon