OA 38.

6 0 0
                                    

Alex/Pam Pam's POV

Nanonood ako ng tv show dito sa sala nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Napalingon naman ako at nakita ko si Tem na sobrang tamis ng ngiti. Aba.... May magandang nangyari. Matanong nga ^O^

"Tem~ anyare at ganyan ang ngiti?" Ako at tinabihan nya naman ako dito sa couch

"So totoo palang gusto nyako" sya at nakangiting tiningnan ang phone nya. Sinilip ko naman yun at nakita ko si Sanayrra. Nagulat naman ako

"Wow, ang ganda naman nya. Kailan yan? Mukhang stolen?" Ako

"Kanina lang yan" sya at nginitian ako. Jusme. Kanina mukha syang naluge tapos ngayon akala mo batang binigyan ng laruan

"Hays. Umamin ka na rin? Para naman fair diba?" Ako at natawa sya

"Oo"

"Oh?! Tapang!" Ako at sinuntok sya sa balikat. Nagkibit balikat naman sya at ngumisi. Yung parang nagyayabang "aba~ nagkaaminan lang ang yabang na ah?" Ako at pareho kaming natawa. Hindi na rin naman nyako sinagot at umakyat na sya sa taas "tss... Pag ibig..." Nang pagkasabi ko nun ay biglang pumasok sa isip ko si Syran. Yung gwapo nyang mga ngiti. Napaka-charming! Parang si Seungcheol (s coups) ng svt.  "Tss.. Eh ano naman?" Nakakainis! Bat ba sya pa yung pumasok sa isip ko. Hays.. Parang.. Parang gusto ko ng C2. Makabili nga. Nagsuot lang ako ng mahaba-habang shorts at nagsuklay bago lumabas. Nagdala rin ako ng pera. Pumunta ako sa isang tindahan at bumili nang makita ko si Liam na kasama si Leila. So what? Im not interested. Kinuha ko lang yung inumin ko at saka umalis. Nang makabalik na sa bahay ay may nakita akong babae sa gate nina Sanayrra at nakita kong lumabas si Syran. Oh.. Baka sya yung Grace. Narinig ko kasi yung pangalan na yun kay Syran. Halos bukang bibig na rin nya yun pagkatapos nilang mag usap sa phone -_- jusme! Oras ng klase dinadaldal nyako tungkol sa babaeng yon. As if i care?! Nakita ko namang nagyakap ang dalawa kaya agad rin akong tumalikod at pumasok sa loob. Masakit sa mata. As in masaket!

"San ka galing?" Tem at na shooked ako ng bongga

"Sa labas. Bumili ng c2" ako at pinakita sa kanya yung binili ko

"Ah ok" sya at ngumiti. Tsss... Nakaka bitter yung sa kanila ni Sanayrra. At tsaka, bat ba ako mabi bitter? Tungkol san ba? Hanubayan.

Umakyat nalang ako ng kwarto ko. Mamaya ko na iinumin yung binili ko. Nakakaantok!

Syran's POV

Nagku-kwentuhan kami ni Grace tungkol sa mga bagay bagay at itong kambal ko, as usual.. Mataray. Tokwa! Mabait naman si Grace pero di ko malaman kung bakit nya ito kinaiinisan.

"Syran, available ka ba this week?" Grace at nagising naman ako sa ulirat

"Ah... Oo naman. Bakit?" Ako

"Labas naman tayo. Just like what we do before" sya at ngumiti. Napangiti rin naman ako pero may konting sakit kasi... Sya yung babaeng sineryoso ko dati pero pinagpalit din ako. Sasagot na sana ako nang marinig ko ang malakas na tawa ni Ayrra

"Before?! Wag na! Magagalit pa boyfie mo. Tsaka wala na namang kayo diba?" Sanayrra habang nagse-cellphone. Gusto kong matawa bwiset.

"A-ah.. Wala na kami ng boyfriend ko. We broke up three weeks ag--"

"So nandito ka para may bago ka nanamang haharutin? Nandito ka para matakpan yang sakit? Yun ay kung nasaktan ka. Hindi rin naman ata. Nagagawa mo pang humarot eh" Ayrra at natatawa pero mahahalata mo yung sarcasm sa pananalita nya

"Ayrra stop. Magkaibigan lang kami ni Grace ok? Wala nang malisya yon" ako at umirap lang sya

"Fine, and you Grace. I dont like you" sya at umalis

"Hays.. Syran, kailan ba lalamig dugo ng kambal mo saken? Pero hayaan mo na. Kung ayaw nya edi wag haha. Oh ano? Payag ka?" sya

"Hmm... Ok. Kailan ba?"

"This week. Sasabihan nalang kita. Tutal.. Dun nako nag aaral sa university nyo"

"Ok sure"

"Sige. Bye na. Baka hanapin nako ni Mom" sya at tumayo

"Hatid na kita sa labas." Prisinta ko at pumayag naman sya

Nang maihatid ko na sya sa gate, nagulat ako sa bigla nyang paglapit sakin. Akala ko may ibubulong sya, pero hinalikan nyako sa pisngi.

"Thank you. Bye.. Syran" sya at ngumiti nang parang nang-aakit. Napailing nalang ako. As if kaya nya parin akong akitin sa mga galawan nya. Kung dati marupok ako, ngayon di na. Tanging si Alex lang ang laman ng puso ko.

"Umalis ka na"

"Tsss... Ok" sya at umalis.

Sinilip ko naman ang bahay nina Alex. Tsk! Di ko sya nakita ngayon ah? Sa mga oras na to dapat nagbabasa sya sa garden nila. Bat wala sya? Nakita ko naman si Tristan na lumabas kaya lalo akong nagulat.

"K-kuya.." Bigla kong naring ang boses ni Alex kaya napasabunot ako sa sarili ko at dali-daling pumasok sa loob ng bahay.

"Tokwa!!!!! Ano ba kasing meron sa dalawang yon! Di ko sila maintindihan hays!"

Umakyat nalang ako sa kwarto ko at natulog. Nakakabwiset yung Tristan na yun. Di ko malaman kung anong meron sa kanila ni Alex. Eh ano sila ni Sanayrra?!

"Aarrrgghhh!! Lalo na talaga akong naguguluhaaaaan!" Nagtalukbong ako ng kumot

At maya maya pa ay natulog nako.

Grace's POV

Bago ako pumasok sa loob ng abandonadong bahay na to, luminga muna ako kung merong sumunod sakin. At nang mapansin kong wala, pumasok nako. Nadatnan ko naman tong si Zach na prenteng nakaupo at habang tinitingnan ako. His eyes has full of lust. Tinaasan ko lang sya ng kilay

"Taena naman Zach! Umayos ka nga!" Ako at saka pumunta sa pwesto nya at binigyan sya ng halik sa labi.

"What did you do to that Syran?" Sya

"Wala. Nagkwentuhan lang. At ito pang kambal nya akala mo kinaganda nya yung pagtataray nya" ako at nagulat ako nang hampasin nya yung lamesa.

"Wag na wag mong guguluhin si Sanayrra. Or else..." Sya at natawa ako

"Talagang malakas na yung tama mo sa Sanayrra na yun ah? Haha.... Nandito naman kasi ako" sabi ko at umirap

"I dont care at you. Tsss.. Bwiset na Tristan yan. Inagaw na lahat. Kagaguhan ng pamilya nila!" Sya at ikinuyom ang mga kamao. Tumayo naman ako at saka nag bend para maakap sya.

"Dont be mad baby~" ako at binibigyan sya ng maliliit na halik sa leeg. At napangiti ako nang hilahin nyako at saka tinugon ang gusto kong mangyari

End of Chappy*^▁^*

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon