OA 18.

5 1 0
                                    

Syran's POV

Salamat naman at lunes na. Hehe.. Makikita ko na kasi si.... Secret hahaha. Hayyss... Nabadtrip lang talaga ako kahapon dun sa ulupong na Calvin na yun. Kung makabayaw sakin eh. Sarap bangasan ng mukha. Whoo... Ok.. Kalma lang Syran.. Dapat maging gwapo ka ngayong araw na toh. Kalimutan mo sya. Alam nyo naman ata na ayaw ko sa kanya diba? Tsss...

Maaga pa naman para maligo kaya naghilamos muna ako at nagtooth brush bago bumaba. Pagbaba ko ay nakita ko naman itong kambal ko na kaaga aga nakakunot agad ang noo. Kinuha ko naman ang plantsa sa taas at bumaba ulit. Pumunta ako sa pwesto ni Ayrra at inabot sa kanya ang plantsa

"What was that for?" Medyo inis na tanong nya at napalunok naman ako bigla. Takte.. Kaaga aga english na nang english

"Use it. Because it can remove your stretch mark in your forehead" eleganteng sabi ko. Eh bakit ba? Nakapag-english kaya ako ng tama hehehe. Bumuntong hininga naman sya

"Anong stretch mark?! Sa tiyan yun bobo! (Aray ha?) At tsaka.. Wala ako sa hulog makipagbiruan ngayon Syran" malamig na tugon nya kaya kinilabutan ako. Tokwa.. Lumalabas nanaman ang pagiging demonyita nitong kambal ko

"S-sabi ko nga." Ako at nilapag ang plantsa sa table at tinabihan si Ayrra "problem?" Tanong ko

"Wala.. Naku-curious lang ako sa iniisip ko" sya at huminga ng malalim. Sa sobrang problemado nya ay napahawak nalang sya sa sintido nya

"Ano ba yun?" Ako

"Wala" sya at inirapan ako

"Luh? Hindi ko ba pwedeng malaman?" ako at tumango sya "bakit?" Tanong ko pa

"Basta" sagot nya at sumandal sa sofa at napapikit. Mukhang malaki talaga ang pinoproblema nito ah

"Sabihin mo nalang sakin para matulungan kita" ako

"Tsk.. Sige na nga. Ito kasi yun. Nakita ko kasi si Tristan na nagbabasa sa garden nina Alex. Ta--" sya at nagulat ako kaya naputol ko ang sinasabi nya

"Alam mo ang bahay ni Alex?" Ako

"Yep. And as i was saying. Naku-curio--"

"Weeh? Saan? Ituro mo saki--" ako pero pinutol nya

"Ano ba! Papatapusin mo ba ako o hindi?!" Sigaw nya sakin. At nagulat naman ako. Wews... Nakakatakot

"Hehe.. Sige ituloy mo na" ako. Ayoko nang masigawan ulit noh? Katakot kaya. Huminga muna sya ng malalim bago nagsalita ulit. Ano bang meron sa buntong hininga ngayon? Uso na ba yun? Magawa nga haha joke

"Yun na nga. Naku-curious lang ako kasi bakit sya nandun? Diba magboyfriend girlfriend lang sila? Hindi naman ata sila magka-live in diba?" Sya at nabadtrip ako

"Syempre hindi! Hindi ako makakapayag! Baka naman bumisita lang. Tss... Ang babaw nito" ako. Putek.. Nakakairitang pakinggan na magka live in sila. Ang laswa naman nun. At tsaka hindi ako makakapayag na mangyari yun. Eh crush na crush ko si Alex eh huehehe

"Sa bagay.. Pero kasi.. Ughh!!" Sya at medyo ginugulo ang buhok nya

"Dont tell me, nagseselos ka?" Ako habang taas baba ang kilay

"Huh? Me? Nagseselos? My ghaad Syran! Imposible yang sinasabi mo" sya at natawa naman ako

"Halata ka kasi" ako

"Huh? Pano?" Sya. Tsk.. Over reacted

"Bakit ba kasi big deal na big deal sayo yun? Eh ano naman kung nandun yung Tristan na yun? Malay mo binibisita lang nya si Alex diba?" Ako at umiiling

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon