Syran's POV
Nasa field ako ng school at nakaupo ako sa damo at nakasandal sa puno. Wala namang tao kaya matutulog nalang ako. Wala ako sa mood pumasok sa susunod naming subject. Ano namang matututunan ko dun? Eh hindi naman ako nakikinig. Tsk.. Nagtatampo lang naman ako kay Sanayrra eh. Basta.. Bahala sya mag-sorry. Makatulog na nga
....
....
....Ilang minuto pa ang lumipas ay naramdaman kong parang may katabi ako. Diba wala naman toh kanina? Napamulat naman ako at kinusot ko ang mata ko. Tiningnan ko kung sino ang nasa tabi ko at nagulat ako dahil sa nakita ko
"A-alex?" Ako at hindi nga ako nagkakamali...si crush.. Tinabihan ako habang natutulog ako? But how?
"Gising ka na pala. Akala ko hindi ka na gigising eh" sya at nginitian ako
"K-kanina ka pa nandito?" Ako at natawa naman sya.
"Oo. Wala na akong balak pumasok sa next subject. Alam ko naman na made-detention eh. At tsaka late na rin tayo ng 25 mins. sa klase. And why are you stammering? May problema ba sakin?" Sya at yung puso ko sumasabog na sa tuwa. Pero syempre di ako magpapahalata
"Wala naman. Natatakot na kasi ako sa kagandahan mo" ako at natawa nanaman sya
"Ganun na ba ang kagandahan ko? Nakakatakot?" Sya luh? Narinig nya yun?
"Luh? Sinong nagsabi nun? Ikaw ha? May naririnig kang hindi ko naririnig ah?" Natatawang sabi ko
"Ayy ganun ba? Hindi ba ikaw yun? Sorry ha? Obvious ka lang kasi" natatwa ring sabi nya.
"Hahahaha! Ikaw talaga." Ako at sumandal ulit sa puno
"Halata ka kamo" sya at diretsong nakatingin sakin
"Na ano?" Ako at nakakunot ang noo
"Halatang malungkot ka dahil sa pag-iwas mo kay Sanayrra. Alam ko naman na hindi mo sya matitiis" sya at natawa ako
"Anong hindi matitiis? Tss.. Nagawa ko nga syang hindi pansinin eh" ako at ginulo ang buhok nya. Bakit ba? Ang cute kaya nya
"Tss..." sya at umiiling
"Hayy nako Alex." ako
"Kaya mo kahit wala si Sanayrra? Kahit wala ang kambal mo?" Sya at nagulat ako. Pano.. Pano nya nalaman?
"S-san mo nakuha ang impormasyon na yan?" Gulat pero utal na sabi ko. Grabe sya.. Ilang taon na kami dito sa university na toh pero wala pang nakakaalam na magkapatid kami
"I found it by myself" sya
"Wews.. Ok hahaha" ako
"Ewan ko sayo Syran. Alam ko naman na hindi mo sya kayang tiisin" sya at ginulo pa ang buhok ko. Takte... Pwede na ba akong tumalon sa tuwa dito?
"Kaya ko kaya" Ako at nginitian sya
"Tsk.. Syran, tampo lang yan. Kaya alam kong hindi mo sya matitiis. At tsaka yung mga babae kasi. Sensitive yan, paiba-iba ng mood. Kaya sinasabi nyo na ang gulo ng babae. Yun ay dahil sa paiba-iba kami ng mood. Ang tawag dun ay mood swing" sya at kumunot ang noo ko. Pero tinaasan nya ako ng kilay. Kaya napabuntong hininga nalang ako
"Oo nalang" Ako at sumandal ulit sa puno
"Hayy nako.. Halika nga" Sya at nagulat ako sa inasal nya. Kasi dumikit sya sakin at pinasandal nya yung ulo ko sa balikat nya.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...