Sanayrra's POV
Thank God its friday.... Hindi naman dahil last day ng pasukan. Kundi dahil magiging komportable na ako sa suot ko. Kapag friday kasi dito 'wash day' ibig sabihin, kami na ang bahala sa susuotin namin. Pero syempre bawal yung daring at may pa-reveal. Mga mahaharot lang gumagawa nun charot! Mapapalayas ka sa school kapag ganun.
"AYRRA!!" Sigaw ni Syran sa baba
"BAKIT BA?! INGAY NETO EH" sigaw ko din sa kanya. Nasa kwarto parin kasi ako at nag-aayos. Syempre as usual.. Hinihintay nya ako. Hehe
"BAKIT KASI KAILANGAN PANG MAGPAGANDA" sya. Hala? Bida toh eh. Ako? Nagpapaganda? Eww!!
[Mi-Ann: haha Trishia♡ gets mo ba?]
[Trishia: ayy? Patama lang?]
"DI KO NA KAILANGAN YUN. MAGANDA NA AKO YAH KNOW?" ako habang tumatawa mag-isa. Haha oo.. Baliw na ako. Baliw na baliw kay..... Sehun at hoshi ahehehe
"AHH SIGE.. SABI MO YAN EH. HAHA" sarkastikong sabi nya
"CHWE!! BUSET WALA MANLANG SUPPORT" Ako
"WAG KA NANG MAGSALITA. BILISAN MO NALANG KUMILOS!" sya at halatang nagmamadali
Binilisan ko na ang pagkilos. At bumaba na din ako. "Bakit ba madaling-madali ka? May da--" ako pero naputol dahil nakita ko si Syran
"Oh? Bat ka nakatingin?" Tanong nya
"Masamang tumingin? At tsaka... Hala... Anong meron? What is the meaning of this?" Ako at laking gulat ko nang makita ko yung ayos ni Syran. Dati kasi madalas ang pormahan nito pag friday. T-shirt + pantalon. Minsan pa nga naka-tokong eh then rubber shoes. Ngayon, jusme... Naka ¾ na color black and white na polo, naka black na pantalon tapos yung rubber shoes nyang bago na black and white din, tapos ito pa. Nakataas pa ang buhok.. Nakaka-stress naman ang kagwapuhan ng taong toh. Kung di ko lang toh kambal baka nainlove na din ako dito eh. Pero syempre joke lang. Sadyang magaganda lang talaga yung lahi namin. Ahahayy!! Support naman kayo oh
Pero bigla syang lumabas ng bahay kaya di ko na natanong kung bakit ganun yung pormahan nya. Ako naman naka high waist na pantalon tapos maluwag na color peach na t-shirt na nakatacked-in tapos color peach na may touch of white na sneakers. Diba yan lang? Di naman kasi ako nainform na ganun pala dapat yung outfit. Para naman maging maayos naman ako tingnan kapag kasama ko itong kambal ko. Pero kahit ganun lang yung suot ko ngayon bakit ang tagal ko magbihis? Nyah.. Nevermind. Sumakay na ako sa kotse namin at bumyahe. At nasa university na kami at papasok na sa loob. Nang makapunta na kami ng classroom ay pinagtitinginan kami. Feeling ko kay Syran lang sila nakatingin lalo na yung mga babae sa harapan. Umupo na ako sa upuan ko, wala pa sila Alex kaya wala pa akong makausap.
"Good afternoon Sanayrra" bati ng isang pamilyar na boses
"Uyy andyan ka na pala. Good afternoon din" sabi ko kay Alex habang nakangiti. Nandito na pala sila.
Nginitian nya lang din ako at di na sya sumagot. Napatingin naman ako sa suot nya at bumagay sa kanya. Perfectly simple. Naka-white lang sya na t-shirt na may pint na color black pero di ko maintindihan tapos nakapantalon lang sya na black tsaka white na rubber shoes at naka messy bun. Shalla.. Wala syang kaartehan sa katawan.. Wait lang. Bakit parang magkaparehas ng damit si Alex at Syran? [A/N: balikan nyo nalang yung mga nabasa nyo kanina kung nakalimutan nyo na yung porma ni Syran.] Aba.. Aba.. Aba... I smell some.... Chemistry? Haha charr. Si Syran lang naman yung may gusto kay Alex eh. Aweeh.. Ang shaket naman non
"Aba! Syran terno kayo ni Alex ngayon ah? Meant to be ba ang tawag dyan?" Sabi ni Liam. Kaklase namin yan. Tsaka medyo maloko. Kaya ayan tuloy pinagtripan pa si Alex at Syran. Nagkatinginan naman sina Alex at Syran.. Yiieee.. Si Syran naka-iskor, hehe kaso may boyfie naman itong kaibigan ko. Si Tristan.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...