OA 11.

9 2 0
                                    

Sanayrra's POV

Magkasabay kami ngayon ni Emve-- ayy este Tristan papuntang library tsk... Ang arte kasi. Bawal ko daw ba syang tawaging Emverson? Sarap sungalngalin ng bibig eh. Syempre charr charr lang. So ito nga.. Magkapartner kasi kami yiieee hahaha joke lang! Ito nanaman ako eh. Remember? Kaya kami magkapartner kasi magkatabi kami. Nakaupo kami ng bebe ko sa may bandang malapit sa book shelves kung saan yung everything about biology. Hayaan nyo na nga ako lumandi sa isip... Sa isip na nga lang eh pipigilan nyo pa. Hehe support nyo nalang ako. Eh ngayon.. Magkaharap kami ng upuan kaya naman hindi ako makapag-focus ng maayos dito sa ginagawa ko kasi yung atensyon ko nasa kanya. Ang gwapo kasi eh! Kung panget lang sana toh.. Baka napakarami ko nang naisulat hehehe sowey ang harsh ko. TAKE NOTE.. WALANG MALISYA AH? NAGAGWAPUHAN LANG AKO. YUN LANG TAPOS. Huehe. Natigil naman ako nang bigla syang nagsalita

"Sa tingin mo.. Para ba akong libro?" Tanong nya sakin na medyo naguluhan ako

"Ahh.. Ehh... Hindi naman bakit?" Sagot ko

"Eh bakit sakin ka nakatingin? May nakukuha ka bang sagot sakin?" Ayy? Grabe sya oh? Buti nga tinitingnan lang eh. Eh kung kainin ko sya. Ooopss... Baka iba na ang tumatakbo sa isipan nyo ah? Tsk tsk.. Naku.. Naku naku.. Masyado kaya akong inosente kaya di ko alam yun.. Wahahaha!!

"May iniisip lang.. Napatingin lang sayo. Assuming much? Di naman ikaw iniisip ko eh! Feelingero toh.. Kutos gusto mo?" Depensa ko sa sarili ko

"Don't talk to me na para bang close tayo at kaibigan kita" cold na sabi nya habang nagsusulat. Aba... Siraulo toh.. Minsan na nga lang magsalita masama pa yung tabas ng bibig. Pasalamat sya at mahaba pa talaga ang pasensya ko sa kanya kung hindi.. Hayyss. Sanayrra kalma lang

"Aba.. Anong tingin mo sakin? Ordinary person? Stranger? Alien?" Medyo pasigaw na sabi ko

Binaba nya nang bahagya yung librong nakaharang sa mukha nya at tanging mata nya lang yung nakita ko

"Yes. Bakit? Ano bang special sayo?" Sya. Aba.. Namumuro na toh ah? Hindi ko na binalak sumagot baka kasi palabasin na ako ng librarian. Binuhos ko nalang yung pagkainis ko sa lamesa at bahagyang hinampas ito. Napansin ko namang tumingin sakin yung mga tao pero di ko sila pinansin

Nagpatuloy nalang ako sa pagsusulat. Medyo madami-dami na din yung naisulat ko, pero mas madami yung kanya. Edi sya na! Hehe charr. Papatalo ba ako? No way!.... Pero biglang pumasok sa isip ko kung honor student ba toh. Hmmm... Matanong nga. Medyo malamig na rin naman yung dugo ko sa lalaking toh eh

"Uyy Tristan.. May tanong ako. Curious lang naman ako eh" sabi ko pero di sya nag-response kaya tinuloy ko nalang yung tanong ko. "Honor student ka ba?" Dagdag ko pa

"Bakit mo tinatanong?" Cold nanamang sabi nya. Gusto ko sanang sagutin na 'curious nga diba? Ito tanga' hahaha syempre joke lang

"Wala lang nacu-curious lang. Kasi parang studyholic ka rin eh" ako

"Oo. Consistent on ranking since elementary to secondary" sya habang nagsusulat

"Rank ano?" Tanong ko ulit

"Minsan rank 1, minsan rank 2 pero never akong naging rank 3" sabi nya at ikinamangha ko

"Bakit minsan rank 1, minsan rank2?" Tanong ko ulit. At napansin kong nairita sya. Haha bawi lang yan

"Bakit ang dami mong tanong?" Sya

"Sagutin mo nalang. Dami pang satsat eh" sabi ko naman

"Kasi may kaagaw rin ako sa rankings. Ikaw ba?" Tanong nya rin sakin

"Oo. Rank 1" pagmamayabang ko sa kanya. Hehehe support naman kayo dyan

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon