Alex/Pam Pam's POV
Nasa classroom ako at hinihintay yung teacher namin. Actually yung adviser namin yun pero di ko sya kilala... Well para san pa? Haha joke. By the way. Im glad na bati na yung kambal (si Syran at Ayrra). Halata naman kasing nalulungkot silang dalawa kapag magka-away sila. Malamang Alex! Sino ba namang matutuwa sa ganung sitwasyon? Hayy.. Nakakainis pa itong si Sanayrra kanina.. Di pa ako tapos magkwento eh *teary eyed* joke. Lalo pa akong natawa nung inasar ni Tem Tem si Sanayrra. Huwahahahaha!! Hang lande ng kambal ko eh Haha. Madami pa sana akong gustong sabihin nang pumasok na si Ms...? Hindi ko maalala yung pangalan
"Ok class.. Di muna tayo magdi-discuss ngayon kasi pag-uusapan natin yung nalalapit na retreat" sabi ni maam. Nagsigawan naman yung mga kaklase ko, di ko alam kung dahil ba sa retreat o dahil hindi magdi-discuss si Maam.
"So by next week.. Gaganapin yung retreat natin. 3 days and 2 nights sa tagaytay. Everyone will be given a waver to be signed by your parents or guardians" sabi ni maam. Eh pano yun? Wala sina Mom?
"Maam, how about those students who's far from their parents?" Tanong ko. Pero syempre di ko ginamit yung first person para di halata na yung tanong eh para samin ni Tem Tem
"Need a confirmation" sagot ni maam. "So, base sa napag-usapan, everyone should have their buddy. So kung sino yung piliin nyo sya yung makakasama nyo for the whole 3 days and 2 nights. You are free to choose your buddies" explain ni maam. Nag-start na maghanapan ng ka-buddy yung iba. Pero ako? Ayoko. I want to be alone
"Phenelope!" Tawag sakin ni Lyndon, kaklase namin
"Don't call me with that name" malamig na tugon sa kanya
"Ahh... Ehh.. Alex, pede ka bang maka-buddy?" Tanong nya na ikinagulat ko naman. Nag-isip muna ako ng isasagot.
"No!" Malakas na sabi ni Tem Tem. Grabe ah? Narinig nya pa yun?
"No" sagot ko nalang din. Ngumiti lang sya tapos umalis. Nilingon ko naman si Tem Tem para itanong kung may ka-buddy na sya "sinong ka-buddy mo?" Hindi sya sumagot pero tinuro nya si Sanayrra. "Ah.. Ok.." Sabi ko nalang tapos tumingin sa unahan. Napailing naman ako kasi mas naalala nya pa talaga si Sanayrra kaysa sa kambal nya. Huhu.. Joke ok lang. Crush nya naman yun eh. Napangiti naman ako bigla dahil dun
"Alex" tawag sakin ni Syran. Napalingon naman ako sa kanya
"Bakit?" Sagot ko
"Ilan tayo sa classroom?" Tanong nya
"38" tipid ko namang sagot
"Ahh.. Eh kung 38 tayo, dapat lahat may partner." Luminga-linga naman sya sa classroom "Sino kaya yung wala pang ka-buddy?" Kausap nya sa sarili nya
"Ako" mahinang sagot ko. Bigla naman syang napatingin sakin
"Ahh.. Eh.. Ok" tapos bigla syang tumalikod sakin
.............
"Ahm.. Alex" tawag nya ulit sakin kaya napatingin ulit ako sa kanya "Pwede ba kitang ka-buddy?" Nahihiya nyang sabi
Napaisip ako... Sasagutin ko ba? O-oo ba ako? Tanggihan ko ba? Ayawan ko kaya? Hayysstt.. Bahala na nga
"Ahh sige ok lang" tipid kong sagot sa kanya
"Talaga? Seryoso?" Gulat nyang sabi
"Ehh.. Kase no choice" ako sabay ngiti sa kanya
"Ayy hahaha ok lang.. Basta ikaw" sya at kumunot naman yung noo ko. Nginitian nya naman ako, pero inirapan ko sya in return
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
FAST FORWARD!!!!
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Time flies really fast! At reatreat day na namin ngayon. Di ko alam kung dapat ba akong ma-excite o ano eh.. Hayysst. Silang lahat excited na excited naman, tapos bigla akong napatingin kay Tem Tem.. WEIRD... Ba't parang good mood sya? Ayy.. Kase kausap nya si Sanayrra haha. Joke lang. Bigla na namang dumating yung adviser namin
"Ok STEM 1 (pangalan ng section namin), mayroon tayong sariling bus *sabay turo dun sa blue na bus* yun daw kasi yung sasakyan natin. And remember, naghanap kayo last week ng ka-buddy nyo right? So para di hustle, sila yung katabi nyo sa bus. Kayo na ring bahala kung saan kayo uupo" sabi ni Ms. Nagpalingon-lingon naman ako kasi hinahanap ko yung ka-buddy ko
"Asan kaya si Syran?" Bulong ko sa sarili ko
"Ako ba hinahanap mo?" Sabi ni Syran na bigla na lang sumulpot sa likod ko. Medyo nagulat ako dun ah? Nilingon ko naman sya
"Oo, nakakahiya nga sayo eh, dapat ako yung hinahanap mo kasi 'ikaw yung nag-aya sakin maging ka-buddy mo'" ako + savageness 10,000,000. Bigla naman syang napaisip sa sinabi ko
"Parang wala naman akong narinig na sinabing ganyang rule ni Maam?" Sabi nya sakin with matching nakakaasar na tingin
"Well.. That's my rule" ako sabay smirk at akyat/sakay sa bus. Huwahaha burn... Sumunod lang naman sya sakin. Ako na din yung pumili ng upuan namin. Dito kami sa bandang gitna mas safe at mas maganda. Ako yung malapit sa bintana, tapos nasa kanan ko si Syran
"May pagkain ka ba dyan?" Tanong nya at nilingon ko sya nang naka-taas ang kilay
"Ka-buddy lang kita, di kita ka-share sa foods" pagsusungit ko + savageness 10,000,000. Aba.. Kapag pagkain ibang usapan na yan huehehehe
"Sungit naman nito. Nagtatanong lang eh" sagot nya
"Sa una magtatanong tapos sa huli manghihingi" ako
"Tss.. Damot!" Medyo pasigaw na sabi nya at ngumuso. Ehh? Charms? Hayysstt! Alex! Pogi lang yan
"Whatever" sagot ko nalang tapos hindi na sya nilingon. Nagsalpak nalang ako ng earphones sa tenga ko
Tem Tem/ Tristan's POV
Nandito kami ni Sanayrra na nakaupo sa likurang upuan nina Pam Pam. Ako yung pumili kung saan kami uupo para mabantayan ko si Pam kay Syran, baka kung ano pang gawin ng kumag na yan eh. OA na kung OA--
[Trishia: OA? Opposite Attracts? Haha]
Nakakatawa yun author? Di ako natutuwa.
[Trishia: ayy.. Hindi ba? Sige na, mag-emote ka na dyan]
Ewan sayo.. Pasalamat ka mahal kita yiiieee
[Trishia: sshh... Shatapp! Marinig ka ni Sanayrra. Nakuu magseselos yan]
As if may gusto sya sakin? Ok back to story. Eh ano naman kung OA ako? Pinoprotektahan ko lang naman yung kambal ko. Nakaupo ako dito malapit sa bintana tapos nasa kanan ko si Sanayrra. Medyo awkward parin kasi... Alam nyo na. Yung sa music.. Room.. Hayyss!!
"Tristan" speaking of an angel ayy este devil. Hindi ko sya sinagot bagama't nilingon sya "Mahiluhin ka ba sa byahe?" Tanong nya. Napansin ko naman na medyo matamlay sya
"Hindi" sagot ko naman at tinitingnan sya ng diretso
"Bakit ganyan ka kung makatingin? Ganda ko ba? Alam ko na yun" sya at natawa. Hindi lang pala sya maingay, may kakapalan din ng mukha tss..
"Hindi ka maganda." Sagot ko at umirap sya
"Palit tayo please.. Mahiluhin kasi ako eh" pagmamakaawa nya, makikipag-palitan na sana ako pero teka... ANO? MAHILUHIN SYA?
"Huwag kang susuka dito" banta ko sa kanya
"I can't promise" sya at bahagyang tumawa. Oh shit.. Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya. I never tried to clean someone's vomit kasi di naman kami mahiluhin ni Pam Pam sa byahe
"Hayyss!! Dito ka na nga sa bintana" ako tapos nagpalit na kami ng upuan. A few minutes later, sa wakas paalis na rin yung bus. Pupunta kami ngayon sa Tagaytay sabi ni Ms. Medyo matagal daw yung biyahe kaya natulog na lang din muna ako kagaya nila Sanayrra. Sana mag-enjoy din ako kahit papano dito sa retreat.
End of Chappy*^▁^*
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...