OA 37.

5 0 0
                                    

Sanayrra's POV

Nagku-kwentuhan pa kami nang ma-realize namin na nandito na pala kami sa tapat ng bahay namin at tapat din ng bahay nila -_- tapatan kasi bahay namin kaloka! Hahaha

"Nga pala Tristan, thank you ng marami" ako at bababa na sana nang magsalita sya

"I have to ask you something. Can you spare some of your time with me?" Sya at talagang naalog ang utak ko hahaha charot.

"Ok" sagot ko

"Yung cin-onfess mo sakin this past few days.. Totoo ba yun?" Tanong nya at napakunot ang noo ko

"Hanuyun?" Tanong ko din at napahawak sya sa noo nya. Bakit? Ano ba yoooon?

"Gusto mo talagang diretsuhin kita ah?" Sya at ngumisi. Ang gwapo.... Haha

"Be straight to the point. Mahirap manghula" ako

"Yung sinabi mo saking gusto mo ko. Totoo ba yun?" Sya at nawindang ako. Szeryoszo pala tzalaga szya sza szinabi nya~::>_<::

"H-ha?" Yan nalang ang nasabi ko at napangiwi

"Ano? Oo o hindi lang naman ang isasagot mo eh" sya at bahagyang inilapit ang mukha nya sakin

"P-pano k-kita masasagot ng maayos kung m-malapit ka sakin? Lumayo ka nga!" Ako at tinulak sya. Narinig ko naman syang tumawa at ang sexy ng dating nun sakin. Aaacckkk-- hays. Ganun nalang ba sya kadesperado na malaman kung gusto ko sya o hindi? Gusto nya bako? Eh? Feelingera ang loka ahahaha! Hindi ba sapat sa kanya yung isang aminan lang? Gusto nya ba twice ko sasabihin? Tsk! Ge kaya ko to... Yan pala gusto ng kupal na yan ah? Haha char *inhale *exhale.... "No..." Ako... Nako! Mali pa ata nasabi ko ah? Jusmeyo! Tatlong letters lang pero ang hirap sabihin! Simpleng yes lang Sanayrra! Nakita ko namang malungkot ang expression nya pero agad ding ngumiti. Eh??

"Haha oo nga naman. Pano mo nga naman pala ako magugustuhan no? Hahahaha.. Sige na. Baka hinihintay ka na ng kapatid mo. Take care" sya at parang kinurot ang puso ko kasi naramdaman ko ang lungkot sa tono nya...

"T-tristan..... Hehe.. Bye" ako at bumaba. At binuksan ang gate. Nilingon ko naman ang kotse nyang papasok din ng gate nila. Pumasok nalang ako sa bahay at nagpahinga.. Nakaka-stress ang kagagahan mo Sanayrra. Nabu-bwiset ako sayo! Hays

Tristan/Tem Tem's POV

Pumasok nako sa bahay at dediretso na sana ako sa hagdan nang magsalita ang kambal ko.

"Aye Tem! Musta ang gym? Sexy ba ni Sanayrra? Hahahaha ayyiieee~" sya at nakaupo sa couch habang nakain ng chips at nanonood ng tv. Tiningnan ko naman sya gamit ang blangko kong ekspresyon sabay sagot ng

"Ays lang"

"Luh? Uy Tem! May problema ba? Umamin kaba tapos binusted ka ni Sanayrra? Hey tell me" Pam at talagang kating-kati syang malaman kung anong nangyare. Tsk! Nakakabanas!

"Hindi"

"Eh ano?"

"Wala syang gusto sakin ok? Kaya ba't nyako ba-busted-in?" Ako at padabog umakyat sa taas. Wala na rin naman akong narinig na kahit ano mang tanong mula sa kambal ko

Sanayrra's POV

"Ano?! Bat mo tinanggi? Ikaw ba'y tanga?" Syran at tagos talaga sa buto yung pagkakasabi nya saking tanga

"Makatanga to.. Kala mo naman talaga sya hindi" ako at umirap. Nga pala, kinuwento ko kasi sa kanya yung pinag-usapan namin kanina ni Tristan sa kotse nya. Napilitan akong magkwento eh. Hays

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon