Tristan/Tem Tem's POV
Kumakain ako ngayon ng almusal. Nagluto kasi si Alex ng fried rice tsaka bacon. Actually kagigising ko lang, 9:30 am na. Si Alex kasi nagising ng maaga wow.. Bago ata yun ah? Haha. Madalas kasi ang mga gising neto eh mga 11:00 pa. Linggo ngayon. Kaya di ko alam kung anong gagawin ko. Si Alex? As usual nagbabasa
"Alex, anong plano mo ngayong linggo?" Tanong ko sa kanya nang matapos na akong kumain at umupo sa sofa. Wala naman kasi akong magawa kaya kung ano ano nalang yung gusto kong itanong sa kanya
"Ahhmm... Simple lang.. Magbasa maghapon hehe" sya at napangiwi naman ako. Ano pa nga bang bago dun?
"Lubayan mo naman yang mga libro mo. Di ka ba mabuhay ng isang araw ng di nagbabasa?" Natatawang sabi ko at sumama naman yung mukha nya. Eh totoo naman eh
"Eh anong gusto mong gawin ko? Di mo naman ako papayagang mag-club" nakangising sabi nya at nagbasa ulit. Agad ko naman syang binatukan "AHH!!!" Sigaw nya
"Anong club club?! Talagang hindi kita papayagan!" Sigaw ko naman sa kanya
"Hahaha! Joke lang. Tsaka wala naman talaga akong balak mag-club noh? Never!" Sagot naman nya sakin
"Magbihis ka na. Bilisan mo" utos ko at naglakad papuntang hagdan
"San tayo pupunta?" Tanong naman nya at tumigil ako
"Di ko alam. Hehe" ako at napakamot nalang ng ulo. San nga ba?
"Magbabasa nalang ako. Wala ka namang plano eh" sya at nagbasa ulit. Teka san ba kami pupunta?
"Mage- SM tayo. Kaya tumayo ka na dyan at magbihis" ako
"Sige na nga. Maliligo lang" Sya. Sasama din naman pala eh. Pero teka.. Anong sabi nya?
"Maliligo ka pa?" Ako. Di pa pala nliligo toh?
"Oo. Hehe. Sandali lang pramis" natatawang sabi nya
"Suss.. Yung sandali mo 40 mins." Ako habang natawa
"Hindi naman. Mabilis lang talaga" sya at patakbong umakyat sa taas para maligo
Syran's POV
"Sanayrra!! Gising na! Aalis tayo!!" Sigaw ko. Hehe.. Yayayain ko lang sana lumabas. Ang boring dito sa bahay eh
"Natutulog pa ako eh. Inaantok pa ako" mahinang sabi nya. Eh? Natutulog padin sya? Ano toh? Beauty sleep? Joke
"Sige na... Tayo na dyan.. Please" ako. Sana naman um-effective yung pagpapacute ko.
"San ba tayo pupunta?" Sya biglang bangon at kusot ng mata
"Arcade tayo" naeexcite na sabi ko
"Ano namang gagawin ko dun? Di naman ako nag-aarcade" tanong naman nya. Hindi naman kasi ito naglalaro ng arcade eh. Tsaka hindi ko naman talaga sya paglalaruin dun. Kasi halos lahat dun lalaki, baka mabastos pa sya. Syempre baka di ko sya mabantayan, naglalaro ako eh
"Punta ka sa national book store. Kumain ka. Mag-shopping. Ikaw bahala" pangungumbinse ko naman sa kanya
"Sige na nga. May bibilhin din akong libro eh" sya tapos pumunta ng CR nya para maligo. Lumabas naman ako ng kwarto nya at pumunta sa kwarto ko para maligo. Mapipilit ko din naman pala eh. Haha
*1 and a half hour later*
Andito na kami ngayon sa loob ng mall, pinagtitinginan kami ng mga tao. Di ko alam kung nagagwapuhan lang o nagagwapuhan talaga haha joke
"Uy ang sweet"
"Ss po sa inyo"
"Perfect couple"Sabi nung mga taong nakakakita samin. Ano ba yun? Pinagkamalan pa kaming magboyfriend ni Ayrra. Takte.. Sanay na naman kaming dalawa eh. Halos lahat ng pinupuntahan namin ganyan yung tingin samin. Mga judgemental takte...
"Nandito na tayo sa arcade, di ka pa ba papasok?" Bigla namang nagsalita itong kambal ko. Kaya medyo nagulat ako
"Oo nga noh? Hehe sige pasok na ako. Lalaro lang. Hahanapin kita after 1 hour. Bahala ka na kung ano yung gusto mong gawin." Sabi ko
"Sige. Sige. Tawagan mo nalang ako" sya
"Ok" ako at papasok na sa loob. Lumingon naman ulit ako at nakita ko syang naglalakad na paalis nang bigla ko syang tawagin
"Ayrra!" At humarap ulit sya
"Bakit" sabi naman nya
"Thank you hehe.. Yun lang. Sige na. Ingat ka. Tawagan mo ako agad kapag may nambastos sayo dun ah?" Ako. Syempre kailangan ko parin sya protektahan bilang kuya. Kapatid ko yan eh
"Haha oo na. Sige maglaro ka na dyan. Takot lang nila sakin" sya at umalis. Ako naman pumasok na sa loob at naglaro
Alex/Pam Pam's POV
Nandito na kami ngayon sa mall... Anong ginagawa namin? Naglalakad lang. Tsk.. Siguro.. Ang last na punta namin dito sa mall na ito ni Tem Tem ay nung 7th birthday namin pareho. Kung naiisip nyo masyadong OA? Pero yan yung totoo. May nangyari kasing hindi inaasahan nun dito kaya simula nun hindi na kami masyadong nakikisalamuha sa mga tao. Actually hindi naman sa ganun. Meron naman pero piling-pili at bilang na bilang. Ahh basta.. Ayaw ko namang mag-novela dito noh?
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ko kay Tem Tem
"Ahmm.. Ano nga ba?" Sya tapos tumingin sakin. Tumigil din kami maglakad para mag-isip. Hmm... Ano nga bang ginagawa dito? Hindi naman kasi pumupunta dito eh. At tsaka kung pupunta man kami dito. Sa national book store lang yung diretso namin wala na sa iba. At tsaka hindi kami kumakain sa mga ganito. Basta malalaman nyo rin
"Kung umuwi nalang kaya tayo. Ang dami ko rin kasing naaalalang di ma--" ako pero pinutol nya
"Wag mo nang isipin yun. Andito lang ako. Sayang naman yung punta natin dito kung uuwi lang din tayo bigla" sya. Sa bagay. Tama rin naman sya
"Ahmm.. Sige.. Pupunta na lang ako sa National Book Store. Sama ka?" Ako at agad syang umiling
"Ayy naku.. Libro na naman. Sige bahala ka. Ayoko pumunta dun. Siguro mag-iikot nalang ako" sabi nya at natawa naman ako. Nagsasawa na ba sya sa libro? Ang cute kaya nila joke.
"Sige. Tawagan nalang kita pag tapos na ako" bilin naman nya sakin
"Oh sige" ako at umalis papuntang NBS. Nandito na ako ngayon sa loob, maghahanap ng librong mabibili. Halos lahat naman ng nandito nasa bahay na eh. Tsk.. Adik lang talaga ako sa libro. Iniisip ko tuloy si Tem Tem. Ano na kayang ginagawa nun? Baka maligaw pa yun dun. Haha joke. Malaki na naman yun. Kaya na nya mag-isa.
End of Chappy*^▁^*
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...