Alex/Pam Pam's POV
Kasama ko si Syran dito sa field. Inaya nya akong lumabas kanina kasi wala daw klase. At totoo ngang walang klase. Di ko nga alam kung sang lupalop nya nalaman yung balitang yun eh. Ang galing lang. Haha. Bat ako sumama sa kanya? Hmm... Wala lang. Bored nako sa room eh. Di pako makapagbasa ng ayos kasi maingay kaya sumama ako. No malice ah? Wala kaming ginagawang masama! But... Bakit ang defensive ko ata? Ayy ewan!
"Alex naman.. Bitaw-bitawan mo naman yung libro mo. Kahit ngayon lang. Nako, nakakalabo din kaya ng mata yung basa nang basa. Tsaka nakakapagod ka na ring panoorin eh" daldal nitong katabi ko. Napatingin naman ako sa orasan ko. Oo nga noh? Halos mag-iisang oras na pala akong nagbabasa. Eh ano naman? Tiningnan ko naman sya
"Bat mo naman ako pinapanood?" Tanong ko. Napakamot naman sya sa batok nya
"Wala lang. Ang cute mo kasing panoorin. Hehe" sya at napairap ako
"Ewan sayo" sabi ko nalang. Nakaka-flatter naman kasi... Pero alam ko naman na cute ako noh? Hahaha lels. Nagulat nalang ako nang kunin nya yung libro ko at tumakbo.
"Hoy! Akin na yan? Papansin ka?" Sabi ko sa kanya habang nakatingin sa kanya ng masama
"Grabe ka naman. Hindi ba pwedeng kinuha ko lang to para habulin moko? I-i mean, para gumalaw-galaw ka naman! Ang taba taba mo na nga, hindi ka pa nage-exercise" sya at tawa nang tawa. Napasimangot naman ako
"Anong sabi mo?! Hoy FYI hindi ako mataba! Patay ka saken!" Sigaw ko at hinabol ko sya. Buset sya. Nakakapikon yon ah?
Tumawa lang sya at tumakbo. Naghabulan kami nang naghabulan paikot dito sa field hanggang sa hiningal nako. Baka atakihin ako bigla. Kaya pumunta lang ako sa pwesto namin ni Syran at uminom ako ng tubig sa tumbler ko.
"Ano? Suko na agad? HAHAHAHAHA!" Sya at tinabihan ako. Inirapan ko lang sya
"Hindi naman ako... Kasing lakas mo" ako at huminga ng malalim.
"Bat kaya lahat ng matataba mabilis hingalin? Hmm..." Sya at animoy nag-iisip. Sinamaan ko lang sya ng tingin
"Nag-iisip ka pa, eh wala ka namang isip HAHAHA" ako
"Huwaw~~ porque matalino ka huh?" Sya at nakitawa nalang rin. Natahimik naman kami saglit. Tiningnan ko sya at nakatingin din pala sya sakin. Yung mga mata nya..... Ilong... Labi... Tsk.. Perpekto! Gwapo... Kaso, playboy-_- pero mabait naman sya. Feel ko lang talaga na mabait sya...
"Uhm.. Ale---" sya pero pinutol ko
"TAYA! HAHAHAHA" ako at sinimulan nang tumakbo. Tumayo na din naman sya at hinabol ako.
Pumunta ako sa dulong parte ng field, dahil malayo yun sa pwesto namin. Para na rin makapag-pahinga ako saglit. Pinanood ko naman si Syran habang tumatakbo, napansin ko na parang nawala yung pagod ko. Napangiti ako sa dahilang yon. Para sakin kakaiba itong lalaking toh. Nagagawa nya akong patawanin sa mga panahong nababadtrip ako, oo nagagawa yun ni Tem at ni Sanayrra pero iba yung dating sakin nung kay Syran. Parang... May power sya na sakin lang gumagana. HAHAHAHA. At ramdam ko sa lalaking ito yung sinseridad, the way na pinupuri nyako, at the way na pinapagaan nya yung loob ko kapag stress nako. Ramdam ko na wala iyong halong biro. Nakakapagtaka lang rin na nagkaroon ako ng tiwala sa kanya, kumbaga sa isang stranger, para syang stranger na may sincerity HAHAHA basta ewan! Masasabi ko na rin na special sya para sakin
"Malapit nako!" Nagising ako bigla sa ulirat dahil sa sigaw na yun, at nakita kong paparating na si Syran. Kaya dali-dali nakong tumakbo.
Ilang minuto rin kaming naghabulan. Minsan ako yung taya, at minsan sya. Wala kaming pakialam kung sino man yung makakakita. Para nga kaming mga bata eh. Naupo ako bigla dahil sa pagod pero hindi mawawala sakin yung ngiti dahil sa saya na nararamdaman ko ngayon. Hinihingal ako pero hindi ko yun ramdam dahil sa lalaking kasama ko ngayon. Para syang inhaler na ginagamit ko. Iniabot naman nya yung kamay nya sakin at saka nya ako itinayo
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...