Tristan/Tem Tem's POV
Nakauwi nako ng bahay at nadatnan ko si Pam na tahimik na kumakain. Nakapag-palit na naman sya ng damit nya at ako, basang-basa pa. Kaya dumeretso agad akong kwarto ko at saka nag-shower at nagbihis. Bumaba rin ako agad para masabayan ko sa pagkain si Pam kaso tapos na sya at nakaupo sa couch habang nagbabasa. Medyo nasaktan ako dahil dun pero wala nakong nagawa kundi kumain lang ng kaunti. Halos magmukhang kweba itong bahay dahil wala manlang may balak mag-ingay. Ang maririnig mo lang ay yung tunog ng mga kutsarang hawak ko at yung paghuhugas ng pinggan nung maid. Natapos nakong kumain at saka uminom ng tubig at nag-toothbrush. Nilapitan ko rin naman agad si Pam sa sofa. Pero medyo lumayo sya
"P-pam.. Im really sorry. Kung hinatid lang sana kita kanina, edi sana walang nangyari sayo" ako at tumungo
"K lang. Nailigtas naman ako ni Syran" walang ganang sabi nya habang sa libro parin nakatingin
"H-hindi ko na uulitin.. Im sorry" ako at hinawakan ko ang isang kamay nya. Hindi naman sya nagalit pero tumahimik sya
"Alam mo bang kanina, iniisip kong ikaw yung magliligtas sakin kasi akala ko na-recieve mo yung tawag at text ko. Ikaw lang kasi ang alam kong knight and shining armor ko simula nung mga bata pa tayo, pero nasan ka kanina? Hindi ito yung unang beses na iniwan moko Tem. Pero hindi ka manlang ba natakot na baka may mangyari saking masama? Kapag nagagalit ka, iniintindi ko kasi alam kong nag-aalala ka para sakin. Pero sana maintindihan mo rin ako hindi yung may gana ka pang hayaan akong umuwi mag-isa" sya at tumingala para mapigilang tumulo yung luha nya. Napakagat ako bigla sa labi ko at tuluyan nakong naiyak
"So-sorry..." Tanging nasabi ko at tumayo. Gusto ko munang lumabas. Nasa pinto nako nang bigla ulit syang nagsalita
"Iiwan mo ulit ako? Hahayaan mo ulit ako?" Sabi nya at naramdaman ko yung pagyakap nya sakin mula sa likod ko. Lalo lang akong naluha
"La-lalabas lang ako..." Ako at inalis yung mga braso nya
"Pinapatawad na nga kita, mag-iinarte ka pa dyan" sya at bahagyang natatawa. Hinarap ko naman sya at lalo syang natawa nang malakas. "Ang panget mo Tem pag-umiiyak HAHAHAHAHA!" sya at imbis na mapikon ako ay nakitawa nalang ako sa kanya. Akala ko naman mahirapan akong suyuin sya. Hindi ko naman kasi ugaling manuyo eh. Di ko alam yung sasabihin ko-_- bigla naman syang tumigil sa pagtawa at tiningnan ako ng masama
"Luh?" Ako at nagsimangot
"HAHAHAHAHAHA" tawa ulit nya. Kaya niyakap ko sya
"Tss.. Basta sorry" sabi ko nalang at tinapik nya naman yung likod ko
"Basta wag mo nang uulitin yon. Tsaka nangyari na kaya wag mo na sisihin yung sarili mo" sabi nya at kumalas sa pagkakayakap ko. Ngumiti naman ako at ganun din naman sya
"May sasabihin ako sayo" ako at umupo ulit sa sofa. Hindi ko alam pero napangiti ako. Hindi ko rin naman kasi ugaling magtago ng sikreto sa kambal ko
"Ano yun? Tungkol san? Or should i say.. Tungkol KANINO?" Sya at ngumisi. Napailing naman ako
"Tungkol kay Sanayrra" ako at napangiti ulit. I dont know the reason why i smiling like an goofy right now.. Tss.. That girl..
"Nakooo!! Para yatang kakaiba ang ngiti ng kambal ko?" Sya at tinabihan ako habang taas baba nang taas baba yung kilay
"Para kasing hindi kapani-paniwala eh" ako at napahawak sa baba ko na animoy nag-iisip
"Eh ano nga kasi! Ang tagal naman!" Reklamo pa nya
"Wag ka ngang atat! Ito kasi yun.. Kanina naiwan kami sa room tap--"
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...