OA 10.

8 1 0
                                    

Sanayrra's POV

Nakaupo ako sa couch at nagbabasa ng libro. Napaisip nanaman ako dahil sa nangyari kanina.... Di kaya... No.. Hindi. Walang ganung sakit si Alex. Tsk... Nakakaasar naman eh. Naniniwala naman ako sa kanya kasi kaibigan ko sya pero bakit ganun? Parang may doubt na gustong pumigil sakin?

"Ayrra" napaangat naman yung ulo ko. At dahil sa inis ko, hindi ko na alam ang sinabi ko

"Oh?!!" Pasigaw na sabi ko. Ehh? Sorry.. Na carried away lang

"Ayy? Galit sya oh? Sige wag nalang. Ayoko nang dumagdag pa sa pinoproblema mo" Syran at akmang aalis

"Hoyy! May iniisip lang ako. At nadala lang ako dahil naiinis ako sa iniisip ko" sabi ko dahilan ng pagkunot ng noo nya

"Huh?" Tanging sagot nya habang nakakunot ang noo. Ang panget eh.. Parang alien hehe charr charr..

"Basta yun na yun. Tsaka ano ba yung kailangan mo?" Ako

"Wala. Nakalimutan ko na hehe" sya at patakbong umakyat sa taas. Napakamot nalang ako ng ulo ko at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Ilang minuto pa ang nakalipas napatingin naman ako sa wall clock namin at..... 12:15 na? Ang tagal ko na palang nagbabasa dito tapos hindi manlang ako tinawag ni Syran? Napatingin naman ako sa taong bumababa ng hagdan. -_- -_-### Nakabihis na sya at nakangising tumingin sakin bago tumungo sa kusina para kumain. Pero bago palang sya makapunta ng kusina ay nahablot ko na agad yung manggas ng polo nya at hindi naman sya pumalag pagkat nagulat pa sya

"A-ayrra... May problema ba?" Syran nang nanginginig ang boses

"Bakit hindi mo ako sinabihan na alas dose na pala?" Inis na tanong ko

"Eh kasi kanina parang naiinis ka. Ayoko lang madamay sa pagkainis mo kaya di na kita ginulo" parang batang nage-explain at nakanguso pa

"Ba't ka nakanguso?" Nakabusangot parin na sabi ko

"Wala lang. Hehe acting lang" sya at akmang babatuhin ko na sya ng cellphone ko dahil kinuha ko sya galing sa bulsa ko. Pero agad syang nakatakbo papunta sa likod ni Papa.. Oo ni Papa kasi kapag kay Mama sya pumunta. Baka itulak pa sya nito papunta sakin. "Papa... Ayrra away ako" parang batang nagsusumbong at may paturo-turo pa sa pwesto ko

"Ayrra... Tama na yan. Baka magkasakitan pa kayo" Papa. At napatingin naman ako kay Syran na pasimpleng dinilaan ako. Binigyan ko naman sya na 'UUPAKAN KITA MAMAYA' look at aba... Di natinag. Nginisian pa ako. Babalatan ko sya ng buhay mamaya. Syempre joke lang

Patakbo naman akong umakyat sa taas papuntang kwarto ko para maligo. Ilang minuto pa ay Lumabas na ako ng cr at nagbihis ng uniform. Nag-ayos lang ako saglit at nagsuot ng sapatos. Pagkatapos ay patakbo akong bumaba at nakita ko namang tapos na silang kumain. Ang sakit naman nun... Hindi manlang ba nila ako hinintay? Charr.. Arte ko buset

"Ayrra. Kain ka muna saglit" mama

"Hindi na Ma.. Tsaka anong oras na oh. Babaunin ko nalang yan" sabi ko at inayos agad ito ni Mama. Nagtoothbrush nalang ako at nag-ayos ng mukha. Pulbo lang tsaka konting-konting liptint. Hehe maharot ako eh yah know? Tsaka pampapula lang. Minsan lang naman ako maglagay nun eh. Pagbigyan nyo na

"Oyy tara na" Syran

"Wait lang atat?!" Sigaw ko naman sa kanya habang nilalagay yung baunan ko sa bag. Nang mailagay ko na ay kiniss ko lang si Mama at Papa sa pisngi at patakbong lumabas.

"Tsk.. Ang bagal eh" reklamo nya at kinuha ang bag ko.

"Tse! Maaga sana ako matatapos kung inagahan ko lang yung kilos ko!" Singhal ko naman sa kanya habang papasok ng kotse

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon