Sanayrra's POV
Isang buwan na simula nung matamaan ako ng allergy ko and it was hell!! Pero di naman masyado kase binantayan ako ni Tristy~ *tawang lokaret* nakakakeleg!!! So ito na nga. Nalalapit nanaman ang quarterly exam at todo review na ang lola mo. Pero hindi pa naman ganun kalapit. Siguro next next week pa. Or lets just say na sa katapusan pa yung exam. Its just a normal day and wala kaming klase ngayon sa biology and physics. Hahaha ang saya lang kase nakapagpahinga naman yung utak ko. Balak ko nga sanang makipagdaldalan kay Alex kaso wala sya eh. Asan na nga ba sya? Pati si Syran wala den. Hmm.... I smell something fishy ahahahahayyyy~~ hayaan na nga naten, baka magkasama sila. Katabi ko naman ngayon si Tristan pero as if naman na makausap ko to diba? Tinotopak kasi ng coldness nyang attitude eh
"Sanayrra!" Sigaw naman ng kaklase kong si Liam. Tsk.. Istorbo.
"Oh? Bakit?" Ako
"Sali ka?" Tanong nya pa
"Saan?" Balik tanong ko den. Hahaha ayos ng usapan ah? Bobohan pa
"Spin the bottle tapos truth or dare" parang batang sabi nya. Sa totoo lang i find him cute when he express his childish side. Kase hindi mo naman maipagkakaila na cute talaga sya. At alam nyo ba? May napapansin talaga ako sa kanya... Basta haha. Nag-isip muna ako ng ilang segundo bago ako sumagot.
"Sige" tipid kong sagot. Nabo-bored na din ako eh. Tapos nag-form na kami ng circle habang nakaupo sa sahig. Napansin ko namang nakatingin lang samin si Tristan, kaya tinawag ko sya para sumali "oy Tristan, sali ka?"
"No" mahina nyang sabi kaya hinayaan ko nalang, pero pinilit syang pasalihin ng mga kaklase namin kaya wala syang nagawa. Umupo na rin sya sa tabi ko nang nakasimangot. "Why am i doing this? I dont either have the plans of dealing with this people" sabi nya na buti ako lang ang nakarinig. Tss.. Arte eh
"Huwag kang maingay. Marinig ka pa ng mga yun. Tsaka hindi ka magkakaroon ng kaibigan kung ganyan ka." Sermon ko naman
"I dont need friends at the first place" malamig naman nyang tugon. At napairap ako.... Hmmm.. Naisipan ko namang mag-inarte hahaha
"So anong meron sating dalawa?" Malungkot kong tanong at nag-sink in agad sa utak ko na baka iba yung maging meaning ng tanong ko kaya binago ko agad "i mean, anong tawag mo sakin?"
"Ikaw? Malay ko. Di ko nga alam kung bakit kita kinakausap eh" sya at ngumisi
*pak!!* palo ko sa balikat nya
"Aray! Bat ka nananakit?!" Sigaw nya habang hinihimas yung balikat nya
"Ansama mong tao ka!" Sigaw ko din sa kanya
"Bawal magbiro?" Sya at natatawa
"Makisama ka nalang kase" ako at inirapan sya. Bumuntong hininga naman sya
"Ok fine" sya
"Ehem" pagsingit ni Liam "tapos na ba kayo mag-away? Baka pwede na tayong magsimula?" Tanong nya
"Ayy... Sorry. Sige na" nahihiyang sambit ko. Tapos nagsimula na kami. Madami na din yung na-truth or dare sa mga kaklase namin pero hindi parin ako natataya. Ilang minuto na din yung lumipas mga 30 mins din siguro. Hindi pa ako tapos sa pagchi-chika ko dito nang matapatan na ako ng bote
"Oyy Sanayrra, its your time to shine*^O^* truth...... or dare?" Nakakakabang tanong sakin ni Liam.
"Ahm... Truth nalang siguro" ako tapos nag-discuss muna sila kung ano yung itatanong sakin.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...