OA 8.

14 2 0
                                    

Sanayrra's POV

Nakapangalumbaba lang ako buong klase. Nakakainis pa kasi paulit-ulit sa isip ko yung nangyari kanina. Yung... Yung... Yung nahawakan ni Tristan yung kamay ko!! Ang OA ko ba? Sorry. Alam ko naman na hindi dapat gawing big deal yun eh pero babae rin naman kasi ako. Marupok... May kahinaan.. Mabilis maattach. Tsk..

"KRIIIIING!!!"

Salamat naman at uwian na. Hindi ko na talaga kaya yung simoy ng hangin sa room. Tapos yung nangyari pa kanina. Haysss!! Nakakahiya talaga. Isama na rin natin itong katabi ko na akala mo nagbabaga sa aura nya hindi ko na sya pinansin at tumungo ako sa desk.

"Tara na"

"Ayrra"

"Oyy! Tara na. Uwian na"

"SANAYRRA GONZALES!!"

"Ayyy boses palaka!! Sino ba yun?!" Ako at napaangat ang ulo ko at luminga linga. May nakita akong lalaking nakatayo sa tabi ko kaya inangat ko ang tingin ko. Si Syran pala. Kanina nya pa ba ako tinatawag?

"Wow ha? Sa ganda ng boses kong toh naging boses palaka pa?" Sya at umiiling

"Tsss.. Tara na" ako at naunang naglakad palabas ng room. Bahala sya. Wala ako sa mood

"Huyy!! Badtrip sya eh. Bakit?" Sya at nagpapacute pa sa harap ko. Napairap nalang ako sa kawalan

"Ang panget mo tumigil ka dyan" bored na sabi ko

"Ayy? Aba nga naman. Nagbibinata na yung kam--- Sanayrra ko ah? Lumalalim  na ang boses eh" natatawang sabi nya. Hinampas ko naman sya sa braso. At binilisan ko ang paglalakad. Ganun kasi yung pang-asar nya sakin kapag badtrip ako. Ewan ko ba sa boses ko. Lumalalim kapag nawawala ako sa mood. Hindi naman sa boses lalaki. Yung bumababa lang. Ewan ko kung bakit. Ang galing naman kasi ng kambal ko. Nang-aasar pa kapag badtrip ako. Hindi ba pwedeng i-comfort nalang? Yuck!! Ang arte ko buset

"Oyy!! Bakit nga? Bakit ka badtrip? Sanayrra... Ayrra... Bakit?" Sya habang kinakalabit ako. Para syang batang gustong magpabili ng laruan sakin.

"Manahimik ka nga" saway ko

"Sige. Basta sabihin mo sakin kapag nasa kotse na tayo" sya. At tumango lang ako

Pumunta na kami sa parking lot at pumunta sa pwesto ng kotse namin. Nang makarating kami sa kotse namin agad akong pumasok sa loob at nagsuot ng earphone. Ipipikit ko na sana yung mata ko nang

"AYRRA!!!" Syran. Potek.. Ang sakit sa tenga ng boses nya. Kung ano naman ang nilakas ng tunog ng earphone ko mas malakas naman ang boses nya

"Tsk.. Bakit ba?" Naiinis na sabi ko

"Bakit ka badtrip?" Sya sabay peace sign. Feeling ko namumula na ako sa galit.

"Wag. Mo. Akong. Guluhin!" Ako

"N-nagtatanong lang naman ako eh" nanginginig na sabi nya

"Tsk.. Hindi naman big deal kaya wag mo na tanungin" ako at tumingin sa bintana

"Eh kung hindi sya big deal. Bakit ayaw mo sabihin?" Sya nang nakangisi. Ang kulit nya bwiset

"Eh sa babae rin naman kasi ako eh! May kahinaan. Marunong din naman kasi akong kiligin katulad ng ibang babae!!" Ako at nagulat ako kaya napatakip ako sa bibig ko. Pasmado.. Nadulas ako dun ah?

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Oh.... Yung nangyari ba kanina? Yung nahawakan ba ni Tristan yung kamay mo? Tama ba?" Sya nang nakangisi at sinusundot pa ako sa tagiliran.

Opposite AttractsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon