Third Person's POV
Nainip si Syran kaya lumabas sya ng kotse at nagbalak bumili ng makakain. Nang makapunta sa pupuntahan nya, agad nyang nakita si Tristan. Napangiti naman sya at saka pumunta sa pwesto ni Tristan
"Yo bayaw" ani nito. Tiningnan lang naman sya ni Tristan "para kay Alex ba yan?" Tanong nya at saka tinuro yung dala ni Tristan
"Ano namang pake mo kung para kay Alex nga to?" Malamig na tugon nya kay Syran
"I know everything" nakangiting sabi ni Syran na agad ikinangisi ni Tristan
"How come?" Sabi lang nya at saka nilagpasan si Syran.
"Alam mo naman siguro yung nararamdaman ko para kay Alex.. Diba?" Ani nito na ikinatigil ni Tristan sa paglalakad
"Ano naman kung alam ko? I thought you're happy with someone else" pangbabara nya kay Syran. Tumikhim nalang si Syran at hinarap si Tristan
"Look, gusto kitang makausap. I need your help. Promise, pagtapos nito tutulungan kita sa kambal ko. Please. Gusto ko lang makausap yung kambal mo" pagmamakaawa nito. Napabuntong hininga nalang si Tristan
"Pano kita matutulungang makausap si Pam kung ayaw nya sayo?" Sabi nya dito. Umiwas naman sya ng tingin kay Tristan.
"Ihatid muna natin yung mga kambal natin bago tayo ulit mag usap. Punta ka ulit dito mamaya. Beer tayo" sabi nya sabay ngiti
"Sa tingin mo ba mage-exert ako ng time para sayo?" Iritableng sabi ni Tristan
"Bayaw naman. Sabi ko naman sayo tutulungan kita kay Sanayrra diba?" Sabi nya at talagang pinipilit si Tristan na kausapin sya
"Fine, pupunta ako dito. Pero tulungan ako kay Sanayrra? No thanks. I can handle it" sabi ni Tristan at saka umangat ang gilid ng labi
"Tch. Ge. My treat" sabi rin ni Syran at saka sila bumalik sa parking lot at umuwi
Syran's POV
Tahimik si Ayrra habang nasa biyahe. Pero di ko na ginulo baka kasi pagod. Hinayaan ko nalang. Nakauwi na kami at dumeretso ako sa kwarto ko para mag shower saglit at mag ayos konti. Nagpalit din ako ng track pants na black at white long sleeves. Nagsuot din ako ng sumbrero na black. Lumabas nako ng kwarto ko at nakasalubong ko si Sanayrra na bihis na bihis.
"San ka pupunta?" Tanong namin pareho
"Ako muna yung sagutin mo" may kasungitan na sabi ko
"May kailangan lang kausapin" sabi nya at saka naglakad na paalis
"Umuwi kaagad pagtapos ha?" Sabi ko at nag ok sign lang sya. Nakita ko pa syang kumuha ng chips at C2 sa fridge kaya lalong kumunot yung noo ko. Pero hayaan mo na. Baka maghintay pa si Tristan dun
Agad kong pinaharurot yung sasakyan papunta sa store kung san kami nag usap. Nakita ko syang nakaupo na sa labas at may nakita akong anim na beer sa lamesa. So totoo ngang nag iinom sya. Ayos! HAHAHA
"Kanina ka pa nandito?" Tanong ko at umiling lang sya "sabi ko ako na yung bibili ng beer eh" sabi ko at umiling
"Ikaw na sa pagkain" sabi nya at napamaang nalang ako
"Bihis na bihis si Ayrra kanina. May lakad siguro yun. Ayaw nyang sabihin eh" pag-iiba ko ng topic at saka binuksan yung beer na nasa can
"Sa bahay lang yun pupunta" napakunot naman yung noo ko
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RandomMga magkakambal na iba-iba ang pag-uugali. May isang studyholic na halos hindi na mabitawan ang libro. At darating ang lalaking halos pangarapin na lahat ng kababaihan dahil nga hindi mo maikakaila na gwapo sya. Galit sya dito dahil nga sabi nila 'p...