Chapter 1"Bes, look!" Thea, my bestfriend.
"What?"
Kasalukuyan nga pala kaming nandito sa labas ng room para tingnan ang grades namin ng bestfriend ko ngayong first sem.
Eh kaso ako, tinatamad tumingin kaya nandito lang ako sa isang tabi, nagce-cellphone.
"Tingnan mo kasi to, bilis!"
Eh sa makulit ang bestfriend ko kaya tiningnan ko nalang kung ano ang pinapatingnan nya at.........
0_0
"Waaah! Oh my gosh O my gosh!" Hindi makapaniwalang sigaw ko.
Eh paano ba naman kasi, ako ang may pinakamataas na grade!
"Hoy! Hoy! Parang first time lang mag-karoon ng mataas na grade eh! Oh sya! Alis na ako, may date pa kasi kami ni Clark eh!" Sabi ni Thea then umalis.
Psh! Ba't ba patay na patay yan siya sa boyfriend nya? Eh kulang nalang nga ay i-date na rin nga ng boyfriend ni Thea ang lahat ng babaeng hayop sa sobrang pagiging chic boy eh!
Psh! Hayaan mo na nga sila Carla! Isipin mo nalang na ikaw ang may pinakamataas na grade sa buong section nyo.
Yeah.....tama ang sinabi ng bestfriend ko na hindi ito ang first time na mag-karoon ako ng mataas na grade dahil lagi naman talaga akong merong mataas na grade because.....I'm smart. That's the only word who can describe me and oh! I'm beautiful too....charrr!
"Hoy!"
"Ayy! Ang panget! Ano ba Stephan!"
"Maka pangit naman to! Akala mo siya hindi panget!"
Siya nga pala si Stephan, para na rin siyang second bestfriend ko, business partner ng mommy ko ang parents nya , chic boy, taga libre ko na rin at sobra nyang pangit! (Wag kayong maniwala, gwapo po siya)
"Eh! Ba't ka kasi nanggugulat!" sabi ko sa kanya then pinalo siya sa braso.
"Wala lang....eh ikaw, anong nginingiti mo?" tanong sa akin ni Stephan tapos nag-cross arms.
"Wala ka na dun!" Sabi ko kay Stephan tapos lumakad na paalis pero ang tigas ng ulo ng lalakeng yun dahil sumunod siya sa akin, " What?" Sabi ko kay Stephan nung hindi pa rin siya humihinto sa pag-sunod sa akin.
"Wala lang," Aba't!
"Oh! Wala naman pala eh so, stop following me, okay?" Pagka-tapos kong sabihin kay Stephan 'yun ay lumakad na ulit ako pero sa sobrang tigas talaga ng ulo ni Stephan ay sinusundan nya pa rin ako kaya hinarap ko ulit sya, "What ag-"
0_0
"Waah! I hate you! I hate you! I hate you Stephan! I hate you!"
Paano ba naman kasi! Ano, nahalikan nya ako.....sa.....sa.....sa noo!
Kainis!
Alam kong noo lang 'yun pero first time kong ma-kiss ng lalake sa noo well, except sa daddy ko.
"What?" Inosente nyang sabi.
Aba! May pa-inosente-inosente pa siyang nalalaman! Eh kung sipain ko kaya yung ano nya eh!
"Anong what? Hinalikan mo kaya ako! May pa-what-what ka pang nalalaman..... eh kung sipain ko kaya yang ano mo...." Kainis siya!
Nakuha niya 'yung first kiss ko....alam kung noo lang 'yun pero first kiss na 'yun para sa akin!
"Hoy! Accident lang kaya 'yun at kung hindi ka humarap, hindi kita mahahalikan and.....it's just on forehead, not on the lips and.....ano nga pala 'yung sisipain mo? Sisipain mo 'yung ano ko?" Tanong ni Stephan ng mapang-asar.

YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Teen FictionThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...