Carla's Pov
"Ok, class dismiss. "
"Hayy salamat!"
"Wooh! Tapos na rin! "
"Gusto ko nang mag-sem-break!"
"Oo nga! "
"Kung hindi lang sana na-delayed ang sem-break! "
"Yep! "
"You're right... "
"I agree! "
"Me too! "
Totoo ang sinabi ng isa sa mga classmates ko, na-delayed ang sem-break. Hindi namin alam kung bakit pero ang alam lang namin ay na-delayed lang ang sem-break namin. Kaya nga imbes nagbabakasyon na kami ngayon, nandito parin kami sa school at nag-aaral.
Niligpit ko na ang mga gamit ko pero habang nagliligpit ako, biglang nahulog ang ballpen ko kaya naman kinuha ko ito. Pero bago ko pa man ito makuha, may biglang kumuha dito kaya naman napatingin ako sa kung sino ang kumuha at laking gulat ko nung makitang si Drake ito. At mas nagulat pa ako nung mapansing nakaluhod pala sya sa harapan ko habang hawak-hawak ang ballpen ko at malapit ang mukha sa akin.
Sh*t!
Nasa kanya parin ang paningin ko nung tumayo sya pero nahimasmasan lang ako nung binigay nya sa akin ang ballpen ko.
"Oh! " Pagkasabi nya non ay kinuha ko kaagad sa kanya ang ballpen ko. Pero bago pa man ako makapagpasalamat kay Drake, tumalikod na sya sa akin at umalis.
Sh*t! Anong nangyare?! Bago 'yun ah?! Kanina, ang hambog nya, ngayon, nagpapakabayani na! Himala ah?!
Nilagay ko nalang ang ballpen ko sa aking bag saka akma nang umalis ng room pero bago ko pa man magawa 'yun ay bigla kong naalala si Mhor kaya naman napatingin ako sa gawi nya.
At ngayon ko lang napansin, nakatingin pala sya sa akin. Nung napansin nya sigurong nakatingin na rin ako sa kanya ay umiwas sya ng tingin at bigla na namang namutla.
Haysst! Kailan ba mawawala ang ugaling 'yan ni Mhor sa tuwing nasa paligid nya ako? Nakakairita na ha! Mahiyain na nga, medyo slow pa, takot pa sa langgam, hindi palasalita at palaging namumutla sa tuwing makikita ako.
Nakakainis na talaga ha?! Multo ba ako para katakutan nya? Hayy nako!
"Woi, uwian na. Tara?" Yaya ko sa kanya kaya naman dahan-dahan syang tumayo at sumunod sa akin nung nagsimula na akong lumakad.
"W-wait, ang bilis mong lumakad." Mabagal pero medyo patakbong paghabol sa akin ni Mhor.
"Bilisan mo rin kasing lumakad!" Ano ba 'yan! Lalake ba 'to? Masyado syang mahinhin!
"W-where are you going b-ba?" Tanong nya sa akin na medyo hingal nung nakatapat na sya sa akin.
"Sumunod ka nalang!"
"B-but, I'm t-tired." Naku! Dinaig pa ang babae sa sobrang arte! Hindi nga ako napagod eh! May pa-english english pang nalalaman!
"Sumunod ka nalang! Pasalamat ka nga dahil ikaw palang ang nadadala ko dito." Pumunta kasi kami dito sa medyo masukal na parte ng school namin. Walang masyadong pumupunta sa parte na ito kasi nga masukal. Hindi nila sinubukang puntahan ito kaya naman sinubukan kong pumunta dito. At ang swerte ko dahil may natuklasan ako. "Dito na tayo." Pagkasabi ko non ay hinawi ko ang malaking damo na humaharang sa dadaanan namin kaya nung mahawi ko na 'yun, tumambad sa amin ang isang garden. Flower garden ito at pabilog ang ayos ng mga ito habang pinapagitnaan nito ang isang parang duyan na bench. Na-imagine nyo? Basta! Garden na pabilog tapos sa gitna non ay parang duyan na bench!
YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Teen FictionThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...