Mhor's Pov
"Oh baby Mhor! Where have you been?" Tanong ni Thea sa akin nung napansin nya akong umupo sa tabi nya sa sofa.
Hindi ko nalang sinagot ang tanong ni Thea at nanatili lang akong nakatingin sa kawalan. Ewan ko rin kung bakit nangyayare ito sa akin pero, basta!
"Thea, Mhor, tara na sa kusina, nakahanda na ang pagkain natin." Tumayo na ako mula sa pagkaka-upo sa sofa, ganun din si Thea at sumunod kay tita Carly papuntang kusina at umupo sa isa sa mga bakanteng upuan.
"Asan po si Carla tita? Pati rin po si Stephan nawawala. " Bago pa masagot ni tita Carly ang tanong ni Thea ay may biglang nagsalita sa likuran ko.
"Hey guys. " Medyo seryosong bati ni Carla sa amin habang nasa likuran nya naman si Stephan, nakayuko. Ano kayang nangyare?
Umupo si Carla sa tabi ko bandang kanan at tumabi naman sa kanya si Stephan. Tiningnan ko silang dalawa at halatang hindi ok ang pag-uusap nilang dalawa.
Napansin siguro ni Carla na nakatingin ako kaya naman napatingin sya sa akin at ngumiti. Ako naman ay nagulat pero ngumiti nalang din sa kanya.
"Ok, let's eat tutal kompleto na tayo. " Sabi ni tita Carly sa amin nang nakangiti.
Nang matapos na kaming kumain, nagpaalam na si Thea at si Stephan, ihahatid pa kasi ni Stephan si Thea sa bahay nito dahil sumabay ito kay Stephan papuntang bahay nila Carla.
At ako naman, naiwan dito sa bahay nila Carla dahil tinulungan ko pang magligpit ng pinagkainan ang mommy ni Carla at kahit na binabawalan ako ni tita Carly, hinugasan ko parin ang mga platong pinagkainan namin.
"Hey. " Nagulat ako dahil biglang may nagsalita mula sa likuran ko, si Carla lang pala at mukhang nakapalit na ng pantulog dahil naka-pajama na sya.
"H-hey." Sabi ko nalang rin sa kanya habang pinagpapatuloy ang pagbanlaw sa mga sinabunan kong plato.
Napabuntong hininga si Carla at hindi ko alam kung bakit sya napabuntong hininga.
"Will you please stop that?" Ha? Pinapatigil nya ba ako sa paghuhugas ng plato?
"No, it's o-ok. Malapit ko na rin 'tong matapos."
Napa-face palm si Carla dahil sa sinabi ko. What does she mean ba sa sinabi nyang "Will you please stop that?"?
"Hindi 'yan. I mean... Hayst! Palagi ka nalang kasing nauutal kapag kausap kita. Kung hindi ka nauutal, minsan namumutla ka, minsan naman namumula. Ano bang meron at nagkakaganun ka? Palagi nalang eh! Kapag kinakausap kita, kapag nagkikita tayo, palagi kang ganun. Ewan ko ba, nawi-weirdo-han ako sa'yo. Feeling ko tuloy takot ka saken, namumutla ka minsan kapag nakikita mo ako eh. " Napatitig lang ako kay Carla dahil sa sinabi nya. So I made her feel like that? Ganun ba talaga ako sa tuwing nakikita ko sya? Oh yah, ganun nga pala ako palagi sa kanya.
"S-sorry." Napayuko nalang ako habang tinatapos ang paglilinis sa lababo.
"You did it again, hayst. "
"I'm... Sorry. "
"Yown! Kaya mo rin palang hindi mautal eh! " Nagulat ako dahil hinampas nya ang balikat ko. Napatingin ako sa kanya at nakangiti sya sa akin. Kaya naman nginitian ko din sya.
Damn! Her smile!
"Ang gwapo mo pala kapag ngumiti?" Sabi ni Carla sa akin habang nakangiting nakatitig sa akin. Hindi ko namalayang umiinit na naman ang pisnge ko. Damn! So gay! "Are you... Blushing? " Nagtatakang tanong ni Carla habang tinitingnan ang namumula kong pisnge. "Wait! You are! " Natatawang sabi ni Carla at pinisil ang pisnge ko.
"Stop doing that, please. " Pagpigil ko kay Carla sa pagpisil sa pisnge ko.
"Why? Ang cute mo kaya kapag nagbu-blush ka. " Pinagpatuloy lang ni Carla ang pagpisil sa pisnge ko. "Why are you blushing by the way? Crush mo 'ko 'no? Yieee!"
"No! It's not like that. So please, stop pinching my cheeks. " Pagmamakaawa ko kay Carla na itigil na ang pagpisil sa pisnge ko.
"Ok! Ok! I'll stop hahahaha! " Natatawang sabi ni Carla at tinigil nya nga ang pagpisil sa pisnge ko.
Naghugas muna ako ng kamay at pinatuyo ito. Kinuha ko narin ang gamit ko na nakalagay sa dining table at nagpaalam narin kay Carla.
"Bye. Uwi na ako. Thank you for the dinner." Sabi ko nalang kay Carla at akmang aalis na.
"You're going home agad? It's 7:15 palang naman ah. "
"Kasi-"
"Oh ijo, uuwi ka na rin? " Si tita Carly na pababa ng hagdan, bihis na bihis at mukhang may pupuntahan.
"Yes po tita. Baka hinahanap na po kasi ako ni mom at dad, hindi po kasi ako nagpaalam. "
"Don't worry ijo, sinabi ko sa kanila na nandito ka sa amin. So no need to worry. "
"Pero tit-"
"Dito ka muna please, ijo? Samahan mo muna si Carla?" What? Samahan?
"Why mom? May pupuntahan ka? " Tanong ni Carla sa mommy nya.
"Yes anak. "
"Business meeting?"
"Y-yes. "
"Again? "
"W-well, ganun talaga anak. Marami kasing projects ang company. "
"Ah ganun po ba? "
"Yes anak, so will you please excuse me, baka ma-late ako eh." Napatingin sa akin si tita Carly. "Ikaw muna bahala kay Carla ijo ah?"
"Pero tit-" Bago ko pa man maituloy ang sasabihin ko ay tuluyan nang nakaalis si tita. Hayst!
"So, mukhang ginawa ka nang babysitter ni mommy ah?" Natatawang sabi ni Carla habang naglalakad papuntang sala. "Palagi nalang kasi ikaw ang ginagawa nyang tagabantay ko hahahaha! " Sumunod nalang din ako kay Carla sa sala at umupo rin sa sofang inuupuan nya, pero sa kabilang side.
Binuksan ni Carla ang laptop nyang nakapatong sa center table at nanood na naman ng despicable me. Hayst. Mahilig talaga sya sa minions.
Napatitig lang ako sa kanya habang nanonood sya at napatingin ako sa suot nyang bracelet. Nagulat ako dahil ang suot nyang bracelet ngaypn ay ang bracelet na binigay ko sa kanya.
Iningatan nya ang bracelet na binigay ko. Tinupad nya ang hiling ko sa kanyang ingatan ito.
Dahil sa sobrang tuwa na nararamdaman ko ngayon, hindi ko maiwasang magtanong kay Carla tungkol sa bracelet. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan kung bakit nya ito iningatan.
"Uhm... Carla? "
"Hmm? " Sabi lang ni Carla sa akin dahil tutok na tutok sya sa pinapanood nya.
"Kanino galing ang... suot mong bracelet? Mukhang luma na kasi." Medyo kupas na rin kasi ang kulay ng silver at ang kulay gold din na pendant nun ay medyo kumupas na rin.
Sumeryoso si Carla at tinigil ang panonood at tumingin ng seryoso sa akin at napabuntong hininga.
"G-galing ang bracelet na 'yan sa special someone ko. " Wait, what did she say?
"Special... Someone? " Ewan ko ba pero may biglang kumalabit sa puso ko at ang bilis ng pintig nito.
"Yes, special someone. I met him sa probinsya ng grandparents ko. Naging friend ko sya dahil ang bait nya at masayahin. Binigay nya sa akin ang bracelet na 'to dahil gusto nyang ingatan ko ito kapag magkita ulit kami, dapat suot suot ko parin ito. Pero simula nung namatay ang grandparents ko, hindi na ako nakabalik ulit sa probinsya nila at hindi ko na sya nakita ulit. " Pinunasan muna ni Carla ang luha nya. Wait, she's crying? "Tapos nung nag-highschool ako, palagi kong pinipilit si mommy na magbakasyon sa probinsya nila kapag summer dahil I'm hoping na magkikita ulit kami. Pero hindi pala. Hindi na sya bumalik. " At doon na humagulgol si Carla.
What? Bumalik sya? Binalikan nya ako?
*********
Okieee! Bumabawi parin ako sa inyo guys!

YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Novela JuvenilThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...