Chapter 4
"Ano ba yan Thea, ba't ang tagal mo?"
Inangat ko ang ulo ko para makita ko ang lalake at......
0///////0
Omo! Ang gwapo nya!
"Oh! Insan! Ba't andito ka?" tanong ni Thea sa lalake at wait, p-pinsan ni Thea ang lalake na 'to?
Omo! Napagkamalan ko pa naman syang babae, tibo at transgender!
The F! Ang gwapo nyaaaa!!!
"Eh ikaw, ano pang ginagawa mo dito? Kanina pa kaya kita inaantay ah!"
Napaharap sa akin ang lalake at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.....what the?!
"At sino naman 'tong kasama mo?"
Taas kilay na tanong ng pinsan ni Thea, dinaig pa ang mga babae sa pataasan ng kilay ah! Ang taray!
"Insan, bestfriend ko pala, si Carla, bes, si Drake, pinsan ko. "
Inilahad ko ang kamay ko kay Drake para makipag-hand shake pero tiningnan nya lang ito.
Bastos rin to ah!
"Alam mo Thea, sumosobra na to-"
"Oy! Hi guys!" Napatingin ako sa binati ni Thea at....
'Yung asungot lang naman pala at si Mhor.
"Hi Thea," Napatingin sa gawi ko si Stephan at nag-hi rin sa akin. "Hi, SUNGET! Haha!"
Haysstt!! Bw*s*t din 'to ah!
"Ikaw, kanina ka pa Stephan ha!"
Nilapitan ko si Stephan at akmang sasapukin ko siya pero bago ko pa magawa 'yun ay biglang nagsalita ang masunget na pinsan ni Thea na si Drake.
"And who the h*ll are they Thea? Are they your suitors? Did Tita Tamara told you that you can't accept suitors because yo-"
Hindi na napatapos ni Drake ang kanyang sinasabi dahil nagsalita si Thea.
"Yeah, yeah....because I have to finish my education first to have a better life. I knew it already because mom said that to me in thousand times!"
Ganun? Kung alam lang ni Drake at tita Tamara na marami nang naging boyfriend itong si bes ko, ewan ko lang.
"Maka-h*ll naman 'to! Ano 'to pare, bastusan?! Thea, sino ba sya?" Tanong ni Stephan kay Thea habang tinitingnan ng masama si Drake.
"Uhm, pins-" Thea
"Pinsan lang naman ako ng taong nililigawan mo," Sabi ni Drake at tinuro si Stephan.
Ano?! Si Stephan? Nililigawan si Bes ko?!
Imposible!
May iba kayang gusto si Stephan kaso hindi nya lang sinasabi sa amin!
"Excuse me?! Ito?" Sabay turo ni Stephan kay Thea. "Liligawan ko? No way!"
"Oo nga, as if naman na sasagutin ko 'tong si Stephan. At excuse me lang insan ha, they are not my suitors lalong-lalo na 'yang si Stephan dahil may gusto na 'yang iba and besides..... they're just my friends!" Thea.
Napatingin ako kay Stephan at napansin kong nakatingin sya sa akin pero bigla rin syang umiwas ng tingin. Anyare dun?
"Ok, fine, they're not your suitors! But if I heard that you have suitors, I'll tell that to Tita Tamara,"
Taray!! Grabe pala ka-protective na pinsan nitong si Drake! Pero, hindi pa ba sila titigil sa pagtatalo? Gutom na kaya ako!
"Uhm, guys?" Tumingin silang lahat sa akin. "Can we eat? Beacause I'm starving,"
"Sige, payat," Stephan
"Bw*s*t ka rin ano?!"
Akma ko sana syang suntukin kaso umiwas sya kaya ang natamaan ng suntok ko ay si Mhor na nasa likuran nya.
"Oh my gosh!" Lumapit ako kay Mhor, "I'm sorry!"
Hinawakan ko ang mukha ni Mhor para matingnan ang tinamaan ng suntok ko. Medyo namula ito.
"I-it's ok" Pagkasabi nun ni Mhor ay tinanggal nya ang kamay ko na nakahawak sa mukha nya at biglang nag-blush.
Huh? Nag-blush? Nag-blush na naman sya!
Ano bang nangyayare dito kay Mhor?!
Hayaan mo na nga Carla, ang mahalaga ay ang madala mo si Mhor sa clinic para magamot na ang sugat sa kanyang pisnge dahil sa suntok ko.
"No! It's not ok! Kailangan muna kitang dalhin sa clinic para magamot 'yang sugat mo and besides, kasalanan ko naman."
Tumingin ako sa ibang kasama namin.
"Uhm...guys, dalhin ko lang muna si Mhor sa clinic, mauna na kayong kumain."
"Are you sure bes? Pwede rin naman namin kayong antayin." Thea.
"No, it's ok, mauna na kayong kumain. Sige guys, mauna na kami ni Mhor."
"I'm going with you guys," Stephan
"No!" Pagbabawal ko kay Stephan.
"Bakit? Kaibigan ko naman 'yang si Mhor eh, bakit bawal?" Pagkasabi nun ni Stephan ay inakbayan nya si Mhor. "Right, Mhor?"
"Uhh, oo," Pagsang-ayon ni Mhor.
"Basta! 'Wag ka nang sumama Stephan. And besides, kung hindi mo iniwasan ang suntok ko, e 'di sana, hindi si Mhor ang natamaan. Kaya, ba-bush! Tara na Mhor."
Kumapit ako sa braso ni Mhor ang tinitingnan si Stephan patalikod at inerapan ko lang sya.
Pumara ako ng taxi na masasakyan namin ni Mhor at habang nasa byahe kami papunta sa malapit na clinic, napansin ko na sumusulyap sa akin si Mhor nung napatingin ako sa kanya kaya umiwas sya ng tingin.
Nagtataka na talaga ako sa Mhor na 'to. Ang weird nya kapag ako ang kasama nya pero kapag iba ang kasama nya, hindi naman.
Wala akong magawa habang nasa byahe kami kaya inikot ng mata ko ang loob ng taxi.
Malinis naman, hindi katulad ng ibang taxi na marumi.
Napunta ang tingin ko sa seat belt ni Mhor at hindi pa ito naka-buckle. Ano ba 'to si Mhor, sumasakay sa kotse ng hindi naka-buckle ang seatbelt?
"Ahh, Mhor, 'yung seat belt mo, hindi pa pala nakakabit. "
Pagkasabi ko nun ay inabot ko ang seat belt para sana i-buckle iyon pero sa kasamaang palad, kamay ni Mhor ang nahawakan ko na may balak rin palang i-buckle ang kanyang seat belt.
Napatingin ako Kay Mhor dahil hindi sya gumalaw nung nahawakan ko ang kamay nya.
Nanlalaki ang mga mata at namumutla si Mhor nung tiningnan ko sya. Gulat ang nakikita ko sa kanyang mata at pangamba.
Pangamba? At bakit naman?
Nanatili kami sa ganung ayos ng isang minuto at bago lang kami bumalik sa aming sarili nung napagtantong narating na namin ang aming destinasyon.
******
"OK lang naman sya ma'am, meron lang po syang konteng pasa sa pisnge pero ok lang po sya ma'am. " sabi ng nurse.
"Ahh.... Sige po, " sabi ko sa nurse.
Mabuti naman at hindi na tinanong ng nurse nung bakit nagkaroon sya ng pasa.
Bumalik na kami sa aming mga kasama sa mall pero, wala na sila dun?
Eh saan naman kaya sila pumunta? Sabi nila aantayin nila kami?
Hayysst!
Humarap ako kay Mhor at nagsalita.
"Well, I guess, tayong dalawa nalang ang magkasama ngayon, "
******
Guys! Did you like it? Did you like it? Well, I hope you like it! Haha!!
YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Fiksi RemajaThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...