Chapter 19

2 3 0
                                    

Carla's Pov

"Why do you ask by the way? " Tanong ko kay Mhor matapos kong punasan ang mga luha ko.

"Uhm. Nothing, nothing. Natanong ko lang. "

"Is that so? " Tumango lang sa akin si Mhor at yumuko. Tinitigan ko lang si Mhor at maya-maya lang, biglang may nabuong maliit na ngiti sa kanyang mga labi.

That smile, it looks familiar.

"Uyy Jake! 'Wag mo 'kong bitawan! " Sigaw ko kay Jake habang tina-try kong i-balanse ang bike na sinasakyan ko ngayon.

"Pa'no ka matututo nyan kung hindi mo i-try nang walang alalay? " Hmm. Fair point. Pero kasiiii!

"Eh basta! 'Wag mo akong bitawan, baka mahulog ako. " Hindi ko narinig na nagsalita pa si Jake pagkatapos kong sabihin. Natahimik sya at tila malalim ang iniisip kaya naman napahinto ako sa pag-pedal. At dahil nga nakaalalay sya sa akin, napahinto rin sya. "Ba't ang tahimik mo? " Tanong ko sa kanya nung tumingin sya sa akin at halatang nagtataka kung bakit ako huminto.

"Ha? Wala wala! Iniisip ko lang kung paano ka sasaluhin kapag nahulog ka na. " Then he smiled. That smile. 'Yan ang dahilan kung ba't ako nahulog sa kanya. Kay Jake.

"J-jake? " Nanlaki ang mga mata ni Mhor nung banggitin ko ang pangalan ni Jake.

He looks so... Familiar. Nung first day na na-meet ko sya, napansin ko na ito eh. May pagkahawig sya kay Jake. His hairstyle, his eyebrows, his nose, his lips, pati 'yung peklat sa noo ni Jake. Ano 'yun? Nagkataon lang? Parehas silang may peklat sa noo?

"W-who's J-jake? " Utal na tanong ni Mhor.

Desperada na kung desperada pero gusto kong malaman kung sya nga ba talaga si Jake o sadyang nagkataon lang na may kahawig sya.

"Don't lie Jake, I know it's you. " Sh*t! Tears again!

"I-I don't know what you're saying. " Depensa nya at napalunok. Ha! He's lying!

"Please d-don't lie, alam kong ikaw 'yan Jake. Hindi mo ba ako natatandaan? Hindi mo na ba ako natatandaan? " Lumapit ako kay Mhor na si Jake pala at hinawakan ang isa nyang kamay at iniharap sa kanya ang bracelet ko na binigay nya at iningatan ko ng ilang years dahil 'yun ang pangako ko sa kanya bago ako umalis. "This bracelet. Naaalala mo pa ba 'to? Ito 'yung bracelet na binigay mo sa'ken. Sabi mo pa nga ingatan ko eh. Look! Iningatan ko sya! So please jake, sabihin mo sa'king ikaw nga 'yan. Please? Alam mo bang ang hirap nang pinagdaanan ko nung hindi na tayo nagkita? Alam mo bang iyak ako ng iyak nun? Alam mo ba kung ilang beses akong tumakas kay mommy para lang bumalik sa probinsya para makita ka? A-alam mo ba kung gaano kahirap na wala k-ka? *sniff* Alam mo bang *sniff* mah-"

"I miss you. "

*****

Awkward.

'Yan lang ang masasabi ko sa sitwasyon namin ngayon ni Mhor. Na si Jake pala. Grabe! Ang saya ko! Hindi ako makapaniwalang nagkita na ulit kami ni Jake. Masasabi ko na sa kanya na... Na ano, na... Basta!

Tahimik lang kaming dalawa habang nanonood ng horror movie. Kahit na may nakakatakot na pinapakita sa TV, ni isa sa amin ay hindi natatakot at wala talagang kumikibo. As in!

Paano ba magkakaroon ng normal na atmosphere kung ito 'yung nangyare kanina?

"I miss you. " He hugged me. Very tight.

"J-jake! You remembered me? Naalala mo na ako?" Hindi kumalas sa pagkayakap si Mhor sahalip ay mas siniksik nya ang mukha nya sa batok ko at sinagot ang tanong ko.

"K-keira, I-I'm sorry I didn't tell you. " Utal na sabi ni Jake sa akin at kumalas mula sa pagkayakap. "Hindi ko naman kasi alam na binalikan mo pala ako. Hindi ka rin kasi kaagad bumalik kaya akala ko hindi ka na talaga babalik. Kaya nung sinabi ni mommy na pupunta kami ng America, hindi na ako nag-dalawang-isip pa dahil ang tanging naisip ko that time, ano pang silbi ng pag-aantay ko sa'yo kung hindi ka na babalik. Kaya 'yun. I'm sorry talaga Keira, I'm so sorry. " At niyakap nya ulit ako.

"O-ok lang. May kasalanan din naman ako. Hindi ako kaagad bumalik." At pagkatapos nun ay nag-iyakan kaming dalawa. Bading man tingnan para kay Jake pero umiyak talaga sya.

So 'yun, 'yun ang nangyare kanina.

Ala una na ng umaga bago kami matapos manood at itong si Mhor naman ay mukhang antok na, ganun din ako.

"Antok ka na? " Tanong ko kay Mhor. Napahikab naman si Mhor at tumango sa tanong ko. "Tara, tulog na tayo. " Lalakad na sana ako pero napahinto rin ako nung napansin kong nagulat si Mhor sa tanong ko. Problema nito? "Oh, bakit?" Tanong ko sa kanya habang kinukusot ang mga mata ko. Antok na ako eh.

"Tabi tayo?" Nagulat naman ako sa tanong nya. Anong tabi ang pinagsasabi nya?! Hayst! 'Di parin sya nagbabago, may saltik parin sya.

"Hoy hoy! Anong tabi ang pinagsasabi mo?! "

"Hahahahaha! " Natatawang si Mhor. Loko 'to ah! "Sabi mo kasi matulog na TAYO. Pagkakaintindi ko ay tabi TAYO. " Pagdidiin nya sa salitang TAYO. Ano bang problema nya? Gulo rin eh!

"Loko ka! Anong tabi ang pinagsasabi mo? Doon ka sa guest room matutulog 'no. "Napatawa naman sya ulit sa sinabi ko.

"Sus, parang 'di natin naranasang magtabi sa higaan dati ah. " At binigyan nya ako ng mapang-asar na ngiti.

Oo, nagkatabi na kami dati sa iisang higaan. Pero mga bata pa kami nun ah! Nung pumunta kasi sya sa bahay ng lola ko, biglang umula na 'yung tipong hindi sya makakauwi sa sobrang delikado. Inabot sya ng gabi nun kaya no choice sya kundi doon sa bahay ng lola ko matulog.

Wala naring ibang available na kwarto kaya no choice, sa kwarto ko sya nun pinatulog.

"Che! Kung hindi lang umuulan nun, pinauwi na kita. " Naaasar na sabi ko sa kanya at tumalikod sya kanya. At hindi ko namalayang may nabubuong maliit na ngiti sa aking mga labi.

"Hahahaha! Joke lang nga KK hahahaha! " KK. I miss that nickname. 'Yan ang tawag sa akin ni Mhor dati.

"Oo nalang ako JJ! " At JJ naman ang tawag ko sa kanya dati.

Oh damn. How I miss that.



*******
Yieee! Naka-update ulit hehehehe. Medyo maikli mga peps, at late din ulit ang pag-update. Hope like it, mhuah! Babawi po ulit ako. Promise! Babawi na talaga ako hahahaha. Thank youuuu!


Accidentally FallenWhere stories live. Discover now