Chapter 11Carla's Pov
"Ok, one more time. " Sabi ni VJ, ang bakla naming choreographer.
Nandito na nga pala ako sa school namin. Umuwi kasi kami ng mga 5:30 ng umaga para makapag-prepare dahil may pasok kami at pagkatapos nun ay nagkanya-kanya nalang kaming punta ng school.
Nandito nga pala kami ni Thea sa gym, meron kasi kaming practicum sa PE sa wednesday tapos monday na ngayon kaya naman nagpa-practice kami ngayon. Tutal, nalaman lang din namin kanina ni Thea na mamayang hapon pa pala ang klase namin dahil may pinuntahan ang mga teachers namin.
Pinatugtog ulit ni VJ ang tugtog namin at nagsimula na ulit kaming sumayaw. Wala naman kasi kaming ibang alam tungkol sa ibang klase ng sayaw kaya naman hiphop ang naisipan namin.
Nung matapos ang aming pagpa-practice ay dumeretso muna kami ni Thea sa shower room dahil sa sobrang pagsasayaw ay pinag-pawisan kami kaya kailangan naming makapagligo.
"Bes, 'yung sinabi ko ha? " Sabi ni Thea sa akin nung matapos akong mag-shower.
Huh? Anong sinabi ni Thea sa akin? Wala akong maalala.
"Sinabi? "
"Oo! 'Yung sinabi ko sa'yo kagabi na tulungan mo ako kay.... Bebe Mhor! " Sabi ni Thea sa akin ng pabulong.
Ahh... 'Yun pala! Akala ko kung ano eh!
"Haha! Oo nga pala! " Sabi ko kay Thea habang kumakamot sa aking noo.
Hayy! Bakit ba ito sobrang patay na patay kay Mhor? Eh, sobra nga nung tahimik eh! At isa pa, hindi talaga sya papansinin ni Mhor dahil you know, may inaantay pa DAW na babae si Mhor na nasa malayo.
Gosh! Thea! Iba nalang ang magustuhan mo! 'Wag si Mhor! 'Wag kang umasa sa kanya! Masasaktan ka lang!
Gusto ko sanang sabihin iyun kay Thea pero baka masaktan lang sya kung sasabihin ko iyun. Pero doon din naman ang punta nun eh, masasaktan at masasaktan parin sya kay Mhor.
Pero kahit na! Ayokong paring masaktan ang aking kaibigan kaya dapat ay mapigilan ko na ito.
"Yey! So, kelan mo ako tutulungan? " Masayang tanong sa akin ni Thea habang tinataas-taas nya ang kanyang kilay.
Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa tanong ng aking kaibigan kaya naman ay sinuklian ko nalang ito ng ngiti.
Palabas na sana kami ng shower room nung biglang humarang sa pintuan si Stephan, kasama si Mhor. Napatingin ako kay Thea na kinikilig dahil, alam nyo na, nakita nya ang BEBE MHOR kuno nya. Napailing nalang ako kay Thea.
"Ba't nandito kayo? " Tanong ko sa kanilang dalawa habang ang dalawa kong kamay ay nakahawak sa aking beywang.
"Wala lang, bakit, masama bang pumunta dito? " Napangisi nalang ako dahil sa sinabi ni Stephan.
"Oo! "
"Wow! At bakit mo naman 'yun nasabi? " Maangas na tanong ni Stephan sa akin.
"Ang slow mo rin ano? Masama talagang pumunta kayo dito dahil girl's shower room ito noh! " Pagkasabi ko nun ay tinuro ko ang nakapaskil sa pader na may nakasulat na 'Girl's Shower Room'.
Napailing nalang ako dahil sa pagka-slow ni Stephan.
Napakamot sa ulo si Stephan at biglang namula sa pagkapahiya. Hahaha! Wala pala sya eh!
Napatingin ako kay Mhor na ngayon ay, as usual, tahimik pa rin. Tsk tsk! Hindi ba ito sanay magsalita?
"Oy, Mhor, " Napaharap sa akin si Mhor dahil sa pagtawag ko sa kanya at biglang namula, nanaman!

YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Ficção AdolescenteThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...