Chapter 15

9 2 0
                                    

Carla's Pov

H-hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang inasal nya ngayon, lalo na kanina. Sh*t! Ang gulo rin minsan ng ugali nito eh! Bw*sit!

Sa akin lang sya nakatingin hanggang sa matapos na ang kanyang kinakanta. Nginitian nya lang ang mga audience saka bumaba sa stage na kinatatayuan nya kanina habang hawak-hawak sa kaliwang kamay ang gitara nya.

"What are you doing here?" Seryosong tanong nya sa akin.

Bw*sit ka! Ang gulo-gulo talaga ng ugali mo!

"M-may binili l-lang." Sh*t! Bakit ba ako nauutal!?

"Talaga?" Tumango lang ako sa kanya habang sya naman ay biglang nag-smirk. Wtf?! "Eh anong binili mo dito sa crowded part ng mall? Hmm?" Sabi nya then nilapit ang mukha sa akin. F*ck!

Napatameme ako ng dahil doon at tinulak nalang sya ng mahina para malayo ang mukha nya sa akin.

"Ano ba Drake!"

"Haha! I'm just kidding ok?" Natatawang sabi ni Drake sa akin at inilayo ang mukha nya sa akin.

"Tse!" Sabi ko nalang saka umalis sa gawi nya at pumunta ng parking lot.

Hinanap ng mga mata ko ang kotse ko at nung mahanap ko na ito, lumapit ako dito saka sumakay at pinaandar.

Bago pa man ako makaalis, nahagip ng mata ko mula sa side mirror ng kotse ko ang imahe ni Drake na pasakay palang ng kotse nya.

Pero bago pa man sya makasakay ng kotse nya ay kinuha nya sa bulsa ng kanyang pantalon ang kanyang cellphone. May tumawag ata sa kanya.

Tinitigan ko lang si Drake habang may kausap sa telepono. Halatang nakangiti sya dahil sa kausap nya.

Baka si Jonah 'yun? Janah, Jinah basta! Nagsisimula sa J ang name at nagtatapos sa H ang pangalan ng girlfriend nya. Pero ano kaya ang pinag-uusapan nila?

Ayan ka na naman Carla! Baka masigawan ka na naman ni Drake!

Napabalikwas ako nung napatingin sa gawi ko si Drake kaya naman tumago ako.

Sh*t! Sana hindi nya ako nakita! Baka masigawan na naman ako non! Ayoko nang masigawan nya ako no! Nakakatakot kaya sya!

Sumilip ulit ako sa gawi nya at napansing pinapaandar nya na ang kotse nya at maya-maya lang ay umalis na sya.

Ewan ko kung ano ang pumasok sa isip ko at sinundan ko sya. Alam kong ikapapahamak ko ang pagsunod ko na ito kay Drake dahil sisigawan nya na naman siguro ako kapag malaman nyang sinusundan ko sya.

Binagalan ko lang ang pagtakbo ng kotse ko nung bumagal na rin ang pagtakbo ng kotse ni Drake at inihinto nya ito sa harap ng isang mini-forest. Huminto narin ako pero medyo malayo sa kotse nya at hindi nya makikita.

Ngayon, nagsisi na ako kung bakit ko pa sinundan si Drake. Pumasok kasi sya sa isang mini- forest. Masukal ito ng kaonte pero may madadaanan ka parin.

Sinundan ko lang si Drake na ngayon ay naglakakad sa loob ng mini-forest. At ako naman ay nagsisimula nang matakot dahil sa mga malalaking puno na nakikita ko na merong mga bagin na nakasabit doon. Habang tumitingin sa mga puno, nawala sa isip ko na sinusundan ko pala si Drake kaya naman hinanap ng mga mata ko si Drake.

Pero hindi ko na sya makita!

Nagpatuloy lang ako sa paghahanap kay Drake pero hindi ko na talaga sya makita! Huwaaa!

Bakit ko ba kasi sya sinundan?! Anong pumasok sa isip ko at sinundan ko si Drake? Nababaliw na ba ako?!

Napa-upo ako saglit sa ilalim ng isang puno habang ang mga luha sa mata ko ay mukhang papatak na.

Huhuhu! Ano nang gagawin ko?! Hindi ko alam ang lugar na ito! Hindi ko alam kung saan ang daan pabalik sa kotse ko! Palubog na pa naman ang araw. Baka mag-alala si mama kapag 'di pa ako umuwi nang lubog na ang araw!

Anong gagawin ko?!

Tatayo na sana ako mula sa kinauupuan ko pero may biglang tumakip sa bibig ko.

Drake's Pov

Kasalukuyan nga pala akong nagda- drive ngayon papunta sa isang restaurant dahil gustong makipag- meet sa aking ng girlfriend ko. At hindi mawala-wala sa mukha ko ang sobrang saya.

Habang nagda-drive, napansin kong kanina pa ako sinusundan ng kotseng nasa likuran ko. Sinubukan kong bilisan pero binibilisan nya rin. Kapag binabagalan ko naman ay binabagalan nya rin.

P*ta! Ano ba ang pakay ng taong nasa loob ng kotse na 'yun ay sinusundan nya ako?

Ayaw ko man gawin pero kailangan ko munang i-cancel ang meet-up namin ng girlfriend ko.

Ideneretso ko sa isang mini-forest ang kotse ko ay hanggang doon ay sinusundan nya parin ako.

Bumaba na ako ng kotse ko nung nakarating ako sa lugar na 'yun sala tumungo sa loob ng gubat na 'yun. Binilisan ko ang paglakad para hindi nya na ako masundan at success! Hindi nya na nga ako nasundan!

Nagtago muna ako saglit at nung napansing wala na ngang sumusunod sa akin, nagsimula na akong lumakad pabalik ng kotse ko.

Habang naglalakad, may napansin akong tao sa ilalim ng isang puno, babae sya. Aha! Sya siguro ang sumusunod sa akin! Pero parang pamilyar? Basta, malaman ko lang nung sino ang sumusunod sa akin, kontento na ako.

Dahan-dahan akong lumapit sa babae, at nung makachempo, tinakpan ko ang bibig ng babae sa oamamagitan ng kanang kamay ko, ang kaliwang kamay ko naman ay nakahawak sa dalawang kamay nya at ang isang paa ko naman ay nakapulupot sa isa nya ring paa para 'di sya makawala.

"Sino ka?" Tanong ko sa babae. Pamilyar talaga eh! 'Di ko lang matandaan kung sino.

Pumalag ang babae kaya naman mas hinigpitan ko ang paghawak sa kanya.

"Hmmmpph! Hmmpphh!" Sigaw ng babae mula sa nakatakip nyang bibig.

Tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig nya para maintindihan kung ano ba ang sinasabi nya.

"Bitiwan mo'ko!" Pamilyar, pamilyar na pamilyar. Hindi ko kasi makita ang mukha ng babae eh, dahil nakatalikod sya sa akin.

"Sabihin mo muna kung sino ka!" Sigaw ko sa kanya.

"Sinabing bitiwan mo nga ako!" Sigaw ulit ng babae at pumalag ulit. "Arrggh! Bitawan mo'ko!"

"Sh*t!" Sabi ko nalang dahil sa sobrang lakas ng pagpalag ng babae pero syempre, mas malakas parin ang lalake sa babae kaya naman hindi sya ulit nakapalag sa akin. "Makulit ka ah! Sinabi ngang sabihin mo muna kung sino ka!"

"Eh sinabi ko ring bitawan mo muna ako!" Sigaw rin ng babae sa akin kaya naman binitawan ko na.

Ang tapang ah!

Nakatalikod parin ang babae sa akin kaya hindi ko parin nakikita ang itsura nya.

"Sino ka? At bakit mo'ko sinusundan?" Seryosong tanong ko sa babaeng kasalukuyang nakatalikod sa akin.

Pinagpagan muna saglit ng babae ang pantalon at damit nya saka sya dahan-dahang humarap sa akin. Pero nakayuko sya kaya naman hindi ko parin nakikita ang mukha nya.

Dahan-dahan akong lumapit sa babae para maiangat ang ulo nya at para makita ang mukha nya pero umaatras sya. Hanggang sa waka na syang maatrasan kaya naman nagkaroon ako ng opportunity na ikulong ulit sya sa mga bisig ko sa pamamagitan ng paglagay ko ng braso ko sa bandang leeg nya.

"Sino ka?!" Pagkasabi na pagkasabi ko non ay inangat ko ang ulo ng babae para makita ang mulha nya at...




*****

Ayy! Sino kaya 'yun? Haha! Please keep on reading nalang po para malaman nyo. Pero may clue na rin naman kayo kung sino 'yun eh haha! 😂

Thank you po sa pagbasa at sorry for the late and short update. Please vote and leave a comment po! Thankyouuuu! 😘





Accidentally FallenWhere stories live. Discover now