Carla's Pov
"Ate, isa nga po nyan. " Sabi ko kay ate na nagtitinda sa canteen ng school namin habang tinuturo ang burger.
Pagkasabi ko nun ay kinuha kaagad ni ate ang burger at inabot sa akin kaya naman binayaran ko sya at bumalik na sa table namin.
Nandito nga pala kami sa canteen, ako, si Thea, si Stephan at si Mhor. Tanghali na rin kasi kaya kailangan na rin naming kumain.
Nagtataka siguro kayo kung bakit burger lang ang binili ko noh? Naubusan kasi ako ng rice kaya, burger lang muna ako.
Umupo ako sa tabi ni Thea at kinagatan ko kaagad ang burger na binili ko. Gutom ako ok?! Kasi nga pagod ako dahil sumayaw kami kanina.
Habang kumakain, biglang dumating ang masungit na pinsan ni Thea kaya naman hindi ko naiwasang kabahan dahil naalala ko na naman ang inasal nito nung isang araw.
"Yow insan! " Masayang bati ni Thea sa kanyang pinsan habang kumakain. Inangat ni Thea ang kanang kamay nya para sana makipag-fist bump sa kanyang pinsan pero dinedma lang sya nito.
Ang bastos talaga ng lalakeng 'to! Walang modo! Sarap ipabalik sa prehistoric life tapos ipakain sa mga dinosaurs eh!
Umupo nalang si Drake sa tabi ng kanyang pinsan at sinubo kaagad ang burger din na dala nya.
Aba't! Nagpaalam ba sya na pwede syang sumabay sa amin kumain? Wala naman 'diba? Hayysst!
Kinain ko nalang ang aking burger habang tumitingin sa mga tao sa canteen na lumalakad.
"Walang modo. " Rinig kong bulong ni Stephan sa akin.
"Oo nga, " Pabulong na pagsasang-ayon ko sa kanya.
"Ni hindi man lang pinansin ang pinsan nya. " Bulong ulit ni Stephan sa akin habang tumitingin sa kumakain na si Drake.
"Tama, " Pagsasang-ayon ko ulit kay Stephan.
"Ano 'yang pinag-uusapan nyo? Share nyo naman! " Mapang-asar na tanong ni Thea sa amin ni Stephan then sinundot ako sa aking tagiliran. "Uy! May nabubuong love team! " Nagkatinginan kami ni Stephan nung binanggit ni Thea ang salitang 'Love Team'.
Like, what the?! Kami?! Ni Stephan?! Makaka-love team?! Nag-bubulungan lang kami may nabubuo na kaagad na love team? Imposibleng mangyayare 'yan no! Imposibleng-imposible.
Kung ako, problemadong-problemado sa sinabi ni Thea, ito namang si Stephan, nginingisian lang ako.
Ehh!! Ano na naman ba ang nasa isip nito?! Baka iniisip nya na nag-a-assume ako na magkaka-love team kami? No way!
Inirapan ko nalang pareho si Stephan at si Thea at pinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko sa aking hamburger.
"Tsk!" Sabi ng pinsan ni Thea na si Drake saka tumayo ng padabog.
"Ano problema non?" Tanong ni Stephan habang tinitingnan si Drake na lumalakad palayo.
"Oh my God! 'Di kaya, may gusto ang pinsan ko sa'yo bes at kaya sya umalis dahil sa sinabi kong may nabubuong love team sa inyong dalawa ni Stephan?! Oh God! This can't be happening! " Medyo gulat pero masayang sabi nya sa am in.
Napangiwi nalang ako sa sinabi ni Thea na may gusto sa akin si Drake? Pwedeng mag-pakamatay? Hindi nakakatuwa ang sinabi ni Thea ah...
Eh sinigawan nga ako ng lalakeng 'yun kagabi dahil narinig ko accidentally ang pag-uusap nila ng girlfriend nya.
"Lul! Malabong mangyare 'yan no!" Pagkasabi ko non ay kinain ko ang huling kagat nalang ng burger ko at uminom sa lemon juice na binili ko rin kanina.

YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Teen FictionThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...