Chapter 2

10 6 0
                                    

Chapter 2

Stephan's Pov

Hi! Siguro kilala nyo naman ako. I'm Christ Stephan Reyes. Looks ba? Well, ang daming nag-sasabi na gwapo ako maliban lang kay SUNGET este Carla. PANGET DAW ako! Akalain mo 'yun, nasabihan nya ako nang panget na halos lahat ng babae gustong makuha ang mukha kong to!

Kasalukuyan nga pala akong nagda-drive ngayon habang si sunget naman ay mahimbing na natutulog.

Aba! Ginawa pa talaga akong driver! Well, ako rin pala ang nag-insist na ihatid sya.

Habang nagda-drive, hindi ko maiwasang mapatingin sa mukha ni Carla.

Ang laki pa rin pala ng epekto sa akin ni Carla. Ang ganda nya pa rin. Sya pa rin ang Carla na nagustuhan ko...oo, gusto ko sya simula palang nung third year high school kami, wait, mahal pala.

Hindi lang gusto, mahal ko sya, mahal na mahal.

While I'm looking at her face, biglang tumunog ang cellphone ni Carla kaya huminto ako para sagutin 'yun.

Hindi ko na rin magising si Carla dahil mukhang sarap na sarap na ang tulog nya eh.

"Hello po, Tita?"

[Stephan? Where's Carla?] Mommy ni Carla.

"Ahh..... Nakatulog po kasi sya Tita kaya ako na ang sumagot ng tawag mo...." Sagot ko naman kay Tita Carly habang tinitingnan pa rin si Carla.

[Ahhh......sige, sige.....basta dumeretso nalang kayo sa bahay nyo Stephan, dumating ang isa pang ka-business partner namin ng parents mo at gusto nila kayong makilala.] Tita Carly then in-end na ang call.

Tiningnan ko muna ng medyo matagal si Carla at pagkatapos nun ay pinaandar ko na ulit ang kotse at para makapunta na kami ng bahay at after 20 minutes ay nakarating na rin kami pero ito namang si Carla ay tulog pa rin.

"Tsk! Tsk! Tsk!" sabi ko nalang tapos kinalabit ko sya. "Psst! *poke* Panget, gising na uy!"

"Hmmmm!"

Aba! May gana pa talaga syang magreklamo ah! At namalo pa!

"Hoy! Panget, gising na!"

Pagkasabi ko nun ay minulat nya na ang mga mata nya pero teka....nag-ba-blush ba 'to?

0//////////0 --- Carla

"A-ah......p-panget! T-tumabi ka n-nga! Natutulog ang t-tao eh!" What!? Panget?! Sino!? Ako!? Aba't!!

"Makapanget naman to! O sya! Baba na, nandito na tayo sa bahay....." Pagkasabi ko nun kay Carla ay tinanggal ko ang pagkaka-seatbelt ko.

"Hoy panget! Ba't dinala mo ako sa bahay nyo?" Tanong ni Carla na nakakunot ang noo.

Aba! Sya pa ang may ganang magalit!

"Hayysstt! Nung natutulog ka kasi kanina biglang tumawag si Tita Carly sa cellphone mo eh kaso baka masira ko ang sleeping ugly mo kaya ako nalang ang sumagot sa tawag nya at sabi nya dumiretso raw tayo sa bahay namin kasi bigla raw dumating ang isa pang ka-business partner ng parents natin gusto raw nila tayong makita....."

"Maka-sleeping ugly naman toh! Eh bakit gusto raw nila tayong makita?"

"I don't know....why don't you ask our parents..."

Hindi ko naman talaga alam kung bakit gusto nila kaming makita pero siguro para na naman ito sa business namin?

Lumabas na kami ni Carla ng kotse ko at pumasok sa bahay namin at pagkapasok na pagkapasok namin ay nadatnan namin ang parents ko at ang mommy ni Carla at syempre pati ang ka-business partner ng mga parents namin ni Carla.

Accidentally FallenWhere stories live. Discover now