Chapter 3
Carla’s Pov
“Tumingin sa’king mata! Magtapat ng nadarama! Di’ gustong ika’y mawala dahil handa akong ibigin ka! Kung maging tayo, sa’yo lang ang puso ko!!!!~~~”
“Ang ingay mo Thea! Tumahimik ka nalang nga at mag-drive!” Sigaw ko kay Thea.
Paano ba naman kasi, magda-drive nalang nga sya, kakanta pa sya!
At hindi lang basta kanta, sigaw na ‘yun at ang kinakanta nya pa ay ang ginawa nyang theme song namin ni Stephan!
What the!?
Paano kami nagkaroon ng theme song ni Stephan?
“Wag ka ngang kj! Minsan nalang nga ako kumanta eh! Kokontra ka pa! Oh! Nandito na tayo.” Pagtatampong sabi ni Thea.
“Walang tayo, lul!” Sabi ko sa kanya.
Andito nga pala kami ngayon sa mall, wala lang, trip lang namin ni Thea na gumala at gusto nya ring makahanap ng bagong boylet.
Ewan ko ba, boyfriend ng boyfriend si Thea tapos iiyak-iyak sya kapag iniwan sya.
Pero ‘wag kayo, love ko parin sya kahit papa’no no!
“Bes, tara dun oh!” sabi ni Thea at tinuro ang isang store na puno ng pabango.
“Anong gagawin natin dun?” tanong ko sa kanya.
Eh paano ba naman kasi, hindi sya mahilig sa mga pabango tapos pupunta sya sa store ng mga pabango.
“Malamang, bibili ng pabango,”
Psh! Nahawa yata ‘to kay Stephan dahil naging pilosopo na rin sya.
“I mean, hindi ka mahilig sa mga pabango pero, bakit bibili ka ng pabango?”
“Ah, ok. Para po kasi ‘yan sa pinsan kong tamad bumili ng kanyang pabango ‘yan!” sabi ni Thea.
“Sinong pinsan ‘yan? Eh ang dami mo kayang pinsan.” Pagkasabi ko nun ay nagsimula na kaming lumakad papunta sa store.
“Ah, ‘yung pinsan kong galing New York na kasabay ni Mom pag-uwi dito sa Pilipinas.” Pagku-kwento ni Thea habang pumipili na ng pabango.
“Ah….” Sabi ko sabay tango tango.
Maganda kaya pinsan nya? Kasing year din kaya namin? Sana oo, para may dagdag na sa barkada namin.
“Carla!” pagtawag sa akin ni Thea.
“Bakit?” pagkasabi ko nun ay lumapit ako kay Thea.
“Paamoy nga ‘to kung mabango.” Sabi ni Thea at inabot nya sa akin ang pabango na hawak nya.
Nag-spray ako ng kaunti sa kamay ko ng pabango at inamoy ko ito.
Pag-amoy ko…..bakit parang panlalaki ang pabango na ‘to? Tibo ba ang pinsan nya? Lesbian ba?
“Ah, thea….” Pagtawag ko kay thea na ngayon ay busy sa pagtingin sa mga pabango.
“Oh, mabango ba?” tanong ni thea at lumapit sa akin.
“Mabango naman sya pero….bakit panlalaki ‘tong pabango na pinili mo? Tibo ba ang pinsan mo? Sayang, maganda pa naman siguro sya para maging tibo”
*PAAKK!*
“Aray!” Sakit nun ha! Sinapok ba naman ako!
“Gageks! Hindi tibo ang pinsan ko!” Thea.
“Eh ano pala? Transgender ba ang pinsan mo?!”
Hala! Sayang ang ganda nya kung magtra-transgender sya!

YOU ARE READING
Accidentally Fallen
Teen FictionThis story was about a 10 year old girl who me a guy accidentally who has same birthday with her and as they became closer not until the girl needs to leave. She's supposed to go back but something happened, she didn't came back. And that made her r...